1.

6K 84 7
                                    


Sinasabi ng iba na sayang daw ako at naiinis ako sa tuwing nakakarinig ako ng ganoong bagay, paulit ulit kong naiisip na hindi ba pwedeng mabuhay nalang ang mga kagaya ko na wala ng "what if's?"

Hindi pa pwede na sa tuwing may komento ang iba at aani ako ng isang papuri patungkol sa aking pisikal na anyo at sekswalidad ay wala nang karugtong na mga salitang "sayang ka" o madalas ay "ang gwapo mo sana kaso..."

Patunay nga na mali at pangit ang ating kinagisnan pag dating sa pag tanggap ng ikatlong kasarain. Naging isang kultura na sa tao ang pag kakaroon ng ganoong pag uugali
na dapat ay maisaayos at mabago.

Tunay na nag bibigay ito ng karagdagang bigat sa kalooban para sa isang kagaya ko; Bakla, Malamaya, Malambot mga bagay na natural at hindi dapat gamitin bilang panlalait o pang mamaliit.

Bata pa lamang ako ay hindi baril-barilan ang aking madalas na pag laruan, napapansin na rin iyon ng aking mga magulang. Isa siguro sa pwede kong idahilan ay lumaki ako kasama ang apat na maria na syang nag silbing mga idolo ko mula simpling pilantik ng aking mga dalari hanggang sa maarteng pag ikot ng aking mga mata.

Dose anyos ako noong unang maramdaman ko ang atraksyon mula sa mga basketball players na naglalaro sa aming court, matatawag kong isang hobby ang pag tambay ko madalas doon, nakikisabay ako sa pag tili at nangunguna ako sa pag kembot ng aking balakang sa tuwing may pumupuntos.

Sa pag lipas ng panahon ay nadiskubre ko na isang lason para sa akin ang mag ka-gusto sa babae. Namulaklak ang aking pag katao na kahit kailan ay hindi tinutulan ng aking mga magulang, lumaki akong puno ng pag mamahal at suporta.

Diecisiete anyos naman ako nang mag liyab ang aking makamundong pag nanasa. Nag karoon ng personal na problema ang aking mga magulang sa kanilang relasyon kaya napilitan itong mag hiwalay, sa panahon na ito rin unti unting namulat ang tila ba natutulog na espiritu ng pagkauhaw at pag kasabik ng aking isipan mula sa usaping seks.

Dahil kinailangan mag hiwalay ng aking mga magulang ay boluntaryo kaming sumama ng aking mga kapatid sa aming ina, ganon pa man ay suportado at patuloy pa rin ang sustento sa amin ng aking ama.

Sa mismong araw ng pag lipat namin ay puno nang kamustahan ang nangyari dahil pinili ng aking ina na bumalik sa kanila lugar dito sa Quezon City. Naisip ko ay ayos na rin dito dahil mga kamag anak din naman ang aming kapit bahay namin hindi kagaya noong sa Makati pa.

Habang busy ang lahat ng kamag anak namin sa pakikipag-kamustahan ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay, sinuri ko ang mga kwarto, madali akong pumasok sa silid na may pinaka maaliwalas na anyo at inilibot ko ang aking pangingin, pasya ko ay ako nalang ang mag ookupa sa silid na ito.

Sa aking pagmumuni-muni ay dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang mga katapat na bahay na sya ring bahay ng mga kapatid ni Mama. Nabaling ang atensyon ko sa halakhakan kaya naman idinapo ko ang aking paningin sa direksyon kung saan ito nanggaling.

Natanaw akong isang grupo ng mga kalalakihan na papalapit sa katapat na bahay namin nasa otso katao ang bilang nila at mukang galing sa pag lalaro ng basketball base sa mga suot nila at sa bolang pinapaikot ng isa sakanila.

Isa isa kong tignan yung mga lalaki at masasabi ko karamihan sa kanila ay may itsura at talaga namang pasok na pasok sa tipo ko, lihim akong napangiti at tahimiki na napahagikgik sa kung ano mang bagay ang tumatakbo sa aking isipan.

Sa pag pasok ng mga ito sa katapat na bahay ay napa-isip ako, paniguradong isa sa mga lalaking ito ay kamag anak namin dahil gaya nga ng nabanggit ko ay halos puro kamag anakan ng aking ina ang compound na ito.

Sa patuloy kong pag dungaw sa katapat na bahay ay lumabas ang aking Tito Kevin, nakababatang kapatid ito ng aking Mama. Naulinigan ko pag tawag nito sa isang lalaki mula sa grupo ng mga kabataan na sinisipat ko.

HEY MICKEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon