Two

5 1 0
                                        

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain para makapag-ayos na ng aking sarili. Nakakahiya naman kay Doctor Erce kung ganito ang aking ayos.

Pinalaki kami ng aming magulang na kailangang presentable kami sa harap ng ibang tao. 

Si Doctor Erce ay ang aming family doctor, madami din ang nakakakilala sa kanya at pamilya niya dahil sa kanyang kakayahan. Isa siyang magaling na doctor hindi ko maipagkakakila iyon. 

Isa din siya sa pinagkakatiwalaan ng aking mgga magulang pagdating sa ganitong larangan. 

Sa mundong ito ay napakaraming tao ang nagkukumahog na makakuha ng impormasyon sa aming pamilya. Maraming nagsubok na makuha ang interes ng aking magulang at maging sa aking mga kapatid.

Kaya ganun na lang kung gaano katiwala ang aking magulang na ipaubaya angkalagayan ko kay Doctor Erce. Hindi nya kailanman inilabas ang tungkol sa aking kalagayan, tahimik lamang siya at mataas ang respeto sa aming pamilya.

Si kuya Teivel and Than, ang kambal ay madami ng babaeng napapaiyak maging si kuya Oly ay napapagaya at naiimpluwensyahan na ng kambal.

Kung hindi naman nila iniiwan ang babae, pinapaiyak naman nila ito sa kung anong kalokohan ang mga pinaggagawa nila.

Ang hilig nilang magpaiyak ng mga babae gayon namang ayaw na ayaw nila kaming makitang umiiyak ni mommy. Pinagsabihan na sila nila mommy and daddy kaso matitigas talaga ang ulo.


"Miss, nakahanda na po ang inyong paliguan"

"Sige, maraming salamat Tina" naglakad na ako papunta sa aking silid upang makapag-ayos na at maya maya nandyan na si Doctor Erce.

Tanging si Tina lamang ang tumatawag sa akin ng Miss kaya alam kong siya ang kausap ko.

Pumasok na ako sa aking paliguan at nagtanggal ng aking saplot. Sa paglubog ko sa maligamgam na tubig ay napakasarap nito sa aking pakiramdam. 

Napakaginhawa.

Maya maya ay naramdaman ko na ang kamay ni Tina sa aking buhok nilalagyan niya ng shampoo ang aking buhok. Gustuhin ko mang maligo mag-isa at kaya ko naman ngunit ayaw nila mommy.

Okay lang din naman sa akin dahil parehas naman kaming babae at matagal na naman siyang nagtatrabaho sa amin. 


Matagal na siyang nagbibigay serbisyo sa aming pamilya magmula bata pa lamang ako kaya komportable ako sa prisensya niya.

Ilang siglo na ba ang lumipas ngunit nandito pa din siya sa amin at handang magserbisyo.


Tapos na akong maligo at ngayon naman ay naghahanap ng susuotin. 


"Tina, gusto ko sanang suotin ay isang puting bestida" 


'Masusunod po"


Habang nag-aayos ay may biglang kumatok sa aking silid. 


"Miss Cecilia, nandito na po si Doctor Erce" wika niya.


"Baba na ako sandali lamang" pagtugon ko sa kanya naramdaman ko namang umalis na siya kaya binilisan ko na ang pag-aayos dahil hindi magandang pinaghihintay ang isang tao. 


Hindi ako nagpapapasok sa aking silid kaninuman dahil hindi ako komportable na may ibang taong nakakapasok dito maliban na lang sa aking pamilya at kay Tina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Blind SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon