Balang Araw (KenTin)

72 4 0
                                    

Ken's POV



Napamulat ang mga mata ko nang may maamoy na mabango. Parang may nagluluto.



Bumangon agad ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Nakita ko doon si Justin, ang boyfriend ko.



I smiled and hugged him from the back and closed my eyes, "Good morning, langga." I whispered.



I heard him groan, "Ken naman eh, masusunog 'tong niluluto ko." irita niyang sabi.



Napatawa naman ako kasi kahit nakapikit ay naiimagine ko ang naiirita niyang mukha.



"Five minutes lang," saad ko habang 'di pa rin siya binibitawan, "Hotdog lang naman niluluto mo eh." pang-aasar ko pa.



Padarag niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya na ikinatawa ko. He huffed and continued cooking. Ang cute talaga ng Justin ko.



It's been 3 years magmula nang mag-live in kami ni Justin. Parang mag-asawa na nga kami eh. Marriage contract na lang talaga ang kulang.



I just can't imagine a day without seeing him.



Kaya heto, nagsasama na kami sa iisang bubong.



Pumunta muna ako ng comfort room para gawin ang morning routine ko. Tinungo ko agad ang dining table na inayos na ni Justin.



Halatang naiinis pa rin kaya niyakap ko nang lumapit siya para ilapag ang nilutong fried rice, "Thank you, langga. Ayaw mo talaga akong ginugutom." sambit ko.



He rolled his eyes, "Sino may sabing para sa'yo 'to? Magluto ka ng iyo," naiirita niyang sabi. Pakipot pa 'to eh. "O kaya maghanap ka na lang ng partner na kaya kang ipagluto ng masarap. 'Wag ka sa'kin. Hanggang prito lang ako."



I chuckled. He's just too cute, isn't he?



"Kahit mapuno pa ng cholesterol ang katawan ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." saad ko at saka lumapit para halikan ang noo niya, "Mahal kita, Justin."



He sighed. He pouted his lips before wrapping his arms to pull me in a hug, "Mas mahal kita, Ken. Mahal na mahal."



Nag-umpisa na kaming kumain. Nagkekwentuhan kami tungkol sa trabaho. And I swear, he's the cutest when he rants about his workmates.



"And Josh? Gosh, I hate his guts! Lagi na lang nakikipagcompete," naiirita niyang sabi, "As if he'll win." dagdag pa nito.



Sa sobrang gigil niya, hindi niya na napansin na may ketchup sa gilid ng labi niya. That's why I took a clean tissue and wiped it.



"Calm down, tiger." natatawa kong sabi.



He huffed, "Mahal mo pa rin ba ko kahit puro ako rants, langga?"



"Oo naman. Sobra pa sa sobra."



I love him so much. I love you so much, Jah.



Ako ang naghugas ng mga pinagkainan. Naglilinis naman ng living room si Justin habang nagpapatugtog pa ng kanta. A Thousand Years. Our song.



I saw him humming as he cleans the counter top. Paminsan-minsan pa siyang tumitingin sa akin at ngumingiti. His gummy smile is so precious.



Kahit na hindi pa ko tapos sa paghuhugas ng mga pinggan ay lumapit na ko sa kanya. I placed my hand on his waist as he spun around to look at me.



SB19 One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon