Chapter 7

14 1 0
                                    

What is family? I guess, you don't need a dictionary to define that word because it is a no-brainer. In dictionary, family is a group consisting of parents and children living together in a household. For me, family can't be minimized to these definitions, because family is indefinite. It is far way bigger, larger and greater. It makes everyone's house a home. It can turn a bad situation into a good one, vice versa, etc. On the other hand, I strongly believe, that anyone can be your family, but now everyone.

Narito ako ngayon sa paborito naming puntahan dati ni papa at ng buong pamilya, ang barangay plaza. Kung maaari ko lang sana balikan ang mga masasayang panahon na narito kami, sigurado akong ganun pa rin ang mararamdaman kong lebel ng kasiyahan.

Sinuri kong maigi ang gate ng plaza. Bagaman napapalibutan na ito ng kalawang, hindi pa rin naaalis ang magandang disenyo nito na parang sa mga mayayamang bakod lamang nakikita. Binasa ko ang mga letrang nakasulat dito.

"Welcome to Paraiso sa Isla Puting Bato (Brgy. Plaza)"

Napansin kong kulang-kulang na ang letra nito ngunit maiintindihan pa naman ang ibig nitong sabihin kung ikaw ay pamilyar dito. Ako ay naglakad papasok sa plaza, ang awra ng paligid ay sobrang saya ngunit bakit parang pawang kalungkutan lamang ang aking nararamdaman.

Sa aking harapan ay ang ipinagmamalaking fountain ng aming barangay, may mga tumubo na itong lumot kaya naman ay off-limits muna ito dahil sa ginagawa ritong paglilinis.

"'Tay, 'Nay, ang ganda po ng fountain oh", turo ko dito. Sa bungad pa lamang ng plaza ay agaw atensiyon na itong grandiyosong fountain na ito. "'Nay, pwede po ba kaming magwish sa fountain?", tanong ni ate.

Sumulyap sa direksiyon ni tatay si nanay, humihingi ng permiso. Tumango naman agad si tatay, tanda ng pagsang-ayon. "Basta Lorra mabilis lang kayo ah", bilin ni nanay. "Miki, bantayan mo ang mga kapatid mo", bilin naman niya kay kuya.

Nagtungo agad kami sa fountain. Binigyan ako ni ate ng barya upang ilaglag sa fountain upang ilaglag dito pagkatapos kong humiling, binigyan niya rin si kuya. Sabay-sabay naming ipinikit ang aming mga mata para humiling.

Nauna akong natapos, pinagmasdan ko ang mukha ng aking mga kapatid. Si kuya ay nakuha ang matapang na awra ni tatay, ngunit nakuha naman nito ang kalambutan ng puso ni nanay. Si ate naman ay ang batang bersiyon ng aming ina sa pisikal, dahil namana naman niya ang mga prinsipyo ni tatay.

Ang aking hiling ay magkaroon ng bagong laruan sa aking kaarawan. Hiniling ko rin na sana ay hindi na kailanganin pang magtrabaho si tatay sa malayo. "Ate, ano 'yung wish mo?", tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakaupo sa bench. Napapalibutan kasi ng mga bench ang fountain.

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang aking buhok. "Hiniling ko na maging malusog at masaya tayo, 'yun lang", magiliw na tugon ni ate Lorra. Tumingin naman ako sa direksiyon nimkuya na pinapanood pa rin ang fountain sa malapit.

"'Wag mo na ako tanungin, Evan. Sa akin na lang iyon", mahinahon ngunit may conviction na wika ni kuya. Hindi na lamang ako umimik. Ilang sandali pa, nagyaya na si ateng hanapin sina nanay at tatay.

Napapangiti na lamang akong mag-isa sa alaalang iyon. Panahon nga naman. Sabi ni tatay, "Ang panahon ang pinakamainam na taguan". Sa tingin ko ay naiintindihan ko na ngayon ang ibig niyang sabihin.

Sa aking kanan naman ay ang malawak na damuhan na ang kalahati ay nasisilungan ng mga iba't ibang punongkahoy, halaman, at bulaklak. Ang kalahati naman nito ay patag lamang, walang ibang laman kundi lupa at damo. Sinadya ito upang dito gawin ang mga aktibidades na nangangailangan ng malawak na espasyo.

Mga naglalaro ng football ang nasa gitna na hindi magkamayaw sa pagtakbo ang aking napansin. Napapalibutan naman ito ng mga batang nagpapalipad ng saranggola na may sari-sari ang kulay at laki.

Bumalik ako sa kinaroroonan nina ate at kuya. Nag-prisinta akong hanapin sina nanay at tatay sa malawak na soccer field, ngunit wala naman sila dun. "Nakita niyo na ba sila nanay, ate?", tanong ko. "Kung nahanap namin sila ay malamang kasama na namin sila". aroganteng sagot ni kuya Miki.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil magkakagulo lamang kung papatulan ko pa siya. Nagpahinga muna kami pansamantala dahil napagod kami sa paghahanap kila nanay. Umupo kami sa nagkalat na mga picnic table.

May dumaan na isang lalaking tindero ng ice cream. Kinapa ko ang aking bulsa para bumili ng ice cream para sa aming tatlo. Ngunit twelve pesos lamang ang aking dala. Tumingin ako sa ginagawa ni ate, kinakalkal din niya ang bulsa ng kaniyang maong na short.

Mukhang nagets naman ni kuya ang aming ginagawa at nangalkal na rin. Ang halaga ng pinagsama-samang pera namin ay saktong thirty pesos. Sapat para makabili ng tig-iisang pinakamurang ice cream.

Tinawag ni kuya ang tindero. "Manong, pabili nga po ng ice cream niyo", sabi ni kuya. Lumapit sa kinauupuan namin ang tindero. "Anong flavor, hijo?", tanong ni manong. "'yung pinakamura po, tatlo po", sagot naman ni kuya.

Pinasadahan muna kami ng tingin ni manong bago siya umupo sa kinauupuan namin. "Nasaan ang mga magulang ninyo?", usisa ng tindero. "Hinahanap po namin sila, pero nandito rin po sila sa plaza", sagot ko.

"Ganun baga?", tugon ni manong. "O siya, itago niyo na iyang pera niyo, libre ko na ito sa inyo", wika niya sabay abot ng tatlong piraso ng ice cream sa amin. Nagpaalam na siya dahil magbebenta pa umano siya sa kabilang banda ng plaza.

Nagpasalamat kami sa kabutihang-loob ni manong. Masaya kaming nagsalo sa ice cream. Pinahiran pa ako nila ate at kuya sa mukha, ngunit sinamahan din naman akong maglinis pagkatapos namin kumain.

Samantala, sa aking kaliwa ay matatagpuan naman ang mga pwesto ng tindahan. Hindi mahulugan ng karayom ang mga puwesto dahil kumpol-kumpol ang mga taong namimili ng makakain. Matatagpuan din dito ang mga bench na inuukupa ng mga taong gustong magpahinga, kumain at mag-date.

Nahanap namin sina nanay at tatay sa isang pwesto ng tindahan sa loob pa rin ng plaza. "Mukhang napagod ata kayo mga anak?", masiglang tanong ni tatay. "Pasensiya na kung ganon, pero gusto lang namin kayong isurpresa", dagdag ni nanay.

"Gusto kasi namin I-celebrate ng tatay niyo ang anniversary namin dito sa plaza, kasama kayo", wika ni nanay. "Pero mukhang nakalimutan niyo ata na anibersaryo ng kasal namin ngayon eh", kunwaring may pagtatampong wika ni tatay.

Inaya na kaming umupo ni tatay sa mesang naka-reserba para sa aming pamilya. May nakapaskil doon na "Reserved for Estillero Family". Nagkatinginan kaming tatlo at nag-unahang maka-upo.

Ayon kay nanay, kanina pa umano naghihintay ang pagkaing ipinahanda nila. Kumain kami habang nagku-kuwentuhan. Napuno kami ng tawanan at pawang kasiyahan lamang. Pagkatapos naming kumain ay nilibot naming muli ang kabuuan ng plaza na isang buong pamilya.

Iyon ang pinakamasayang araw ng aking buhay. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga nangyari sa araw lang na iyon.

Halong saya at lungkot ang aking nadarama. Masaya dahil kahit papaano ay may mga alaala akong nababalikan sa tuwing ako ay nalulumbay. Ngunit malungkot dahil hanggang pag-alala lang ang kaya kong gawin.

Sa madaling sabi, ang alaala ay kumpleto pa, ngunit ang pamilya ko ay hindi na.

Blood BaptizedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon