"Ah talaga! Hindi ako aasa sa sustento mo kahit maghirap ako hindi ko ipalalaglag ang bata!" Binato ko siyang muli ng folder na walang laman. Kahit ibato ko pa lahat ng laman nitong shelf ko hindi mawawala ang pagkamuhi ko sa lalaking 'to!
"As you wish. Tingnan lang natin kung hindi ka magsisi" pa-cool niyang sabi matapos makailag. Mas lalo pa akong nainis nang ngumisi siya. Walang konsensya ang lalaking 'to.
"Ano pang ginagawa mo dito sa apartment ko? Lumayas ka na at 'wag nang magpapakita kahit kailan!" pagtataboy ko sa walang konsensyang taong kausap ko. Akala mo kung sinong lalaking malaki ang hmmmmp!
"Kapag nanlimos ka sa kalye pagtatawanan pa kita. Don't want to abort, huh? Bahala ka sa buhay mo!" pahabol niyang wika bago ko pagsarhan ng pinto.
"Wala kang kwentang lalaki!" naiinis kong sigaw. Lahat ng inis at galit na nararamdaman ko ay unti-unting napalitan ng pagsisisi.
Napaupo na lang ako sa gilid ng pintuan yakap ang mga tuhod ko. Bumuhos na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ayaw kong umiyak sa harap niya, ayaw kong magmakaawa na pangatawanan niya ang pagiging ama. Kung ayaw niya, mas lalong ayaw ko siyang makilala ng baby namin. Wala siyang isang salita!
"Paano ko ba 'to sasabihin kila mommy? For sure tatanggalan ako ng mana, itatakwil pa 'ko!" frustrated kong tanong sa sarili. Hindi naman ako matutulungan ni Sasha kasi ako ang mas matanda sa aming dalawa at limang taon ang agwat namin. Dalawa lang din kaming magkapatid kaya wala akong mahihingan ng tulong sa family ko! Argh! Kasalanan ng lalaking 'yon!
"Mamaya na nga ako mag-iisip, nagugutom na ako" Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng apartment para bumili ng dinner.
Ngayong alam kong buntis ako, I need to eat healthy foods para healthy din si baby. I decided to buy fruits and vegetables. Nagluto ako ng itlog na may ampalaya, may saging at isang basong gatas. My dinner is ready!
Kinabukasan, tanghali na ako gumising mabuti na lang Sabado ngayon kaya walang pasok. For sure absent na naman ako sa first subject kahit late lang. Five times na siguro akong namarkahang late ni Ma'am Cruz sa dalas.
Hanggang ngayon nga-nga pa rin ako sa plano ko sa buhay ko at kay baby. I really don't know what to do. Walang pumapasok na idea sa isipan ko pero dapat hindi ako ma-stress. Dalawang buwan pa lang naman akong buntis kaya hindi pa gaanong halata ang tyan ko pero paano na 'to?
Napairap ako sa hangin nang mag-ring ang phone ko. Mommy is calling.
"Hi, sweetie!" masiglang bungad niya.
"Mommy, you're too loud! Bakit po kayo napatawag?"
"Don't you miss me? How's your studies?" she asked. I rolled my eyes again 'cause I can't tell the truth.
"My schooling is well. Okay lang po sa'kin next year na kayo umuwi— I mean hindi na po ako magtatampo if you stay there for years." sounds like ayaw ko silang pauwiin.
"Really? Then that's a good news with your dad." she gladly said. Oh, well hoping kahit 2 years lang. I still don't have a plan basta huwag nilang malaman at makita na malaki na ang tyan ko. Siguro kapag nakapanganak na ako at makita ang apo nila ay magbabago ang isip nila. "Later na lang, sweetie. May appointment pa ako. See you soon, I love you!"
"Sure, mommy! I love you too!" then the call ended.
I sigh. Ano bang magiging plano ko? Katatapos lang ng New Year celebration that's why Mom and Dad came back to US then everything backs to normal. Every holiday season lang umuuwi sina Mommy. Ganyan sila ka-busy sa work to the point na pati birthdays and other special occassions sa family, hindi na nila magawang makauwi. But because of my situation, blessing in disguise na 'to kasi hindi nila malalaman ang totoo. Hoping.
BINABASA MO ANG
Trace of Fate (COMPLETED)
General FictionREVISING EDITING Sanesha Yamien 'Sanya' Yamada is a typical rich girl. She is in her senior year in high school when she got pregnant but her ex-boyfriend, Dominick "Nick" Bernardino did not take responsibility for their child. Despite being a teena...