Chapter 1

54 17 30
                                    

I like my life, currently. I like its uncertainty, its structure. I like the fact that, most of the time, unprecedented situations happen. Passing the college admission test. Flanking the finals. Remembering what I reviewed few nights ago. Graduating with flying colors. And most unexpectedly, passing the boards.

Right now, hinihintay ko na lang 'yung grab driver na binook ko papunta sa Adriatico, isang sikat na bar sa Pasay City na matagal ko nang gustong puntahan. Ngunit malaking hadlang talaga ang pag-aaral sa pag-walwal.

Isang pink na button-down shirt, faded jeans at black sneakers ang porma ko ngayon. Wala akong taste sa trending fashion dahil lumaki ako sa pamilyang napaka-old fashioned. Pero hindi ko naman sila sinisisi, wala rin naman akong time para diyan, lalo na nung college.

Alas-diyes y media na nang gabi nang dumating ang grab na binook ko. Binaybay namin ang daan papunta sa bar mula sa bahay namin sa Brgy. Islang Puting Bato, Tondo, Manila. Yes, Im leaving in one of the poorest municipilaties in Metro Manila, thus, that says it all. Im not rich.

Nasa bungad pa lamang ako ng bar naririnig ko na ang sari-saring ingay. Ingay ng musika. Ingay ng mga tawanan at sigawan. Ingay ng mga ungol ng mga taong naghahalikan, at kung ano pa ang iba nilang ginagawa. Ngunit ang ingay na nakakuha ng aking atensiyon ay ang sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Hoy Estillore! Classmate!", sigaw nito sa aking direksiyon. Hindi ko siya nilingon kahit na pamilyar siya dahil hindi ko matandaan ang kaniyang pangalan at kung saang subject kami naging magka-klase.

Nang hindi ko siya pinansin ay siya na mismo ang lumapit at iniabot ang kaliwang kamay upang makipag-shake hands. "I'm Timo Cruz, Social Psychology classmate tayo."

Siya nga pala iyon. Siya 'yung palaging absent sa Social Psych, kung pumasok lang ay kapag may recitation kami, mid-term, and final exams. Kaya pala pamilyar siya, ngunit di ko agad nakilala.

Inabot ko ang kaniyang kamay at agad na kinamayan. Mahigit isang minuto na kasi itong nasa ere dahil sa pag-alala ko kung sino ang kupal na ito. "How are you?", I civilly asked. Hindi ko kasi alam kung paano makipag-socialize, lalo na sa mga taong may mas mataas na katayuan sa buhay. Besides, ang plano ko lang naman ngayong gabi ay magdiwang dahil sa pasado ako ng boards at magpakalasing for the first time in my not-so-virgin life.

"I'm good, pasado rin naman ako sa boards, kung 'yun ang ibig mong sabihin", sagot nito. That's not what I'm talking about, idiot.

"Ikaw ang mukhang hindi okay, Evan. I suppose, wala kang kasama. Wanna join us?", alok nito sa'kin at sabay turo sa tatlong kasama nito sa likod na matamang pinapanood ang aming pag-uusap.

Hindi ko na nagawang tumanggi pa dahil nabasa niya na ang body language ko. Hindi ko na nagawang magsinungaling pa, pumayag na lamang ako dahil tama naman siya na wala akong kasama, ngunit mali siya na hindi ako okay. I'm way more than okay, and I think that this is gonna be the best night of my life.

Mas lumakas ang tunog ng musika at ingay ng usapan nang pumasok na ako kasama ang tropa ni Timo. Si Marlon na isang engineer, Richie na isang resident doctor, at Tony na isang commercial pilot. Bigatin ang clique nitong si Timo, halatang mga conyo. Mukhang mapapasabak ako sa englishan, lalo na sa inuman. Biruin mo, unang bote ko pa lang ng beer ay pangatlong order na pala ito ng bucket.

Lagot ako nito sa pamilya ko, lalo na sa nanay ko. Hindi pa man din ako nagpaalam na aalis at magpapakalasing. Anyway, pasasaan bat mapapagalitan din naman ako, lulubusin ko na lang ang pagkakataong ito.

Sari-saring mga tao na sari-sari ang iniinom ang sumasayaw sa sari-saring musika na ipinapatugtog ng DJ. Ngunit ang pinaka-interesante ay ang sari-saring buhay na mayroon sila.

I took the liberty to read their body language and know what kind of lives they have. Ngunit hindi pa man ako nakakapagsimula, may iniabot na si Timo na isang shot glass na parang gin ang laman. "Thats vodka", he said, reading the confusion sa kunot kong noo. Wala na naman akong nagawa kundi kunin at tunggain ang nasabing inumin. I have to commend him, kahit hindi halata, may natutunan din naman pala siya nung BS Psych days.

Kumunot ang buong mukha ko nang maramdanan ko ang epekto ng isang shot ng vodka. Napakapait, parang sinusunog nito ang lalamunan ko. Natungga ko tuloy ang natitirang kalahating laman ng bote ng beer na aking iniinom. Nakaramdam ako nang drive para sumayaw.

Mas lalong nag-init ang aking katawan. Parang inuutusan ako nitong pumunta sa gitna at magsayaw. I dont have the confidence, but I'm grateful to that shot of vodka.

Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko dahil busy na sila sa mga kalandian nilang mga babae sa table namin. Dumiretso ako sa dance floor, may humawak sa bewang ko na isang blonde at petite na babae. Ganitong-ganito pa naman ang type ko, parang ang bait naman ata ng Diyos sa akin ngayon. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na makasayaw ang magandang babaeng ito, dahil kung nasa tamang ulirat lamang ako ay malamang nanliliit na ako sa hiya at kaba sa oras na ito.

Sa kasarapan ng aming pagsasayaw, ay bigla na lamang akong bumulagta sa sahig. Napakabilis nang mga pangyayari, namalayan ko na lamang na nakabalik na pala ako sa table namin, wala na 'yung mga kalandian nilang mga babae at inaabutan na naman ako ni Timo ng isa pang shot ng vodka. Tinungga ko ito nang diretso.

"Ano bang nangyari?", nahihiwagaan kong tanong sa kanila. Sinabi nila na sinapak daw ako ng boyfriend ni Airi, 'yung babaeng nakasayaw ko kanina. Ngunit bakit ganun? Wala man lang akong naramdamang sakit.

Ilang sandali pa, nakaramdam na ako nang pagkahilo at ang buong lugar ay umiikot na. Ngunit hindi naman ako nasusuka. Humiga na lamang ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kasalanan ito nung vodka.

I never expected that this night will be the cause of traumatizing events that I buried in the past to be relived. This is not going to turn out well. Hindi ko na naman ito inasahan.

Blood BaptizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon