Oops, Wrong Sent! (KenTin)

69 3 0
                                    

Justin's POV



"Oh, eh kailan ka naman aamin kay Ken na crush mo siya?" nakangising tanong ng best friend kong si Josh.



Kasalukuyan kaming nagvi-video call dahil walang klase. Assignment ang pinag-uusapan namin pero nahantong pa rin kami kay Ken.



I rolled my eyes, "As if I'll confess to that ice king." malungkot kong saad, "Ni hindi nga ngumingiti 'yon sa klase. Ayaw kong ma-reject."



Kumunot ang noo ni Josh at inilapit sa kanya ang phone niya. Halos mabingi ako nang sumigaw siya, "Ikaw kasi, hindi pa nagsisimula, sumusuko ka na!"



"Takte ano ba?! Naka-earphones ako!" naiirita kong sabi na tinawanan niya lang, "Sige nga, anong gusto mong gawin ko?"



He hummed, "I got his number. Try mo kayang i-text?" suhestiyon niya.



I immediately shook my head, "May number niya rin ako. Pero anong itetext ko? Hindi naman kami close. Ni hindi nga niya siguro ako napapansin eh." malungkot kong saad.



Sa totoo lang, mula nang mag-transfer sa'min si Ken, sa kanya na lang nakatuon ang atensyon ko. Hindi ko alam pero may aura siya na mapapatingin ka na lang talaga sa kanya.



He's so dreamy. God, I want him so much.



"Alam ko na!" nakangiting sabi ni Josh na tila ba may lumiwanag na bumbilya sa utak niya, "Magkunwari ka na lang na wrong sent ka tapos saka ka na mag-engage ng convo niyo." dagdag pa nito.



Unti-unti naman akong napangiti, "Tama. Pwede 'yon. Mukhang gagana 'yon," masaya kong sabi at saka ngumisi sa kanya, "Ikaw ha? Nag-iisip ka pala ha?" pang-aasar ko.



Sinamaan niya ko ng tingin, "Sampalin kita dyan eh." saad niya at saka inirapan ako, "Ano pang hinihintay mo, de Dios? Ibaba mo na ang tawag na 'to at umpisahan ang panlalandi mo!"



I laughed, "Ewan ko sa'yo. Sige na baba ko na 'to. Thank you ulit, Josh!"



"Sige. Balitaan mo ko ah!" huli niyang sabi bago ko pinatay ang tawag.



I bit my lip and went to my contacts. Matagal na kong may number ni Ken. Class president perks. Pero wala akong lakas ng loob na i-text siya. Secretary kasi ang nagme-message sa klase tuwing may announcements kaya wala naman akong palusot para i-message siya.



Pero ngayon, siguro naman hindi masyadong halata 'pag tinext ko siya 'di ba? Basta sasabihin ko lang wrong sent.



Pinindot ko ang contact niya at kasunod non ay ang 'Send a message' option. Naka-ilang type ako pero lagi ko ring binubura.



Fudge, nakakakaba naman 'to! Daig pa 'yung Division quiz bee namin sa Science!



I sighed, "Kaya mo 'to, Justin de Dios. Hindi ka pinalaki ng sexbomb para bumawi. Pinalaki ka para lumaban!"



It took all my willpower to message him. And with my eyes closed, I sent him the text message.



To: Kenken ko uwu
Uy, saan ka na? Kanina pa ko sa 7/11.



Nangangatog na mga paa at nangangatal na mga labi ang kinahantungan ko nang ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang reply.



I frowned. Ano ba 'yan? 'Di man lang nag-reply.



'Di kaya wala siyang load? Pa-loadan ko kaya? 'Di niya naman malalaman na ako 'yun.



Tatayo na sana ako para magpa-load sa tindahan nang tumunog ang notification ng phone ko. Halos masubsob pa ang mukha ko sa kama dahil dali-dali kong kinuha ang phone ko para tignan kung siya ba ang nag-reply.



And I was right! Siya nga! Nag-reply si Ken!



From: Kenken ko uwu
You probably got the wrong no.



Halos mapatili ako sa kilig. Shet na malagkit! Ganito pala ang feeling kapag nire-replyan ni crush!



Bigla akong na-excite at agad akong nagtipa ng ire-reply sa kanya.



To: Kenken ko uwu
Oh shoot, wrong sent nga! Sorry, halos pareho kasi 'yung number niyo ng friend ko.



I bit my lower lip to prevent myself from squealing. Para akong sira! Hindi dapat ako tumili dahil paniguradong aasarin ako nina kuya!



Ilang saglit lang ay tumunog muli ang phone ko. Tumayo muna ako at tumalon-talon para mabawasan ang kilig na nararamdaman ko.



Shocks! Anong sunod kong itetext? Tanungin ko kaya siya kung anong favorite niyang subject? Ay hindi, masyadong common.



I-explain ko kaya sa kanya ang pinagkaiba ng intensity at magnitude para magmukha akong genius? O kaya i-enumerate ko ang parts of the cell! Tama, ayun nga!



Sobrang dami ko na talagang naiisip na ire-reply kaya naman kinuha ko na ang phone ko at binuksan ang message niya.



Pero agad ding nawala lahat ng kilig at excitement ko nang makita ang reply niya.



From: Kenken ko uwu
K.



Ayon na 'yon? K?



I pouted. Paano ko naman itutuloy ang conversation namin kung siya na mismo ang pumutol?



Bad trip talaga 'to si Josh, kung ano-ano kasi sina-suggest eh!



"Jah, tumulong ka na rito sa pag-aayos ng mesa!" sigaw ni Mommy mula sa baba.



Malungkot kong ibinaba ang phone at nagsimula nang lumayo.



Nakakalungkot naman. Mukhang wala na talagang pag-asang malandi ko si Ken.



Malapit na ko makaalis ng kwarto nang tumunog ulit ang notification ng phone ko. Hindi ko sana papansinin pero tumunog ulit ito nang isa pang beses na sinundan pa ulit ng isa.



I rolled my eyes and went back. Malamang si Josh 'to at nanghihingi ng updates.



Bumuntong hininga ako at binuksan ang messages. Wait, si Ken?



From: Kenken ko uwu
Shoot, this is embarrassing! I'm sorry omfg. Please don't mind my message omfg.



From: Kenken ko uwu
Wrong sent! Shocks, I'm dead!



At halos mapunit na ang mukha ko kakangiti nang makita ang unang message na na-send niya sa akin.



From: Kenken ko uwu
Joshuel! You won't believe it! Justin just freaking texted me! I'm literally shaking! Omfg!



Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at nagtipa agad ng ire-reply sa kanya.



To: Kenken ko uwu
Oops, I guess?



To: Kenken ko uwu
Up for some movie date, Ken?



- WAKAS -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SB19 One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon