Disclaimer: This is work of fiction. Names, characters, business, places, events, locales and incidents are either that product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to that actual persons, living or dead or actual event is purely coincidental.
Hey readers, this is my first story so please bear with me. Please support me po.
I'm always planning to write a story noon pa lang and now heto na.
Thank you in advance, readers!
***
"Ah Ma'am, saan ho ang punta ninyo?"Hinarap ko siya't binitawan ang bulaklak na para sa aking ina.
"Kay mama lang" Sagot ko ng may ngiti sa aking mukha.
"Ipapatawag ko lang po si Mang Rody para samahan kayo--
"Hindi na, kaya ko naman. Pero salamat" pagpuputol ko sa suhestiyon niya at patuloy ng naglakad palabas ng shop
Huminga ako ng malalim at dinama ang haplos ng malamig na hangin sa aking mukha. Nilingon ko muli ang shop at nginitian si Ally at pagkatapos ay kumaway na para magpaalam.
Sana man lang nagtama ang paningin natin, Ally.
Naglakad ako papunta sa waiting shed at nag-abang ng Taxi. Ayoko namang magpahatid kay Mang Rody kasi baka kailangan din siya sa Shop para magdeliver ng mga bulaklak. Kaya ko naman sarili ko, matanda na ko.
Nang maramdaman kong may tumigil nang taxi sa harapan ko ay tumayo na ko dala ang bulaklak at baston.
"Sa sementeryo po tayo"Saad ko sa driver, agad naman nitong pinaandar ang sasakyan
Inihilig ko ang ulo ko sa bintana at kunwaring tinatanaw ang labas ng sasakyan. May nagbago kaya dito? Hmm, di rin naman kasi ako mahilig lumabas, tanging si Mama at yung shop lang naman destinasyon ko maliban sa bahay.
Mga ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyang nangangahulugang nandito na ko sa sementeryo. Iniabot ko kay manong yung pamasahe at bumaba na ng sasakyan.
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad namang may umalalay sa akin, sa tingin ko siya yung maghahatid sakin sa puntod ni mama.
"Rose Elizabeth Fuentes, kay mama"
"Sige hija, kumapit ka lang muna sakin dahil medyo madulas at umulan kahapon eh" saglit akong tumango at ngumiti.
Alam ko naman talaga ang daan papunta kay Mama, memorize ko 'yon. Yun nga lang kailangan ko pa ring magpasama papunta sa kanya para hindi ako madulas, madapa o ano pa man. Wala naman kasi akong nakikita, wala pa sa ngayon at sa tingin ko wala na.
Sabi nila may pag-asa pa na makakita ako kasi aksidente lang din naman yung nangyari at kung tutuusin pwede naman daw daanin sa surgery. Pero wala pa kong sapat na ipon para dun, tsaka na siguro.
Naramdaman kong tumigil na kami sa paglalakad, siguro nandito na kami sa museleo ni mama. Narinig ko ang maingay na pagbukas ng gate at ang nakakakiliting tunog ng mga susing nahulog sa sahig.
"Ito na ang mama mo hija, doon muna ko sa kabilang museleo at lilinisan ko rin doon eh. Babalikan na lang kita", sabi niya. Hindi na ko nagsalita, hinintay ko muna siyang makalabas bago tuluyang umupo sa sahig at inilapag ang bulaklak na dala ko.
Tulip ang mga bulaklak na dala ko, yun kasi ang favorite flower ni mama.
Napakunot ang aking noo ng maramdaman ko na may iba pang bulaklak na nakalapag sa puntod ni mama. At kanino naman galing ang mga ito? Bakit ang dami? Hinawakan ko muli ang mga ito at aba, may mga prutas pa. Bakit may ganito si Mama?

BINABASA MO ANG
The Day I Saw You
Romansa"The day I saw you was the best day of my life" -Calla Love is sacrifice. Love is selfless. Love is letting them be happy even if you are not the reason. Love is giving up love for love. Love equates pain. If there's love then expect pain because it...