Diputa, ang sakit sakit ng ulo ko nang bumangon ako sa pagkakahiga. Kinuha ko ang isang baso ng tubig na nasa side table at nilagok ito. Binalik ko ang baso sa side table at inayos ang buhok ko pero nahinto ako nang maamoy ko ang isang unfamiliar scent. Amoy manly.
Agad akong nataranta nang mapagtanto kong hindi ko kwarto 'to. Pilit kong inalala ang nangyari kagabi pero sobrang sakit talaga ng ulo ko. Tiningnan ko ang daming suot ko at laking pasasalamat ko naman at buong-buo pa ang mga damit ko, ramdam ko pa rin naman ang bra at panty ko kaya alam kong walang masamang nangyari.
"You're awake."
"Lucifer?"
I bit my lower lip and tried to avoid his gaze. Nasa dining kami ng condo niya at nagbe-breakfast na dalawa. Ang kapal na ata talaga ng mukha ko para maki-breakfast.
"P-Paano nga pala ako napunta dito?" Hiyang-hiya na ako sa harap niya dahil sa mga panlalait ko pero andito ako ngayon at mukhang magkaka-utang na loob sa kanya.
"You think?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ginagago ba talaga ako ng lalaking 'to? "Sa tingin ko, naglakad ako mag-isa papunta rito sa condo mo at nadapa ako sa kama mo?" Gago ko ring sagot sa kanya.
He licked his lips and stifle a smile. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay ko. "You can't remember anything? O baka naman, nagpapanggap kang nakalimutan mo dahil kinakain ka ng hiya?"
Ay award! Yan ang pinaka-mahabang sentence na natanggap ko sa kanya ever since na nag-cross ang landas namin.
"Mukha ba akong tanga na magpapanggap, ha?" Tumango naman siya kaya napa-irap ako sa kanya. Napaka-super talaga ng taong 'to. Super yabang at super manlait.
"I saw you getting drag by some guy last night. I was about to interrupt but someone already came. Boyfriend ata 'nong kaibigan mo, ay no, future boyfriend like he said. And when I checked inside, your friends are also wasted already." Huh? Kaibigan ko? Future boyfriend? Teka, naalala ko na!
"Future boyfriend ni Isla 'yong lalaking 'yon? Ah, sabagay, lahat na ata ng lalaki magiging future boyfriend ni Isla. And you might be one of them." Nagkibit balikat pa ako sa kanya.
"I don't think so." Uminom siya ng juice at tumingin sa akin. "Weh? Di ka interesado sa kaibigan ko? Kapag ikaw na-seduce 'non, wala na. Endgame. Enemy concedes defeat!"
"I'm more interested in you." Hakdog?
"Ginagago mo ba talaga ako? Bakit ka naman magkaka-interes sa akin? Pagkatapos kitang laitin ng sobra at halos isumpa sa impyerno?" Humalakhak ako sa harap niya ng sobrang lakas pero nanatili siyang seryoso. Okay, naka-pause video ata 'to. Click play.
"Because you're a Zamora. I'm a student journalist and I'm trying to write an article about someone who is a Zamora." Ah ganon? So, hindi affectionate interest kundi business interest? Tss. Umasa ako doon, ah.
Luh! Anong umaasa?! Yucks, ang disgusting ng isip na 'to ha. Hindi ako interesado sa kanya! Psh. "Bakit naman interesado ka sa isang Zamora?"
"It was the topic given to me dahil ikaka-60th anniversary na ng school. So, how are you related to the late President of the school, Gregorio Zamora?" Bored akong tumingin sa kanya dahil hindi ako interesado sa pinagsasabi niya, mas interesado ako sa kanya 'e, chars! Chillax lang kike, ha?
"My grand-grandfather." Tiningnan ko ang phone ko na punong-puno ng chats ng mga kaibigan ko. What the fck, pareho kaming MIA ni Isla. Pero mas nag-aalala sila sakin.
BINABASA MO ANG
Sub Rosa in Dadiangas
Teen Fiction[DADIANGAS SERIES #1] Clarisse Rose Zamora, Cleo for short, is a Filipina mestisa girl who rarely fall inlove. Unlike her friends, she's not into boys that much. Not until she met Kash Lucien Cervantes, a half-Italian guy whom she met in Rosa Dadian...