Matagal ko nang itinatago
pagtingin na wagas at totoo
sa lalaking nagbigay kulay saking mundo
Para sa kaniya ay kakayanin ko
Gusto talagang sabihin sa'yo
Kung gaano ka kamahal ng puso
Ngunit sa tuwing nandiyan ka
Di ko mabigkas ni isang salita
Sinubukang magmahal ng iba
Ngunit pagibig di mawala
Pag nakita ka sa araw-araw
Pagibig ko'y lalong umaapaw
Mahirap para sakin ito
Dahil may ibang laman ang 'yong puso
Ngunit pagasa'y palaging nandirito
Puso'y handang maghintay sa iyo
Pagibig ko'y sobra-sobra na
'Di na kayang itago pa
Kaya ako'y sumulat nitong tula
Maiparating na Mahal na Mahal kita
7-18-13
BINABASA MO ANG
My Pen
De TodoCompilation of my works *Pagpasensyahan na po. Yung iba dito ay gawa ko pa po noong elem pa ako hahaha ✌🏼*
