Episode 2

11 0 0
                                    

"Ahhhhhhh!!!!"

"Waaah, igeo yeoja neomu bicheoso."
(Waaah, this girl is really crazy.)

"Should I tawag an ambulance na ba?"

"Baka mental hospital? May hotline ba kayo ng mental health awareness?"

"Just let her. It will pass."

"Nakakainis! Nakakabwisit! Ano nalang ang sasabihin ng iba? Na may record na ako sa police station? Ang yabang! Nakakabwisit!" Halos paulit ulit ko nang pinatay sa isip ko ang Lucifer na 'yon!

Demonyo siya! Isa siyang kampon ni Lucifer! Ang kapal ng mukha niyang ipa-police ako! Ni hindi man lang siya nag-sorry, ang kapal!

"Sis, hindi ka naman talaga nagka-police record kasi false information lang naman 'yon." Tiningnan ko ng masama si Summer kaya agad siyang umiwas tingin.

"Ayaw mo ba 'non? May ike-kwento ka ng caught experience mo sa future boyfriend mo, teka, magkakaroon ka ba 'non?" Isa pa 'tong Casper na 'to!

"And it was proven naman that you're not an accomplice because the thief was caught naman, you have nothing to worry." Tinapik tapik pa ako ng Isla sa balikat ko.

"But the Dadiangas Fame is making an article about her, though." Ipinakita pa ni Sayuri sa amin ang article nga na ginawa tungkol sakin, ni hindi man lang sinabi na nahuli na ang magnanakaw! Aish.

"Kita niyo na! Nasisira image ko! Then, ni hindi lang man siya nag-sorry sa akin? Pagkatapos niya akong akusahan na magnanakaw? Ang ganda kong 'to? Ha! Humanda siya!"

"Woah, ang creepy ng last words mo, ah. Asan ang ganda? Asan? Ipapa-waze ko 'yan nang mahanap ko." Tinapunan ko ng plastic bottle 'tong si Casper dahil kahit kailan 'e puro pang-aasar nalang.

"Cleo, that's him." Hinanap ko ang tinuro ni Sayuri at tama nga siya, 'yong Lucifer na walang modo.

"Sayuri!" Sinaway pa nina Summer si Sayuri pero it's too late. Agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo papalapit kay Lucifer. Napa-atras pa siya kaunti pero ni hindi nagbago ang stern look niya. Lumayo pa kaonti samin ang mga kasama niya.

"Do you have something to say?" Seryosong tanong niya sa akin. I was a little taken back by his cold stares but I tried my best to composed myself.

"Oo, marami!" Huminga muna ako ng malalim saka ko siya tiningnan ng sobrang sama. "Ang kapal mo! Wala kang modo! Hindi ka gentleman! Sinungaling! Mangfe-frame-up! Demonyo! Walang galang sa babae!"

"Cleo, halika na. Nakakahiya na." Hila-hila na ako nina Casper palayo pero hindi pa rin ako nagpaatinag.

"Humanda ka talaga saking lalaki ka! Wala kang respeto sa babae! Sinungaling ka! Sinusumpa kong hindi ka magkaka-girlfriend o asawa!"


Halos hindi ko maiangat ang ulo ko sa harap ng parents ko ngayon dahil nalaman nila 'yong eskandalong ginawa ko sa Dadiangas Square. And it turns out na ang lalaking 'yon 'e anak pa ng ka-socio ni Daddy sa negosyo.

"I'm so disappointed, Clarisse! Do you really need to go this far? Your name was cleared in the police so why make such a scandalous act in public?" I pursed my lips to refrain my speaking.

"Hon, we're getting late." Tiningnan ko si Mom na naka-formal attire at mukhang may dadaluhan na namang meeting.

"You need to apologise to him, Clarisse. Or else, no credit cards." Aangal pa sana ako pero sobrang talim na talaga ng tingin ni Dad sa akin kaya napa-tango nalang ako.

Sub Rosa in DadiangasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon