Twist 2

1 0 0
                                    

-Naomi-

"What's this fuss all about?!"

Natulala ako kay Queen Bee nang sumigaw siyang nakataas ang kilay at naka-cross arms. Tapos lumapit siya with her oh-so-graceful entrance at hairflip.

Omo! Si Idol palapit! Kahit naka-mataray pose siya, anganda pa rin.

"Answer me, b*tches!" she yelled as she snapped her fingers infront of our frozen faces. NGANGA kami lahat eh.

"Queen! Kasi she just insulted lang naman our prince Harky!"- Babe 3.

Napangiwi naman si Queen Bee.

"Oo nga! Sinabihan ng four-eyed bullfrog na yan ng unggoy si prince!" - Babe 1.

Pati rin ako napangiwi sa lakas ng boses ng babaeng to. Nakalunok ata ng megaphone 'tung mga to eh.

"And your highness --"

"Hep!" Naputol yung sasabihin ni Babe 2 dahil tinaas ni Queen yung kamay niya habang nakapikit. She then glowered at them.

"Sinisigawan niyo ba ko?" dahan-dahan niyang sabi na parang kinakalma ang sarili.

"Does it seem na nasa probinsiya tayo at kailangan niyo akong sigawan dahil anlayo ko?! Anlapit ko lang at hindi ako bingi para di kayo marinig!" she bursted out yelling. Napayuko naman ang tatlong fangirls.

"Sorry po, your highness.." sabay nilang sabi.

"Now, I'm just gonna signal you when you're allowed to talk and you must keep your voices down. Ayoko nang sumasabat. Got me?" sermon niya. Napatango naman sila.

"Opo, your majesty.." sabay na naman sila. At wow, kanina "highness". Ngayon naman, "majesty". Pinagpraktisan ata nila ang responses nila eh.

Lumingon ako saglit at aba, ang apat na back-up kanina nawala. Takot sigurong pagalitan but wait. Exit na lang rin kaya ako? Total, naligtas naman na ako eh.

Tama! Tatakas na lang ako pero I should thank Queen Bee for saving me diba? Hays.. Saka na nga lang.

"Good. Now--"

"Pero kasi, she disrespected your brother.."- Babe 2.

Aba't pambihira. Sumabat pa rin si Babe 2.

By the way, tama kayo ng pagkakabasa sa brother. And yes, magkapatid sila ni Queen Bee my idol. Complete name ni Queen ay Hera Vienne Rances. At kuya niya ang unggoy na Vincent na yon. 1 year gap lang sila at mas nakababata si Queen. Bale junior pa siya at senior na kami ng kuya niya pero tinagurian na siyang Reyna or Queen Bee dahil anak sila ng may-ari ng school and besides, keganda-ganda naman kasi ng idol ko, parang reyna talaga.

"Di ba sabi ko wag sumabat?! Shut your smelly mouth, will ya?!" sigaw niya kay Babe 2. Yan, sumasabat kasi tsk tsk.

Matapos niyang sigawan yung bully, ako naman tiningnan niya. Napayuko tuloy ako. Napansin kong lumapit siya sakin.

Naku, mukhang ako na ang papagalitan. Brace yourself Naomi.

"Tell me, what did you call my brother?" dahan dahan yung pagkakabigkas niya kaya nagstart na akong kabahan.

Grabe, mukhang maiihi nako. Andaldal naman kasi ng mga babaeng yon.

"U-ung..unggoyyy" nauutal ako dahil sa takot. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagsmirk yung mga bully.

"What are you all looking at?! Get back to your respective classrooms. NOW!"

Huh? Ay, andami na palang nanunuod samin. Hala, nakakahiya. Anyways, babalik na nga lang din ako sa room *pouts*

"Hep! Di ka kasali" pigil sakin ni Queen Bee. Pero sabi niya get back to your classrooms daw eh. *pouts*

"Hahaha goodluck nalang sayo.." bulong sakin nung Harkybabes sabay walkout. Hindi pa pala sila nakaalis?

"Going back, did you really call my brother unggoy?" tanong niya pagkaalis nilang lahat.

"Huh? Ah o-oo.. P-pero Queen, ssso-rry t-talag--"

"WAHAHAHAHAHAHAHA.."

Another 'Huh?' Natawa pa siya na nilait ko ang kuya niya? May topak ata si Queen ngayon eh, nahawaan siguro ni Vincent tsk tsk.

"OMG. Hahaha anlakas ng loob mong tawagin siyang unggoy ha? Wahahaha. Eh ayaw na ayaw nung tinatawag siyang ganon. Hahaha, I can imagine his ugly face na sobrang lukot at pulang pula sa galit. Wahahaha nakatanggap ka siguro ng malutong na mura no? Hahaha..."

Eh? "Uhmmm.. Actually di niya ako minura. Umakto lang siyang nasasaktan at exagg din kung icomfort siya nung mga kabarkada niya. Ang OA nga eh..."

Tumigil siya bigla sa pagtawa at nilapit yung mukha niya sakin. Grabe, nakakatomboy ang ganda niya.

"Tell me, may gusto ba sayo ang kuya ko?" Napaubo naman ako nang wala sa oras tas natalsikan ko pa siya ng laway. Nagulantang naman kasi ako sa tanong niya.

Umatras naman siya't pinahiran yung mga laway na natalsik sakanya. Nakakahiyaaaa.

"*coughs* S-sorry Queen..*coughs*" mariin siyang pumikit tas lumapit ulit sakin.

"What's wrong with my question huh?!"

"Ang shocking naman kasi ng tanong mo. Pati ata balun-balunan ko nagulantang. Syempre, wala no! Lagi kaya akong pinagtritripan ng tropa ni Vincent na siyang nagpapasimuno sa Operation: Gawin akong Katawa-tawa. Kaya imposible, sobrang imposible. Walang gusto si Vincent sakin. Period."

"Strong mo ata masyado? Yes or No lang naman ang sagot eh. And Vincent? Kami lang tumatawag sakanya niyan ah, dahil ayaw niyang may ibang tumawag sa kanya niyan. Hmmm.. So you're the girl? I think nakuha ko na ang alas. Finally..." litanya niya sabay smirk.

At dun ko nakita sa kauna-unahang pagkakataon, ang anghel na unti-unting tinutubuan ng sungay. Nagkakatotoo na ata ang sabi nilang Demonyita nga si Queen Bee.

----------------------------------------------------------------------------+++++

A/N: Lame ba? Hahaha sorry. Masyado ding late ang update. Wala kasi akong maisip na karugtong na scenes kaya natagalan. Sorry po ulit. Pero thank you pa rin sa mga bumabasa, kung meron man. Anyways, here you go. Have a nice day nalng po ! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon