Future Teacher Alana
"'My ideals keep me sane.' That will hurt her in the future."
"MABUTI naman at nakuha ka sa mabuting usapan, Allan."
I agitatedly looked at Kuya. Kung hindi lang talaga siya hindi tumigil sa pangongonsensya, hindi ko maiisipang pumunta dito sa lugar na ito para lang humingi ng tawad. Una sa lahat, nagulat lang talaga ako kaya ko iyon nagawa sa magaling niyang kaibigan. Pangalawa, hindi ako sanay na sinasabihan ng ganoong mga salita kaya wala akong ibang naging reaksyon maliban sa ginawa ko.
"Kasalanan mo 'to." Kahit anong isip ko talaga, kasalanan talaga ito ni kuya.
"O, bakit? Ako ba ang nanuntok? Ikaw 'di ba?" he scoffed at me.
Nanumbalik sa mga ala-ala ko ang mga nangyari kahapon. At naiinis ako sa tuwing naaalala ko. Pagkatapos kong magulantang sa sinabi ni Steve kahapon ay hindi ko sinasadyang masuntok siya. Hindi ko talaga sinasadya. Since, palaban akong tao at pakiramdam ko ay pinagtitripan ako ng kaibigan ni kuya kaya kumilos ako nang naayon sa instinct ko. That punch was just my defense mechanism because damn I wasn't used to the words Steve has dropped yesterday.
"Nakonsensya ka na ba?" pukaw sa akin ni kuya.
I glared at him. "Manahimik ka!"
Napapaisip tuloy ako kung ano nang sinabi ng mama ni Steve sa ginawa ko sa anak niya. Mabunganga pa naman ang mama niya. Siguradong 'pag nakita ako dito ng mama niya ay mapapagalitan talaga ako.
"Sa susunod ha, kapag umuwi ka dito nang may pasa sa mukha dahil nakipag-away ka nang dahil lang sa basketball ay ako na mismo ang sasapak sa iyo. Naiintindihan mo?" napalingon kaming dalawa ni kuya sa bahay nina Steve. Palabas na silang dalawa ng mama niya. "Opo Ma. Alis na ako." Paalam ni Steve sa mama niya.
So, that's how he told the story. Pwede namang sabihin na lang niya ang totoo sa mama niya pero pinili niya paring magsinungaling. Dapat na ba akong matuwa sa ginawa niya? O dapat na ba akong makonsensya? Shit! Kinakabahan tuloy ako.
"Andrew? Alana." Tawag ni Steve sa amin mula sa likuran. When I turned around, I saw him looking confused. "Ano'ng ginagawa niyo rito?" he asked.
"Gusto sana kitang makausap." Magsasalita pa sana si kuya pero inunahan ko na siya. Baka kung ano na naman ang sabihin niya.
"Bakit?" he asked, looking flustered. Ano ba 'yan? Kung pareho kaming mahihiya ay wala talagang patutunguhan ang pag-uusap naming ito.
Tiningnan ko si Kuya at sinenyasan na mauna na siya. Ngumiti pa siya na may halong pang-aasar bago nauna na sa paglalakad. Hinintay ko muna siyang makalayo bago ko hinarap si Steve. Dumako ang tingin ko sa pasa niya na medyo namamaga parin.
"Sorry." I uttered.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago ako tinitigan ng seryoso na parang pinag-aaralan ang mukha ko. Ako naman ay hindi maalis ang tingin sa kanya. Kailangan ko pa siyang tingalain dahil 'di hamak na mas matangkad siya kaysa sa akin. Crap! Ayaw kong i-describe kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Dahil 'pag ginawa ko, magmumukha lang akong bidang babae sa isang romance novel. And that was so out of the context!
Steve was like that for a moment before he decided to answer me. "Ayos lang." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Ayos lang?" tanong ko. When he nodded, I frowned. Sana pala hindi na lang ako nag-sorry. "Ganoon lang?" tanong ko na may halong pagka-dismaya.
Nagkibit-balikat lang siya bago nagsimula nang maglakad. "Ano ba'ng ine-expect mo?"
Sumunod ako sa kanya at iwinasiwas ang kamay ko sa ere habang nagpapaliwanag. "Iniisip ko na baka mas malala ang galit mo kumpara sa ipinapakita mo ngayon dahil sa ginawa ko sa'yo. Hindi ba dapat ganoon iyon?"
YOU ARE READING
Future Teacher Alana
No FicciónJoin the Bachelor of Science in Education student Alana Maxilom in her journey to becoming someone she didn't expect she would become.