Isang linggo ang dumaan simula nang huling may mangyari saamin ni Kuya Angelo, hindi ko ito pinag buksan ng pinto nang kumatok ito sa aming bahay noong araw na sinabi nya saakin na pupuntahan nya ko dito para sa isa pang pagtatalik na nais nya. Tinext ko naman si Gab at ibinalita ko nalang doon ang mensahe ng aking Papa, sinabi ko rin dito na mawawala ako ng isang linggo dahil uuwi ako sa bahay ng aking ama at doon muna ako mag lalagi, hindi naman ito nag reply sa mga text ko at ganoon nga ang ginawa ko nakitulog muna ako sa bahay ng aking Papa upang makapag pahinga na rin at tapusin ang mga gawain ko sa eskwela dahil talaga namang madugo at kinakailangan ng matinding konsentrasyon ang dumating na finals dahil malapit na ang summer break namin. Isang linggo ko rin namang hindi nakita si Jericho sa aming mga klase at nag tataka ako kung bakit ito lumiban ng ganoong katagal kaya tinext ko ito ngayon habang nakaupo at naghihintay sa pang huli kong klase ngayong araw ng biyernes. "Asan ka? Bakit di ka pumapasok?" Maikli kong text sa kanya, ilang oras pa ang lumipas at wala man lang akong na receive na mensahe nito hanggang matapos ang aming klase. Inaya ako ng mga kaklase kong lumabas sa araw na ito ngunit tumanggi naman ako dahil marami akong kailangan bilhin at gawin ngayon, malayo layo rin ang uuwian ko dahil doon ako tumutuloy sa bahay ng aking Papa. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa mall na malapit upang bilhin ang mga matiryales na kailangan ko para sa ipapasang requirements, una akong pumunta sa isang coffe shop ng mall para sana makapag wifi saglit at isend ang mga emails na kailangan ko para sa application ng aking internship, pumwesto ako sa labas na bahagi ng coffee shop at habang nag mumuni muni ako at iniintay ang aking order ay nanliit ang mga mata ko nang matanaw ko ang pamilyar na kotse na dumaan, dahil nasa bahagi ng parking lot ang coffee shop na pinepwestuhan ko ay mapag matyga kong sinundan ng tingin ang mag papark na pamilyar na sasakyan na aking natatanaw. Sakto namang dumating ang order ko at nawala saglit ang atensyon ko sa kotseng aking tinitignan, nang muli akong humarap sa gawi noon ay saktong tumama ang mga mata ko sa isang taong hindi ko inaasahang makita habang kasama ang isang linggo ko ng hinahanap na si Jericho, bumilis ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong humawak ang isang maputi, sexy at ubod ng gandang si RED, kung hindi ko ito nakilala noon ay aakalain kong tunay na babae ito, napaawang ang labi ko at rinig na rinig ko ang kaba na aking nararamdaman ng umabrisiete ito kay Jericho, tila hinahagilap ng aking isip kung bakit at ano ang ginagawa ng dalawang ito dito, agad pumitik sa isip ko na kaya ba hindi sumasagot si Jericho sa mga text ko at hindi ito nag papakita ay may bago itong kinahuhumalingan na mas higit pa saakin, tila gusto kong sigawan ito dahil parehas itong tumatawa habang nag lalakad papasok ng mall, mabilis kong hinugot ang cellphone ko at gigil na nag tipa doon "SINO YANG KASAMA MO!!!?" Wala sa sarili kong isinend iyon sa kanya, inis ang naramdaman ko dahil hindi ko lubos maisip na simula ng maranasan nito ang pag papaligaya ko sakanya at hindi ko ito napag bigyan ng humiling ito saakin noong nakaraang linggo ay ganto sya kabilis humanap ng ibang bakla para lang patulan sya, tila nasasaktan ako sa kaisipan na humanap talaga sya ng iba at mas higit pa saakin ang nakuha nya dahil mukhang tunay na babae si Red at may malaki itong hinaharap na hindi kagaya saakin na bihis lalaki pa rin. Nag ngingit-ngit akong nakaupo at hindi mapakali ng hindi pa rin sumasagot si Jericho mula sa text ko sakanya, nangangati ang mga kamay ko at tila nag pupuyos sa galit ang aking dibdib kaya mabilis kong idinial ang number nito, gusto ko namang ibato ang cellphone ko ng pinatayan ako nito ng tawag at mabilis kong inulit ang pag dial ng kanyang number ngunit muli ay pinagbabaan na naman nito "Tangina mo!!! Wala kang kwenta!!!" Gigil na gigil kong isinend iyon sakanya, hindi ko mawari sa akong sarili kung bakit ganto ang galit na nararamdaman ko ng makita ko syang may kasamang iba, tila nawalan ako ng ganang bumili ng mga matiryales para sa aking requirements at agad ding tumayo mula sa coffee shop na aking pinaglalagian. Dahil sa bugso ng damdamin na aking nararamdaman ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at salubong ang kilay kong tinahak ang palabas sa lugar na iyon at pauwi sa bahay ng aking Papa na may mabigat na damdaming dinadala, tila gusto kong umiyak sa inis na aking nararamdaman at sa maraming bagay na pumapasok at tumatakbo sa aking isip mula sa aking nakita, masyado na siguro akong umaasa na lahat ng lalaki na aking nakakatalik ay pakiramdam ko ay pag aari ko na talaga agad, gusto kong sampalin ang sarili ko para magising ako sa kaisipan na hindi porke pumapayag sila at humihiling sila na gamitin ang katawan nila ay ganoon din ang mga puso nila, siguro nga ay tama ang mga sinasabi ng karamihan na mali ang maging isang kagaya ko, mali ang mag hanggad at maniwala na ang lalaki ay pwede rin sa kanyang kapwa lalaki, ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan ng tinatahak ko ang daan pauwi, pilit at paulit ulit kong tinatanong ang aking sarili kung bakit ganto nalang ang nararamdaman ko palagi kagaya ng naging sitwasyon kay Kuya Angelo ng hindi ako nito pinagbigyan sa halik na nais ko at ngayon naman kay Jericho nang makita ko itong kasama si Red, tila gusto ko namang sampalin ang isang yon nang maalala ang pag tawa nito kanina habang nakahawak sa braso ni Jericho at masayang tumatawa papasok sa mall, nagsisisi ako kung bakit nakipag kilala pa ako sa kanya, sobrang peke naman ng itsura nya ngunit tila ginising din ako ng katotohanan at hindi ko maamin sa akin na tunay ngang malayo ang itsura naming dalawa at mas humihigit ito laban sa anyo at kagandahan kaysa saakin, punong puno ng selos at pag ka-insecure ang puso ko, naiinis ako dahil hindi ko dapat maramdaman ito kila Kuya Angelo at Jericho pati na rin mismo kay Red, masyado akong nagiging unfair sa kanila na hindi ko man lang kayang tanggapin ang katotohan na dapat ay humanap ako ng iba dahil mali ang lahat ng ginagawa ko pati na rin kay Gab at kay Natnat. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko ng makapasok ako sa bahay ng aking Papa, madilim ang loob nito at nasisigurado kong hindi pa dumarating ang aking ama dahil masyado pang maaga para umuwi ito, tila sinasabayan naman ng mood ng bahay na ito ang nararamdamang lungkot sa puso ko, walang gana akong tumungo sa kwarto at basta nalang ako nahiga doon, agad ko namang pinalis ang luha na biglang tumulo nang ako ay mahiga, "Nakakainis!" gigil kong sabi at paulit ulit kong pinunasan ang luha na walang tigil na tumutulo sa aking mga mata, agad ko namang tinakpan iyon nang bumukas ang ilaw ng kwarto at mabilis akong nasilaw doon kasabay ng pag hagip ng paningin ko sa aking Papa na nakatayo sa harapan ng pinto "Kakadating mo lang din ba anak?" mahigpit ko namang tinakpan ang aking mga mata at mabilis ko ring naramdaman ang presensya nito nang lumapit ito sa aking pwesto "Mickey..?" pag tawag nito saakin ng hindi ko sinagot ang kanyang tanong, tila nahabag naman ang sarili ko nang marinig ko ang boses nito at hindi ko na nga napigilan ang aking emosyon kaya mabilis akong bumangon at yumakap sa aking Papa kasabay ng malalakas na hagulgol na aking pinakawalan at mga luha na kanina ko pa pinipigilan, "Paaaa!!" para akong isang batang umiiyak at mahigpit na yumakap sa aking papa, tila nagulat naman ito dahil sa biglaan kong pag hagulgol sa kanyang harapan "Jusko! Mickey anong nangyari sayo?" malakas na sigaw nito at inalo ang aking likuran at marahan na ginantihan ang mahigpit kong yakap sakanya, halos hindi ako makapag salita dahil sa iyak na aking ginawa "Paaa.. kka--si!! hhh... ang sakit papaaaaaa!!!" humigpit naman ang yakap nito sakin at hinaplos ang buhok ko, sa dami ng emosyon na naramdaman ko sa nag daang araw sa mga lalaki na dumaan sa aking mga kamay ay hindi ko na kayang pigilan ang mga hinanakit ko, "Anong masakit?? Teka Mickey... anong bang nangyari?" maamong tanong ni Papa saakin ngunit mas lumakas pa ang iyak ko, hindi ko naman direktang masabi ang totoong iniiyak ko sakanya dahil alam kong mali ang mga ginawa ko sa mga nag daang araw kung bakit ako humantong sa gantong emosyon "Papaaa..." tila nag susumbong ang tono ng boses, "Sige, umiyak ka lang anak.." pagsusumamo nito saakin at ganoon nga ang ginawa ko, maya maya lang ay tila gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa kong pag hagulgol malaking bagay rin ang pag yakap na ginawa ng aking Papa dahil hindi ko naramdaman na mag isa lang ako, "Anong nangyari bakit ka umiiyak?" seryosong sabi nito, naluha naman ako ng maalala ko na ganto sya palagi saakin noong bata pa ako, madalas akong nagsusumbong sa kanya sa twing nadadapa ako o kaya naman ay inaasar ako ng mga kalaro ko, "Hindi ko alam pa.. di ko alam kung mahal ko sila o makasarili lang talaga ako.." dahan dahan kong sabi at nakita ko naman ang sumilay nitong ngiti sa kanyang mga labi at marahan ako nitong hinigit para mayakap nya at tumawa ito "Nag dadalaga na ang baby namin ah" panimula nitong sabi at tila sumisilay na naman ang luha sa aking mata dahil doon, tumawa naman ito at hinagod ang likod ko "At mukhang madami ang nanliligaw sayo anak! Hahaha" mapang asar nitong sabi agad ko naman itong tinawag ng may pag angal "Papa naman!!!" at muli ay tumawa ito, "Gusto mong upakan ko ang mga iyon! Sabihin mo kay Papa sino yang mga yan!" nanakot na sabi nito at tumulo ang isang luha ko sabay ng isang matamis na ngiti sa aking labi dahil gantong ganto sya noong bata pa ako, tila gumaan talaga ang pakiramdam ko dahil doon, siguro nga ay isang matinding pag iyak lang ang kailangan ko at yakap ng isang magulang upang maibsan at mawala ang lahat ng hinanakit na dinadala ko sa mga nag daang araw, hindi ko naman sinabi kung sino ang mga taong iyon sa aking Papa at pinayuhan lang ako nito tungkol sa mga bagay bagay at sa pag ibig, nakinig lang naman ako dito at lubos na galak sa aking puso ang naramdaman ko dahil sa tagal ng panahon ay muli akong nakaramdam ng pag mamahal ng isang magulang na matagal ko ng hindi nararamdaman simula ng maghiwalay sila ni Mama at maiwan akong mag isa sa aming bahay dahil wala akong nasandalan na mga kapatid at Mama dahil nga nasa malayo ang mga ito. Nang gabi ding iyon ay gumaan ang aking pakiramdam ko at tila lumuwag din ang dinadala ng aking dibdib hanggang sa nakatulog ako ng mapayapa. Kinabukasan ay maaga akong nagising, napataas naman agad ang kilay ko ng makita ang sunod sunod na mensahe ni Jericho saakin, may isa ring text si Gab doon at ito agad ang una kong binuksan "Anong problema mo, bakit ka daw umiyak?" maikling text nito saakin at nasisigurado ko na naikwento na ito ng aking Papa sa kanya dahil kakasend pa lang nito saakin ng mensaheng iyon at pihado na parehas ng nasa opisina si Gab ng aking Papa dahil sa ojt nito, mabilis naman akong nagtipa sa aking cellphone "Ang sakit kasi Kuya. Char! I miss you." napapangiti ako sa mensahe ko sakanya at agad ko iyong isinend, kagabi nga ay nag kausap kami ng aking Papa at tila nalinaw ako sa aking nararamdaman para sa mga lalaki na nasa aking buhay ngayon, siguro nasasabik lang ako sa pagmamahal kaya ko nararamdaman iyon, masusi at malalim kong pinag isipan ang mga bagay na bumabagabag sa akin at naisip ko na libog at pag nanasa lang talaga ang tunay kong nararamdaman sa mga ito, pati na rin sa aking pinsan na si Gab ay puro at totoong kamunduhan lang ang nararamdaman ko sakanya dahil sa taglay nitong tikas at tindig na hinahanap ko sa isang lalaki gayon din kay Kuya Angelo, halos matawa ako sa aking sarili kagabi nang maisip ang kagustuhan kong palitan ang pwesto ng asawa nito, hindi ko naman maipagkakait ang konting pag asa sa pagitan namin ni Natnat at Jericho ngunit tila nabigo ako ng lubusan kay Jericho dahil sa kanya ay sumabog ang aking emosyon at nawala ako sa aking sarili, mahina naman ang pag asa ko kay Natnat dahil nakikitaan ko ito na purong kalibugan lang sa kanyang katawan kaya wala rin talagang magandang dahilan upang panghawakan ko ang maliit na pagasa ko para sa dalawang lalaking iyon. Napairap naman ako sa hangin nang buksan ko ang sunod sunod na text ni Jericho, hindi man lang nito sinagot ang huling tanong ko sakanya kahapon at ang tanging mga laman lang ng mensahe nito ay 'nasa labas daw sya ng aming bahay, 'lumabas daw ako at mag pakita sa kanya, paulit ulit ang mga mensahe nito at hindi man lang nakuhang mag paliwanag kaya hindi ko na inabala ang sarili ko na replyan pa sya dahil naiinis pa rin ako sa kanya, ang pangyayari kahapon ang sinisisi ko kung bakit lumabas ang tunay kong emosyon ukol sa mga lalaking ito, ang pangyayaring iyon ay nagbukas sa ikinatatakot kong pag papakita ng tunay kong nararamdaman. Bago pa man ako tumayo sa aking kama ay mabilis ding tumunog ang aking cellphone at rumehistro agad doon ang pangalan ni Gab, excited naman akong buksan ang mensahe nito dahil na rin sa mapaglaro kong reply sa kanya kanina "Umuwi ka na. Papaligayahin kita haha" tila mapupunit naman ang ngiti sa mga labi ko ng mainagine ang magiging eksena namin ni Gab, tunay ngang namimiss ko ng mag patira sa pwet, Oo ganoon na siguro ako naadik sa sarap na nararamdaman sa twing inaararo ang aking butas, sobrang libog ko na kumpara noon kahit isang linggo pa lang ang nakakalipas mula sa huling pakikipag talik ko ay hinahanap hanap ko ito sa araw araw, dala na rin ng stress sa aking eskwela ay tila doon ko lang nailalabas ang lahat ng aking nararamdaman kaakibat ang langit na dala nito sa aking kalooban. Napangiti ako at hindi ko naman ito nireplyan pa dahil inisip ko munang bigyan ng oras ang aking sarili sa miking panahon kahit na kating kati na ang butas ko na mapasukang muli ay kailangan kong mag tiis dahil hindi biro ang sunod sunod na pag papagamit ko sa aking katawan sa mga mapang abusong lalaki sa paligid ko, sa loob ng mag hapon na iyon ay tanging pag babasa lang ng mangga anime ang ginawa ko, tila nag karoon naman ako ng magandang ideya na maari kong gawin mamayang gabi upang makapagliwaliw naman ako kahit papaano na malayo sa mga taong madalas kong makasalamuha sa nag daang linggo, agad akong sumagot ng Oo nang inaya ako ng aking kaklase na lumabas mamayang gabi sa bistro na nakapalibot malapit sa aming university. Sumapit ang alas otso ng gabi at nag paalam ako sa aking Papa na lalabas lang saglit, hindi naman ito nag tanong pa dahil pinapayagan at may tiwala naman ito sa akin dahil daw nasa tamang edad na naman ako. Sinalubong ako ng aking grupo sa beerpong house na madalas naming tambayan pag nagkakaayaan, masyadong marami ang tao ngayon dahil sabado at karamihan ng mga estudyante ay walang pasok at gustong mag saya dahil sa kinakaharap naming finals, "Mickey!!! Finally!!!" maarte sabi ng aking kaibigang babae ng maupo ako sa pwesto nila, agad namang naghiyawan ang grupo namin at masaya akong nakipag kwentuhan sa iba pa naming kasama na minsan ko nalang makita dahil sa pagiging abala ko sa eskwela, pakiramdam ko ngayon ay nakawala ako sa maliit na mundo ko malayo sa aming bahay, tinanong ko rin ang isa kong kakilala at kinamusta si Jericho dahil isang linggo ko nga itong hindi nakita at hindi man lang ako nito pinaliwanagan ng mag text ito saakin "Wala din akong balita doon, alam mo naman yun sobrang weird diba!" sagot nito saakin at napatango nalang ako. Mas lumalim pa ang gabi at talagang nagsisisigaw ako sa nilalaro namin ng aking mga kaibigan, maya maya lang ay nakaramdam ako ng pag ka-ihi kaya naman agad akong nag paalam para gumamit ng palikuran, "Mickey!!!" isang tawag ng pamilyar na boses ang aking narinig bago ko pa man marating ang palikuran, agad at tila nag bago naman ang mood ko ng lingunin ko ang nag mamay-ari ng pilit pinapaliit na boses ng taong iyon, "Red" walang gana ko itong sabi nang magkaharap kami, buong galak naman ang ngiti nito sa kanyang mga labi at hindi ko alam kung eksakto lang ba ang timing nya dahil palagi sa banyo ang nagiging pagkikita namin, "Andito ka rin pala!!!" masaya nitong sabi hindi man lang ako nag pakita ng pag ngiti dito dahil naalala ko pa rin ang pag ka insecure ko sakanya at sa kaisipan na ito ang ipinalit saakin ni Jericho, "Obviously.." mahina kong sabi dito ngunit hindi naman nito narinig dahil sa ingay ng lugar "Oo, kanina pa.." sabi ko nang tila naiinip at iniwas ko ang tingin ko sa mukha nitong labis ang ngiti "Kamusta pala kayo ng boyfriend mo?!" mabilis kong pag dugtong sa sinabi ko sabay tinaasan ko ito ng kilay at parang iritable ko itong tinignan, tila naman nag bago ang timpla ng mukha nito ng titigan ako at nawala ang ngiti nito sa kanyang labi "Excuse me?" tila nainsulto nitong sagot saakin at itinaas ko pa ang kilay ko "Anong problema mo Mickey?" malamig na tanong nito saakin ngunit natimbirhan ko ang kaguluhan sa mga mata nito, "Yung---.." hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko sakanya nang may biglang tumawag sa isang pangalan na hindi ko kilala "Redentor!" malalim ang boses nito at talagang matigas, habang nakatingin ako sa mukha ni Red at mariin itong pumikit, "Redentor!" paulit ng lalaki na ngayon ay papalapit na saaming kinatatayuan, napahinga naman ng malalim si Red at iminulat ang mga mata nya "Sandali lang Mickey ha!" matigas na sabi nito at kita ko ang pag tiim bagang nito ng hinarap ang isang matipunong lalaki na ang tanging suot lang ay manipis na sando at maaong na shorts, mula sa makapal nitong kilay pababa sa perpekto at matangos nitong ilong hindi nakatakas sa aking paningin ang mahaba at tayungtayo nitong pilik mata na may tila inaantok at mapungay na paningin na parang nakakatunaw kung tumitig, masusi ko ring pinag masdan ang manipis ngunit mapula nitong labi na may hindi malinis na pag kakaahit sa kanyang bigote at balbas ngunit tilamas nakadagdag iyon ng nagsusumigaw nitong kagwapuhan at pagiging lalaking lalaki, hindi ko pa rin pinutol ang tingin ko sa katawan nito mula sa kayumanggi nitong kulay na bagay na bagay sa kanyang malaking balikat pababa sa namumutok nitong braso na may isang malaking dragon ang nakapulupot na tattoo dito, malapad naman ang dibdib nito at lumalabas ang mga takas na buhok mula sa manipis nitong sando na suot na tila kayang pigtalin ng isang hilahan lang dahil sa kipot at nipis ng suot nito, tila isang maliit na bagay naman si Red nang tumayo ito sa harapan ng matangkad ng lalaki, napakagat ako sa aking labi dahil mas matikas ito at mas masarap kumpara sa mga lalaking nakanaig ko, tila mas batak ito at makikitaan ng nag susumigaw na pag ka dominante dahil sa tindig at porma nito na sa tingin ko ay kaunti lang ang agwat sa edad nila Gab at Natnat ngunit hindi naman aabot sa edad ni Kuya Angelo, mas mukha itong mature tignan kumapara kila Gab. "Bwisit ka! Ano na naman bang kailangan mo!" painis na sabi ni Red dito ng makalapit ito na bahagya lang ang layo sa distansya ko, napangiti naman ako dahil naalala ko ang tinawag ng lalaki kay Red kani-kanina lang, mabilis namang hinigit ng lalaki ang pulsuhan ni Red at hinila iyon paalis sa kanilang kinatatayuan, nagpupumiglas naman si Red ngunit wala ring nagawa dahil mukha naman talaga itong walang kawala sa itsura ng lalaking iyon, sa isip isip ko ay sasama talaga ako sa isang iyon kung hihilahin nya ako kagaya ng ginawa nito kay Red, wala akong arteng sasama sa kanya dahil tunay itong gwapo at mas nakakatakam iyon dahil sa tattoo nito sa braso, maangas at astig ang dating nito na talaga namang pinapangarap ko sa isang lalaki. Hindi rin naman ako nikialam sa eksena nila Red at nang lalaking iyon dahil mabilis ring nawala sa paningin ko ang bulto nila kaya tumuloy na rin ako sa palikuran, ngunit iniisip ko pa rin ang lalaking humila kay Red, paano na si Jericho ko? kung ganoon, pag katapos kong gumamit ng palikuran ay agad din akong bumalik sa aming pwesto, buong oras habang nakaupo ako doon ay hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon, maswerte talaga si Red dahil mayroon syang ganon ka-hot na lalaki ngayong gabi bukod pa doon ay mayroon syang Jericho na mapaglilibangan pag nag sawa sya sa doon sa astiging lalaki na kasama nya, ngunit natatawa pa rin ako dahil sa pangit ng totoong pangalan nito na itinawag sa kanya ng lalaking iyon, "Redentor" paulit ulit iyong naririnig ng aking isip at at napapailing nalang ako dahil hindi ko inakala na ganoon ang tunay nyang pangalan at ang pangit pakinggan. "Micks can you accompany me? Sa labas lang, please?" maarteng sabi ng isa kong kaibigang babae dahil uuwi na ito, madali naman akong pumayag nang makasakay ito sa taxi na ipinara namin ay maikli at sandali lang kami nag paalam sa isa't isa. Nang pag lingon ko sa gawi papasok sa beerpong house ay pareha kaming nagulat ni Jericho ng makita namin ang isa't isa habang pababa ito ng kanyang sasakyan at ako naman ay papasok sa daan patungo sa loob "Mickey!" tawag nito saakin at ngiting ngiti itong lumapit papunta saakin, tila nag init naman ang ulo ko ng makita ko ang ngiti nito sa mga labi nya at talagang nag effort pa itong pumunta sa mga gantong lugar para sa bagong baklang kinakalantaryo nya, alam kong hindi mahilig sa mga gantong lugar si Jericho, "Bakit nandito ka!" walang preno kong sabi dito at tinignan ko ito ng masama, tila gusto kong sapakin ito sa mukha dahil hindi pa rin nito inaalis ang ngiti nito sa kanyang labi at walang kaalam alam sa nagliliyab kong galit para sakanya. "May susunduin lang, bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko at text ko? Nag punta ako sainyo kagabi hindi mo naman ako hinarap man lang.." mahaba nitong sabi saakin at napataas naman ang kilay ko sa unang katagang binanggit nya at tila nasaktan ako sa kaisipan na may susunduin sya dito ngayon at natitiyak ko na si Red iyon, "Ahhh! Susunduin mo yung girlfriend mong bakla na kasama mo sa mall noong nakaraan? HAHAHA" sarkastiko at nangiinsulto kong sabi dito, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko kaya nasabi ko ang bagay na iyon, tila naguguluhan naman ako nitong tinignan "Anong sabi mo!" mabilis na lumatay ang galit nito sa kanyang mukha at mariin na hinawakan ang aking pulsuhan "Ano ba!" pagalit kong sabi dito at inirapan ko ito sabay tulak sa kanya, "May lalaking umaaligid sa bakla mo! Mas yummy sayo kawawa ka naman.." para akong bata sa naging asal ko sakanyang harapan ngunit hindi pa rin mawawala ang pang iinsulto sa tono ng pagkakasabi ko noon, tatalikuran ko na sana ito upang makapasok na ako sa loob ngunit napatigil ako ng tumawa ito. "Wag mong pag selosan ang Kuya ko.."
BINABASA MO ANG
HEY MICKEY
Ficción GeneralThis is a fictional work that contains homosexuality content with mature theme & strong languages that not suitable for very young audience. All places, names, events and other details that included in this story is far from reality. Read at your o...