Naranasan mo na ba magkaroon ng sobrang daming problema? Na maging sa paniginip mo eh sinusundan ka. Tapos magiging morning call mo na ring yung mga inuutangan mo dahil daig pa ang manok sa agang tumilaok.
Ako kasi, danas na danas ko na. Kasama na nga ang stress sa daily routine ng buhay ko.
Tulad nalang kaninang umaga, pasindi palang ang umaga pero yung bunganga ni Aling Paula sumasabog na. Yung sigaw pa naman 'non ay abot ng kabilang sitio, kaya pati mga walang atraso sa kaniya naaabala niya. Kaya ang laging ending, ako ang napapabaranggay ng mga kapitbahay, na kesyong magbayad na daw kasi ako ng upa. Aba! Ano namang ipambabayad ko, hangin? Tutal 'yon lang naman yung laman ng wallet ko eh.
Sabi ng iba, pagkatapos ng bagyo, may rainbow. Pero ang paniniwala ko naman, pagkatapos ng bagyo, may kasunod pang isang bagyo. 'Wag nang magreklamo dahil sa Pinas ako nakatira kung saan halos bente na bagyo ang dumadaan kada taon. #respectmyopinion.
So ayun, 'pagkatapos dumaan ang hagupit ng bunganga ng bagyong Paula, sumunod naman ang bagyong Banko kung saan makakaranas ng kawalan ng bahay at mga ari-arian. And wait! There is more, may tinatawag din tayong Tropical Converegence Zone kung saan hahatakin ka palabas sa trabaho mo. Opo, tinanggal ako sa trabaho dahil kailangan ng magbawas ng mga trabahador para hindi tuluyang magsara yung kumpanya. Sinubukan kong maghanap ng trabaho, pero laging 'I'm sorry, you are not qualified' ang sinasabi sa'kin tuwing mababasa na nila ang resume ko. May isa pa ngang kumpanya na pinanggigilan ko talaga.
"So you are a highschool graduate?"
"Yes I am." I answered professionally.
The interviewee peeked at my resume one more time. Alam ko na kung saan 'to papatungo kaya pinangunahan ko siya. I'm desperate to have this job dahil ito na ang huling kumpanya na nasa listahan ko na hindi ko pa nac-crossed out.
"Look, Sir, I am Jenie Lynn Lopez who graduated as a highschool valedictorian to one of the most prestigious school." Pangungumbinsi ko.
"Yes, I understand your frustration but you must also remember that your school can be paid for a higher marks. Money can buy anything. Also, you are applying for an auditors job, I cannot accept someone who is not knowledgeable enough for this job. I'm sorry." He politely said.
Kung pwede ko lang sanang ipaglandakan lahat ng natutunan ko at hindi binayaran ng magulang ko ang school para magkaroon ako ng mataas na marka.
The conversation ended and I don't get the job. If I only...
I closed my eyes to cut off my thoughts.
Sobrang daming problemang umaaligid sa'kin ngayong araw. At ang hindi ko maintindihan eh may isang lalaking magpapakita sa harapan ng bahay ko at bigla akong aaluking magpakasal. Take note lang na hindi kami personal na magkakilala, kilala ko siya dahil anak siya ng gobernador sa dati naming tinitirahan and I'm confident that he doesn't know I existed.
Kasalukuyan kaming nasa cafe, ilang kanto lang ang lapit mula sa apartment na tinititirahan ko.
"I want YOU to be my bride." He's commanding. Pinagdiinan niya talaga ang salitang 'you'
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinasabi niya. Dapat ba akong matuwa dahil at last may mayaman na akong nakakatuwang sa buhay o map-praning dahil inaalok niya akong magpakasal.
"Uhmm..." tanging nasabi ko, napakamot ako ng ulo sa sobrang awkward ng sitwasyong kinalalagyan namin ngayon...o ako lang. Nagtaas ako ng tingin at seryoso lang naman siyang naghihintay sa sagot ko. His both arms are resting on the table.
Huminga siya ng malalim. Ramdam ko ang inip sa mga paghinga niya. Ilang segundo ko pang inisip ang magiging sagot ko at nagsisimula na niyang tuktukin ng lamesa gamit ang daliri niya. Desidido na ako sa sagot ko pero pinalipas ko pa ang ilang segundo, hindi naman sa napagtripan ko siyang asarin, gusto ko lang malaman kung ano pang kaya niyang gawin kung papalipasin ko pa ng ilang minuto ang sagot ko.
It's kinda entertaining though.
Pinagmamasdan ko ang bawat paggalaw niya. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata naming dalawa. Pakiramdam ko ay bigla akong hinigop ng blackhole sa mga titig niya.
Kelan pa siya nakatingin sa'kin?
He is giving me a goosebumps. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam galing sa tiyan kaya nasagot ko ng 'di namamalayan yung tanong niya, utos to be precise. "Ayoko." may halong iling pang wika ko.
Wala man lang nagbago sa ekspresyon niyang seryoso at nanghihigop niyang mga itim na mata. Iniwas ko nalang ang mga mata ko at nilagok ang inorder niyang iced latte. Baka tuluyan na akong mawala sa katinuan.
Sino ba naman kasing hindi, eh, King Rei Rockfeller 'tong nang-aalok sa'kin ng kasal. Laman lagi ng news at magazine ang mukha niya. Matikas ang katawan, business genius, malinis tignan, mukha lang hindi gentleman sa mukha niya seryoso pero pwede na rin, at higit sa lahat yung mukha niyang inukit noong panahon ng renaissance period. Perfect jaw, nose, thick eyebrows. Para na siyang Greek God sa kaperpektuhan ng panlabas niya.
"I know what's going on inside your head." Wow! psychoanalyze yarn. He leans forward. Napaatras naman ako ng bahagya sa ginawa niya. "Sino ba 'tong lalaking bigla nalang lilitaw para alukin ako ng kasal." Sobrang obvious naman siguro na kahit sinong babaeng nasa posisyon ko ngayon 'yun ang magiging tanong. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Lopez, I choose you to bear my child."
"Eh?" napantig ang dalawang tenga ko sa huling tatlong salitang binitawan niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"I can pay all of your debt, I can give your brother a scholarship to the most prestigious university in the Philippines or the World. He can have a better future if you wanted to. Alam mo kung anong kaya kong gawin, Lopez. What else do you want? Money?, Clothes?, Car? Name it and you'll have it. Just be my wife Ms. Jenie Lynn Lopez and you can have all the material things you want and need."
Ilang beses akong kumurap sa mga inaalok niya. His word keeps on echoing inside my head. Aminado akong kailangang kailangan ko ng pera ngayon at hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng pera. I am all alone, maagang namatay ang parents ko dahil sa aksidente kaya mag-isa akong kumikilos para mabigyan ng mabuting buhay ang kapatid ko. Ayoko naman kasing hindi niya maramdaman ang marangyang buhay. Pero walang wala na talaga akong maisip pang paraan para matustusan 'yon. May student loan pa siyang nakapila. Baon na kami ng utang sa bangko at hinahunting na ako ng mga bumbay. I don't even have enough money to support myself.
"It is a contractual agreement. Ibig sabihin, mag-asawa lang tayo sa papel."
Should I accept his offer? I'm the one who will face the upshots. My life is indeed pathetic but with this man? No! who cares about the consequences of my actions.
All I just need to do is to be...His Contractual Wife.

BINABASA MO ANG
Rockefeller
RomanceJenie Lynn Lopez, a not-so-lucky girl, halos hakutin lahat ng kamalasan sa mundo. Nabaon siya sa utang dahil sa mga problema sa bahay na mag-isa niyang tinataguyod, idagdag pa ang matrikula ng kapatid niya na halos apat na buwang sweldo niya ang hal...