Episode 1

14 0 0
                                    

"Okay, end of class." Agad kong hinampas ng notebook sa balikat si Isla para gisingin siya. Pumasok na naman siya sa klase ng may hangover kaya halos panay ang tago ko sa kanya sa Prof. sa klase kanina.

"Ouch!" Tiningnan nya pa ako ng masama at nag-cross arms pa.

"Aba, madam, umaabuso ka ata. Hindi hotel itong pinasukan mo, skwelahan po ito." Kinuha ko na ang mga gamit ko para makaalis na. Ewan ko ba sa kaibigan kong 'to, parang ayaw maubusan ng alak.

Kapag ito pina-rapid test, paniguradong positive 'to. Positive sa alak.

"You're so harsh talaga! You know that I have hangover pa, ah!" Papunta na kami sa Dadiangas Square ngayon para i-meet pa sina Casper, Summer at Sayuri.

"Kundi ka ba naman kasi loka-loka, ang sabi ni Prof 'taste it and try to familiarize the taste.' Hindi niya sinabing laklakin mo yung isang bote at itatak sa dila mo ang lasa."

Hindi na siya umimik sa sinabi ko at napa-cross arms nalang at mas naunang maglakad sa akin. Ang maldita!

"Kanina ka pa, Casper?" Tumango lang siya sakin at nagpatuloy sa pagki-click sa laptop niya. Naupo naman ako sa tabi niya at sinilip ang ginagawa nya.

Napangiwi naman ako nang makita kong mina-manipulate niya yung read count sa stories niya sa wattpad.

"Do you have Paracetamol, Cas?" Inabot naman ni Casper ang medicine kit niya kay Isla. Laging handa talaga kahit kailan 'tong si Casper, boyscout!

"Annyeonghaseyo!" I wave my hand to Summer pagkarating na pagkarating niya. Napaka-hyper niya talaga kahit kailan. Sumunod namang dumating si Sayuri.

Summer is korean, obviously, pero dito na lumaki sa Pinas 'yan. She's taking BS in Pharmacy and daldalerang koreana 'yan. While Sayuri, on the other hand is half-Japanese, pero madalang lang yan mag-hapon kasi pusong pinay daw siya. She's taking up BS in Medicinal Technology and medyo tahimik siya pero napaka-raming friends.


"Hangover?" Tumango ako kay Sayuri habang nakatingin kay Isla na natutulog na.

"Nice! 500 reads na! Road to 1k reads!" Isinara na ni Casper ang laptop niya at nag-stretch stretch pa ng kamay niya.

"Aigoo. Look how pathetic he is. Tsk tsk." Komento ni Summer habang umiiling ang ulo.


"H-Hoy! Sinong pathetic ha? Hindi mo ba alam na this is my 4th published story in wattpad! May votes, may reads at may followers rin ako 'no!" Pagmamalaki naman ni Casper.

"Puro manipulation lang." Mabilis na komento ni Sayuri.

"Yes, puro manipulation lang—pwe! Ano ba! Pinagtutulungan niyo ata ako, ah!" Tinawanan nalang namin siya kaya panay ang sama ng tingin niya sa amin.

"Birthday ng Ate mo bukas, diba?" I asked Isla nang magising na siya. Hawak hawak niya pa rin ang ulo niya, ayan. Kundi ka ba naman tamaan ng karma.

"Yes, she invited you, guys. But I'm not going to the formal party, maybe in the disco party nalang. I might see that antipatikong guy again. Aish! The nerve of him!" Napakurap nalang ako ng ilang beses nang magdadabog si Isla.

May pagka-matik talaga ang loka-loka sa lalaki. Feeling niya ata porke lahing amerikana siya 'e interesado na lahat ng lalaki sa kanya, well, most of them naman talaga interesado sa kanya. Pero hindi naman lahat, ilusyonada kasi si Isla.

"Nakahanap ata ng katapat ang isang Isla Louisse Asher, ah." Tawa-tawang usal ni Casper. "Don't start me, Casper ha! How can he reject me like that? What a humiliation!"

Sub Rosa in DadiangasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon