Note: If you'll read this, I advice you to read Sandejas Siblings First to know more, para 'di kayo malito sa mga pangalan. If you don't like at gusto niyo rito agad, no worries. You'll understand the flow pa rin. Above is the family tree for your reference.
Warning: This story consists of mature content not suitable for young readers so read at your own risk!
---
Simula
MAY mga bagay talagang kahit gaano pinaghirapan, isang pagkakamali lang ay maglalaho na parang bula.
May mga bagay na matagal mong inantay, matagal mong pinagplanuhan pero maling galaw ay mawawala. 'Yong tipong nag-aral kang maigi para sa klase kaso kakapuyat mo, late ka nagising at hindi rin nakapag-take.
Useless, right? Kung natulog sana ng maaga pagkatapos mag-aral ay mas ayos.
Wrong decisions...often lead people to miss their chances.
Kagaya ngayon, late ako natulog kaya late ako nagising kaya hindi ko naabutan ang shuttle service ng airport.
"Shit!" I cursed under my breath and glanced at my wristwatch.
An hour from now ay may flight ako! Halos magwala na ako kakaikot habang nakahawak ng mahigpit sa luggage ko.
"Shit naman," bulong kong iritado, sumulyap sa phone ko at nakitang male-late talaga ako kung sakaling aantayin ko pang bumalik ang shuttle.
"I knew it, you missed it again." Nawala ang tingin ko sa phone at mabilis na bumaling sa kotseng dumaan sa harapan ko.
My eyes widened when I saw my brother, nakadungaw sa bintana at nakangisi sa akin.
"Kuya Macky!" I exclaimed.
He shook his head, humaba ang nguso ko nang ngumiwi siya sa akin, natatawa na.
"Hop in, Darshana, nag-Netflix ka na naman kagabi?" he asked kaya nahihiyang tumango ako.
He chuckled, iikot na sana ako papunta sa kabila pero lumabas siya sa kotse. He took my luggage, inilagay niya sa backseat. Pagkatapos ay humawak sa braso ko para ihatid ako sa kabilang side ng kotse na nakaharap sa may kalsada.
I saw how my brother looked around to check on the upcoming vehicles, nang matanto niyang wala ay binuksan niya ang kotse at itinabon pa ang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog pagpasok.
"Thanks, Kuya!" I cheered. His blue eyes smiled, naiiling na pinitik ang noo ko kaya humaba ang nguso ko.
"You brat," he snorted.
"I am not! Na-late lang talaga akong gising!" I whined but he just smirked, isinara ang pintuan bago nagtungo pabalik sa driver's seat at inayos ang seatbelt niya.
"Seatbelts, Daru." Pansin niya kaya dali-dali kong inayos ang seatbelts ko at ngumisi.
"Thanks, Kuya! You're the best!" I cheered.
He smiled, naiiling na pinaandar ang sasakyan at saka kami dumiretso sa airport.
Habang nasa biyahe ay inaayos ko ang light make-up ko, medyo marahan ang pagpapaandar ni Kuya Marcus ng sasakyan para hindi lumagpas ang lipstick ko. Ibinaba ko ang salamin para naman ayusin ang buhok ko at ipusod.
My Kuya is already wearing his uniform, he's a pilot in our airlines while I am a flight attendant. Magkaiba ang schedule namin, hinayaan ang management na magbigay ng schedule dahil ayaw kong makialam at gamitin ang koneksyon.
I wanted to be an independent, ayokong itatrato akong VIP ng airline dahil lang sa anak ako ni Dash Sandejas, the owner because first, I am just simply me. I can stand up on my own.
BINABASA MO ANG
Missing Chances
General FictionSandejas Legacy #2: Missing Chances "Sandejas Legacy continues..." "Chances are easy to give yet hard to offer again once missed." Darshana Sandejas was still young when she met Chance Salcedo, an artist eleven years her senior. She confessed about...