Chapter 8

21 3 0
                                    

In life, there's always more. More trials. More problems. More obstacles. More mistakes. More pain. More unmet expectations. But also in life, good things come to those who wait.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas nang makilala ko si Siriano, nagkaroon kami ng matinding away ni kuya, naatake si nanay, at nagkasundo kaming magkakapatid na babawasan na namin ang pag-aaway at subukang plantsahin ang mga gusot namin.

Tungkol naman kay Siriano, ang paghatid niya sa akin sa aming bahay ang naging huli naming pagkikita. Napagtanto ko na mabait siyang tao, dahil pinatuloy niya ako sa kaniyang condo, inalagaan, pinakain, at inihatid kahit na kami ay estranghero sa isa't isa.

Katatapos ko lang magbihis nang makatanggap ako ng email galing kay Hann, kasamahan ko sa Human Resources (HR) ng main office ng Venif Inc. sa Makati. Binuksan ko ang email at nakitang ito ang report na kailangan kong gawan ng powerpoint para iprisinta sa Chief Operating Officer (COO) ng kompanya sa araw na ito,

Pinatay ko na ang aking laptop at inilagay na sa aking bag. Nagsuot na ako ng sapatos at handa nang umalis. Tinahak ko ang hagdan pababa sa unang palapag ng aming bahay. Narinig ko ang pagtawag ni nanay galing sa kusina, inaaya akong kumain.

Siya nga pala, mabuti-buti na ang relasyon naming magkakapatid. Sapagkat, napag-usapan na namin ito makailang ulit na. Hindi na lamang ito tungkol sa ikabubuti ni nanay, kundi sa ikabubuti na r in namin.

Lakad-takbo kong pinuntahan ang kinaroroonan ng kusina. Agad naman akong nakarating. Nalanghap ko ang amoy ng bagong lutong longganisa, tuyo, itlog at pancit canton. Biglang kumulo ang sikmura ko, hindi nakayanan ang temptasyong dulot ng pagkaing nakahain sa hapag kaya naman ay umupo na ako para kumain

"Oh Evan, mabuti naman at maaga kang gumising ngayon. Hindi ka pa late, kaya kumain ka ng marami, wika ni nanay habang isinasalin sa aking plato ang mainit-init pang sinangag. Mas lalong kumulo ang sikmura ko sa aking naamoy.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya naman nilantakan ko na ang aking agahan. Nanonood lamang sina ate at kuya na tahimik ding kumakain sa aking tapat. Binilisan ko na lamang ang aking pagkain dahil marami pa akong gagawin sa opisina.

"'Nay pasok na po ako sa trabaho", paalam ko kay nanay. "Ate, Kuya, una na ako", saad ko sa direksiyon ng aking mga kapatid. Tumayo si ate Lorra sa kaniyang kinauupuan at tumungo sa kinatatayuan ko. Hinalikan niya ako sa pisngi. Nagulat ako sa kaniyang ginawa ngunit napangiti rin pagkatapos.

Sunod na lumapit sa akin si nanay, hinalikan niya rin ako sa pisngi na may kasamang singhot. Parang dating ginagawa niya noong maliliit pa kami. Niyakap niya ako ng mahigpit, napangiti na naman ako at niyakap din siya pabalik.

Tumingin muli ako sa direksiyon ni kuya, tinanguan niya ako tanda ng pagpapaalam. Tumango rin ako ng may halong ngiti. Ang saya ng simula ng umaga ko, sana magtuloy-tuloy na ito.

Nakasakay na ako ngayon sa taxi patungo sa aking pinagta-trabahuhang kompanya. Ang Venif Inc. ay isang grupo ng mga publishing houses sa buong Southeast Asia. Napakalaking kompanya kaya sinikap ko talagang makapasok dito.

Habang nasa daan ay nakatanggap naman ako ng isang mensahe mula kay Roz, matalik kong kaibigan na nakilala ko rin sa aking trabaho. Specifically, noong sabay kaming mag-apply sa Venif Inc. Siya ang unang taong kumausap sa akin, nag-click kami kaya naman naging magkaibigan kami.

Binuksan ko ang aking cellphone at tinungo ang inbox ng aking messages. "Tol, bali-balita dito sa opisina na mapo-promote ka raw", iyan ang nilalaman ng mensahe. Napangiti ako ng maluwag kahit na wala pa namang kompirmasyon kung totoo nga ito.

May dumating muli na isang text message galing pa rin kay Roz. "Nag-resign daw boss mo sa HR, kaya ikaw na ang bagong boss ngayon", dagdag impormasyon ni Roz. Lalong lumawak ang aking ngiti dahil sa sinabi niyang iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood BaptizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon