Chapter 4

18 2 0
                                    

Future Teacher Alana

“Unconsciously, we just celebrated our dreams together.”

NAPUNO ng ingay ang madilim na paligid ng school. May mga estudyanteng niyayakap ang kani-kanilang sarili upang kahit papaano ay maibsan ang lamig na nararamdaman. Sa ilalim ng malalamyang ilaw ay maaaninag ang mga inaantok ngunit masaya at sabik na mukha ng mga estudyante.

Alas tres palang ng umaga pero kumpol-kumpol na ang lahat ng fourth year students dito sa labas ng aming school. Ngayong araw nakatakda ang pagsisimula ng aming recollection activity. Bawat isa sa amin ay may bitbit na mga bag. Mga gamit namin iyon na kasya sa loob ng dalawang araw. Hinubad ko ang sapatos ko kanina upang gawing upuan panlaban sa lamig ng semento. Katabi ko si Dani na nakapulupot ang mga kamay sa braso ko at pilit na bumabawi ng tulog. Nakikipag-usap naman si kuya kay Steve doon sa may sulok malapit sa gate. Nandito na ang ilan naming guro kabilang si Ma’am Guada at Sir Amancio. Hinihintay nalang namin ang ilan pa naming kaklase at ang pagdating ng sasakyan na susundo sa amin papunta sa aming camping site.

Paminsan-minsan naman ay mahinang nagkakantahan ang mga ilang mga schoolmates ko habang nakaharap sa isang song notes na pagmamay-ari ng kaklase nilang babae.

I opened my eyes, I tried to see but I’m blind by the white light
I can’t remember how, I can’t remember why I’m lying here tonight

And I can’t stand the pain and I can’t make it go away
And now I can’t stand the pain

How could this happen in me?
I made my mistakes, got nowhere to run
The night goes out, yes I’m fading away

I’m sick of this life, I just want to scream
How could this happen in me?

May iilang nakikisabay sa kanilang pagkanta. Their voices appeared so clear in the silent dawn. They were radiating cool vibes. Pilit naman silang sinasaway ng mga traditional naming kaklase at teachers. Baka raw magambala nila ang mga nilalang na hindi nakikita. But the guys didn’t give a damn. Nagpatuloy lang sila sa pagkanta. Nagising naman si Dani dahil sa ginagawa nila.

“Kailan pa ba tayo aalis?” tanong ni Dani habang kinusot-kusot nito ang mata. “Sana pala natulog pa ako ng mas mahaba.”

Napangiti ako at mahinang tinapik ang kanyang ulo saka ko ito kinabig papunta sa aking balikat. “Tulog ka na lang ulit.” Sabi ko at napahikab.

THE trucks the school has rented as our service arrived at exactly five in the morning. Tama si Dani. Sana pala ay hindi na kami gumising ng maaga kung ganito lang rin pala ang mangyayari. May dalawang trucks na nirentahan ang school para sa mga estudyante. The teachers have their own mode of transformation. Isa-isa nang umakyat ang mga kaklase ko at sumunod na kami ni Dani. Nauna na sila kuya at Steve sa taas at nakaabang sila roon upang alalayan kami sa pag-akyat.

The ride was spontaneous. Natulog ang ilang estudyante na nakapuwesto sa may gitna habang ini-enjoy naman naming nasa gilid ang tanawin na nadadaanan namin. Pupunta kami sa isang maliit na camping site na matatagpuan sa kabilang bayan. It would only take one to two hours to reach the destination. I know it’s not so me but I feel excited for the upcoming activity.

“WE HAVE finally arrived in Kabutihan Camping Site.” Deklara ni Ma’am Guada. Nagpalakpakan kami dahil sa tuwa. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. The area was so refreshing that I couldn’t help myself from smiling.

“Naninibago na talaga ako sa’yo.” Napalingon ako kay Dani.

“Bakit na naman?” tanong ko. Ibinaba niya sa lupa ang dala-dala niyang bag bago ako hinarap. "Dati, hindi ka naman palangiti. Pero ngayon, bigla-bigla ka nalang napapa-smile sa hindi ko malamang dahilan.” Sabi niya.

Future Teacher AlanaWhere stories live. Discover now