Sa Aking Pagpikit (JoshTin)

131 8 0
                                    

Josh's POV



Naka-ilang linga na ako sa orasan habang patuloy sa pagtipa sa cellphone ko.



Ilang minuto na lang, alas dose na.



Ang bagal talaga ng oras kapag hindi ko kasama si Justin. Nagpaalam naman siya na medyo malalate siya ng punta dito sa apartment ko.



Wala sa sarili akong napangiti nang makita ang wallpaper ko. Picture namin ni Justin noong unang beses niyang mag-overnight sa unit ko. Ang gwapo ng boyfriend ko.



Tatlong mahihinang katok ang gumising sa diwa ko. Dali-dali kong tinungo ang pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin ang nakangiting si Justin na may dala pang takeout mula sa paborito naming fastfood chain.



"Justin!" I said as I threw my hands on him to hug him tight. He returned the hug and buried his face on my neck, "I missed you, love." he whispered.



I pulled apart. Ngumiti ako sa kanya at saka hinawakan ang isa niyang kamay, "Tara na, Jah. Marami pa tayong gagawin."



Monthsary namin ngayon at marami akong hinanda para sa kanya. Naka-on na rin ang Netflix sa laptop ko at marami ring pagkain bukod sa dala niya. Pagkatapos ng Netflix, siguro maglalaro naman kami ng Mario Kart.



Kinuha ko ang dala niyang takeout at tinalikuran siya para ayusin ito sa mesa. Hindi ko mapigil ang ngiti ko. I really am excited to see him.



"Wait lang, handa ko lang-"



"Happy monthsary, love."



Halos matunaw ang puso ko nang paglingon ko ay may hawak siyang bulaklak. Sunflower to be exact. Agad ko iyong kinuha at inamoy.



I grinned, "Ikaw ah? Corny ka na. May pa-flower pa talaga." nang-aasar kong sabi.



He chuckled, "Parang sira. Syempre pambawi."



Sinuntok ko siya nang pabiro, "Tara na nga."



Nanood kami ng Disney film dahil sabi niya, gusto niya raw ng light lang. Pinanood namin ang 'Enchanted'. I ended up crying because it was my favorite and Giselle's pure love made me envy.



Natatawang pinunasan ni Jah ang pisngi ko, "Ang iyakin naman ng isang Josh Cullen. Parang movie lang eh."



I pouted, "Eh tignan mo naman kasi, love. Grabe 'yung pagmamahalan nila. Ang pure. Ang genuine." saad ko.



Kumunot ang noo niya, "So sinasabi mo na hindi genuine ang pagmamahal ko sa'yo?"



Sinamaan ko lang siya ng tingin na naging sanhi ng pagtawa niya, "I love you, Josh. Tandaan mo 'yan." he said as he planted a kiss on top of my head.



We spent the whole night talking, laughing and cuddling.



Sobrang saya ng puso ko. Sana hindi na 'to matapos.



"Josh," pagtawag niya. Nilingon ko naman siya. He ruffled my hair, "I'm sorry for my shortcomings. You don't get what you deserve. I am not enough."



Hinawakan ko naman ang kamay niya, "You're more than enough, Jah. You complete me."



Nagpatuloy lang kami sa pagkekwentuhan. Sinusulit namin ang sandaling magkasama kami.



Hindi alintana ang oras.



Hindi alintana na buong magdamag hanggang sa pagsikat ng araw ay nanatili kaming gising dito sa apartment.



Magkayakap. Magkasama. Masaya.



Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang tumunog ang cellphone ni Jah. Malungkot niya kong tinignan at tila ba tinitimbang ang magiging reaksyon ko.



I sighed. Alam ko naman na darating ang punto na 'to. Lagi naman.



Pero hindi pa rin nababawasan 'yung sakit kada tumutunog ang alarm niya.



"Josh, I'm sorry." mahina niyang sambit.



Pinilit kong ngumiti. I held his hand, "It's okay, Jah. Naiintindihan ko naman. Pumayag ako. Kaya ko."



Bumuntong hininga siya at tumayo. Inayos ang mga gamit at naghanda para lisanin ang apartment ko. Hinalikan niya ang noo ko at binati muli.



Naglakad siya paalis, pero bago pa man siya tuluyang makalayo, narinig ko pa siyang sagutin ang cellphone niya.



"Hello bub? Yes, I'm on my way. Sorry, daming papers sa office eh."



Pahina nang pahina ang boses niya pero klaro pa rin sa pandinig ko ang mga huli niyang sinabi bago ibaba ang tawag sa cellphone niya.



"Yes, Ken, I'll buy breakfast for us. Gutumin talaga ang asawa ko eh."



I smiled bitterly. I wanted to cry but it felt as if my tears ran out already.



Wala eh. Ganyan siguro talaga, kapag hiram lang.



- Wakas -

SB19 One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon