One

6 0 0
                                    


Darkness. 

Darkness is all I can see. 

Wala ng bago dun. 

Sa tagal na ng panahon na ganito lagi ay sanay na ako na kahit nakamulat ang aking mga mata ay kadiliman pa din ang sasalubong sa akin. 

Dapat pa ba akong magulat?

Being blind is hard at first because you can't able to see the beauty of the nature, all you can do is listen to their sounds and imagine it. 

Gusto ko masinagan ang liwanag kahit sa konting oras lamang. Makita ang ganda ng kapaligiran at mapanood ang pagtaas ng araw.

Ngunit hanggang pangarap na lang lahat ng iyon. 

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at naglakad ng dahan dahan papunta sa terrace upang maramdaman ang simoy ng hangin.

Hmm kay lamig ng simoy ng hangin napakasarap ng haplos nito sa aking balat. Ramdam ko ang pagsayaw ng aking buhok dulot ng hangin.

The sounds of the waves are so relaxing, the wind is warm and I guess the time right now is around 8 o' clock in the morning. 

Ginawa na lahat ng aking magulang at kapatid ang lahat magamot at makakita lang ako pero kahit anong gawin nila ay walang nangyayare. 

Mas lalo lang itong lumalala at laging nagkakaaberya kaya naman hindi na muli kaming sumubok na magpagamot ngunit kada buwan ay may napunta sa bahay namin na esperetista upang tignan ang kalagayan ng aking mata.

Sinusuri lamang ito yun lamang at wala ng iba.

People think that our family is beyond perfect but little did they know the word perfect is not fit to describe our family.

Kaya naman hindi kami masyadong nakikisalamuha sa ibang tao, masyado kaming mailap at tago. Bilang lamang ang dinadaluhan na selebrasyon ang pinupuntahan, minsan lamang makihalubilo kung kinakailangan. 

Sa bawat selebrasyon ay hindi ako kasama sa pagdalo dahil para sa kaligtasan ko. Walang nakakaalam kung sino ako.

Isa akong sikreto ng aming pamilya tanging kamag-anak at malalapit na tao lamang ang nakakakilala sa akin. 

Kakaunti lang nakakakilala at nakakaalam sa akin. My family hides me to protect me from other people. 

Nakakalungkot isipin na kaunti lang ang nakakakilala sa akin and I don't have friends.


Blindness is an unfortunate handicap but true vision doesn't require eyes.

Ang mga tao ngayon ay labis na nakakadismaya. 


People are blind to reality and only see what they want to see. 


Sa aking pagmumuni muni sa labas ay may kumatok sa aking pintuan. 


"Miss Cecelia tinatawag na po kayo nila Senyora para kumain ng umagahan," wika niya.


Tumango na lang ako bilang pagtugon ko sa kanya. 

Nagsimula na akong maglakad, kahit hindi ko nakikita ang aking paligid ay malakas naman ang aking pakiramdam. 

Matalas ang aking pandinig.

Alam kong nasa tabi ko ang lamang ang aming kasambahay upang alalayan ako.

The Blind SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon