Kabanata 20

185K 6.3K 7.4K
                                    

Kabanata 20

WALA nang pag-asa si Papa. He didn't wake up faster enough when I gave birth, sinampal na siya ni Mama sa panic niya, lahat-lahat pero wala pa rin kaya ang ending, ang Kuya Macky ang bumuhat sa akin at dinala ako sa kotse papuntang ospital.

That was the longest six hours of my life, anim na oras akong nag-labor sa anak ko at sobrang sakit pala. Para akong kinakatay doon sa loob pero worth it naman lahat ng hirap at mga luha nang masilayan ko na ang anak ko.

I felt like I was the luckiest woman on earth the moment the doctor put him on my chest. I was shaking and crying when I heard his cries and almost broke down when his tiny hand gripped my finger touching him.

Sa pagod din siguro ay nakatulog ako habang nasa dibdib ko ang aking anak.

I woke up after a couple of hours in a room. Pagmulat ko pa lang ng mga mata ay kaagad kong nakita si Mama na nakaupo sa tabi ko, si Dette ay nasa kandungan niya na unang nakakita sa akin.

"Ate!" she exclaimed.

Mabilis na napatingin sa akin si Mama at lumaki ang ngiti. "Daru..." she called, ibinaba niya si Dette sa upuan bago ako inalalayan patayo.

"Ma..." I called her. Inalalayan niya akong paupo sa kama, kaagad na napahawak ako sa medyo impis ko ng tiyan pabalik sa kanya.

"M-my baby?" I asked softly and she smiled at me.

"The nurse will bring him here, princess. He's a cute, handsome boy, baby." She smiled and kissed my cheek.

I slowly nodded, napabaling ako sa sofa at napakurap-kurap nang makita si Papa na nakaupo sa sofa pero nakatulala lang sa akin.

"P-pa?" I called and that made him jump.

Mabilis siyang napasulyap sa akin at napatayo sa sofa.

"Darshana..." he called and stood abruptly, napangiti ako nang yakapin ako ni Papa kaya inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang kanyang likod.

"Papa,"

"How are you? D-does it hurt, princess?" he asked, napangiti na ako nang lumayo si Papa at tinitigan ang mukha ko. "I'm so sorry, I blacked out last night, I just didn't expect—shit, I fucking fainted!"

Natawa ako, narinig ko ang hagikhik ni Dette at Mama sa tabi ko kaya napailing ako kay Papa at tinapik ang pisngi niya.

"It's okay, Papa. Masakit but the moment I saw my baby, it all faded away. Isa pa, Kuya brought us here," I said and stopped when I realized something.

I immediately roamed my eyes and saw Kuya near the couch, nakatayo rin at mukhang gustong lumapit pero nagdadalawang-isip. On the sofa, I saw his wife, bumaling ang tingin ko sa dalawang bata at hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita.

"Kuya..." I called.

My brother froze, he was hesitating at first but he walked closer to my bed. Narinig ko ang tikhim ni Papa kaya nagtaka ako.

"Are you okay now?" Kuya asked, humalik siya sa noo ko at yumakap at mabilis ko siyang niyakap pabalik.

Nagtatanong ang mga mata na napasulyap ako kay Mama habang yakap si Kuya at ngumuso lang siya at bahagyang umiling. It was as if she's telling me na hindi ayos ang Kuya at Papa.

"Yeah, I'm fine," I reassured bago humiwalay sa kanya, sumulyap ako saglit kay Papa na seryoso sa gilid ko pabalik kay Kuya na napalunok pa nang makita ang tingin ko sa pamilya niya.

"Let me..." He cleared his throat again. "Let me introduce them again. Storm, come here." He called his wife.

I saw her smile, marahang lumapit siya sa amin, nakakapit sa kanyang kamay ang dalawang mga bata. The girl looked so bubbly to me but she looks so shy, nakatitig siya sa akin pero nahihiya kaya nagbababa ng tingin.

Missing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon