Chapter Two

8 1 0
                                    

"Chapter Two: OTW"

Gabi na. Tinutulungan ng nanay ni Stella ang kanyang anak na dalaga sa pag-iimpake ng kanyang mga damit at mga kinakailangan niya para sa paglipat niya.

Sobrang swerte ni Stella. Hindi madali maghanap ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo. Mabuti na lang talaga at maraming koneksyon ang kaniyang pamilya. Mamimiss niya ang kanyang mga kaibigan dito sa lugar nila lalo na ang kanyang pinakamamahal na pamilya. Sigurado siyang malulungkot ang kanyang ina at si Stephen dahil mawawalay siya sa kanila, pero alam naman nilang lahat na alang-alang ito sa pangarap ni Stella at para makatulong na rin sa kanila. Pwede pa naman nilang tawagan ang isa't isa.

Narinig ni Stella na bumuntong hininga ang kanyang nanay nang matapos silang mag-impake. Tinignan niya ito at napangiti saka ibinaling ang kanyang tingin sa mga ginagawa niya.

"Ang dali ng panahon ano? Ngayon, mararanasan mo na yung adulting. Dati inaaway mo pa papa mo kapag ayaw niyang makipaglaro sa'yo ng barbie." kwento ng kanyang nanay habang nakatingin sa malayo.

"Mama naman."

"Bakit ka pa kasi lumaki?" Nagsitawanan ang mag-ina. Namimiss nga rin ni Stella ang mga panahon na iyon. Sobrang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang nangyari ang mga araw na iyon.

Tumayo na ang nanay ni Stella nang makarinig sila ng busina ng taxi na tinawagan nila para ihatid si Stella papuntang airport. Tumayo na rin si Stella at nagsimula nang bitbitin ang kanyang isang malaking maleta. Pinagbuksan naman siya ng kanyang nanay ng pinto nang nakangiti. Nginitian naman niya ito pabalik.

Nang makababa ang mag-ina ay sinalubong sila ng tatay at kapatid ni Stella. Lumapit na yung tatay kay Stella upang kunin ang maleta niya. Hinayaan naman ni Stella ang tatay niya. Tinangka pang alalayan din ng kapatid niya ang kanyang tatay pero pinaalis lang siya.

"Alis dyan, Tep. Matatamaan ka." utos ng kanyang tatay sa kanyang bunsong anak. Hinila naman siya ni Stella.

"Halika, Tep."

Lumapit naman ang kanyang kapatid sa kanya at kinarga. Lumabas na sila sa bahay at maging sa gate papunta sa harap ng pintuan ng taxing nakaabang. Lumabas naman ang driver at tinulungan ang tatay ni Stella na ilagay ang maleta sa trunk. Ibinaba na niya ang kanyang kapatid na lalaki.

Bago pumasok si Stella sa taxi ay hinarap muna niya ang kanyang pamilya at isa-isang niyakap. Una niyang niyakap ang kanyang nanay.

"Ma." tawag niya sa kanyang nanay at niyakap ito.

"Mamimiss kita."

"Mamimiss din kita, anak." at kumalas na sila sa pagkayakap.

Tinignan ni Stella ang kanyang tatay at lumapit naman ang kanyang ama sa kanya saka hinila at niyakap.

"Mamimiss kita, anak." sabi ng kanyang tatay. Nangingilid ang mga luha niya ngunit agad na pinigilan niya itong tumulo.

"Mamimiss din kita, tay. Alagaan mo sila nanay, okay?"

Tumawa ang kanyang ama. "Oo naman, anak."

Kumalas na sila sa pagkayakap. Hinalikan si Stella ng tatay niya sa noo. Lumuhod si Stella nang ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang maliit na kapatid na lalake na nakangiti sa kanya. Nginitian niya rin ito pabalik saka niyakap ang kanyang kapatid nang mahigpit.

Not Just An Ordinary Fangirl (SB19 Fantasy Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon