Nakita ang isang dalaga
Marikit na bituin at bulaklak na kaaya-aya
Tinitigan siya at tinitigan ka
Nalunok ang dila, tinig asan ka?Papalapit siyang naglakad
Lakad niyang banayad
Binti at hitang mala porselana
Di pa rin makaimik, tinig asan ka?Umupo sa tabi at labi'y nakangiti
Simpula ng mansanas, ngipi'y mapuputi
Kumikinang na mga mata, tinig ay of ibinahagi
Natikom ang bibig, tinig asan ka?Kurba ng katawan, damit na masikip
Matarik na mga bundok, baywang na maliit
Bumuka ang mga bibig, ika'y kinamusta
Di pa rin natinag, tinig asan ka?Naghihintay ng sagot, naktitig lamag
Habang itong mga mata'y gumagapang
Walang imik, walang kibo, walang talima
Tumatakbo ang isip, tinig asan ka?Tumayo na siya at naglakad palayo
Gustong pigilan, isip ay tuliro
Naisip sundan at sa wakas makapagkilala
Ngunit huli na, tinig asan ka?7-18-13

BINABASA MO ANG
My Pen
RandomCompilation of my works *Pagpasensyahan na po. Yung iba dito ay gawa ko pa po noong elem pa ako hahaha ✌🏼*