SEVENTEEN: A MOTHER'S GUILT AND A GRANDMOTHER'S RAGE

1 1 0
                                    

(Mina's Apartelle, evening)

ALAS siyete na ng gabi pero hindi pa rin nakakauwi si Chelsea sa kanilang bahay, dahilan para mag-alala na si Diana.

"Mama, alas siyete na pero hindi pa rin umuuwi si Chelsea. Saan na naman kaya nagsuot ang batang yun?" nag-aalalang tanong ni Diana kay Lucille.

"Ewan ko ba dyan sa magaling mong anak! Wala na talaga siyang ginawang tama kahit kailan!" galit na sagot ni Lucille. "Ano na naman bang pumasok dyan sa utak niya't nagawa niyang magnakaw ng testpaper sa faculty office sa mismong araw ng exam niya! Tapos may plano pa siyang i-set up si Margaux! Ang kapal ng mukha niya!"

"Di bale, Mama, pag-uwi ni Chelsea, kakausapin ko siya." ani Diana sa ina.

"Kakausapin? Na naman?" and Lucille sighed in disbelief. "Ilang beses na nating ginawa yan pero wala namang nangyayari. Hindi naman siya nakikinig sa atin eh. Oo, nagrerebelde siya dahil sa mga krimeng ginawa ng tatay niya, pero habang tumatagal, sumosobra na siya. Dapat sa batang yun, tinuturuan ng leksyon! Kung kinakailangang isampal ko sa kanya ang katotohanang ampon lang siya ng pamilyang ito para matauhan siya, gagawin ko!"

"No, Ma! Hinding-hindi ako makakapayag na gawin nyo yan! Nawala na sa akin si Margaux, kaya hindi ako papayag na pati si Chelsea ay mawala rin sa akin. Mahal na mahal ko ang batang yun kahit na ganun siya. Sana, maunawaan nyo ako." pakiusap ni Diana sa galit na ina.

"Hmp! Pasalamat ka, anak kita at mahal na mahal kita, dahil kung hindi, baka matagal ko nang ginawa yun. Pero hindi ako nangangako na mananatiling tikom ang bibig ko habambuhay, dahil oras na gumawa pa siya ng kalokohan, I swear, sasabihin ko na talaga sa kanya ang totoo tungkol sa pagkatao niya. Dignidad na lang ang natitira sa pamilya natin tapos sisirain pa niya? Anong klase siyang anak?" at marahas na napabuntung-hininga si Lucille, dahilan para matahimik si Diana. Kasabay nun ay muli na naman niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Margaux, kani-kanina lang.

"Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa nyo ni Percival dyan sa anak nyo? Bastos na nga, wala pang manners."

Napabuntung-hininga si Diana.

"Mama, kasalanan ko po ang lahat. Dahil sa akin kaya nagkakaganun si Chelsea." malungkot na sabi ni Diana.

"Ayan ka na naman eh. Sinisisi mo na naman ang sarili mo. Hindi ka nagkulang sa pagpapalaki mo kay Chelsea. Ginawa mo ang lahat para sa batang yun kahit na hindi mo naman siya totoong kadugo." ani Lucille sa anak.

"Hindi nga ako nagkulang kay Chelsea, pero kay Margaux, napakalaki ng naging pagkukulang ko. Gustuhin ko mang makabawi sa kanya, 'di ko naman magawa dahil pinagtutulakan niya lang ako palayo. Siguro, t-tama lang na nasa poder na siya ng pamilya ni Archie. Nakakatiyak naman akong hindi siya pababayaan nina Chessie at Doña Gloria."

"Don't tell me, sumusuko ka na sa anak mo?!" gulat na sabi sa kanya ni Lucille.

"M-Mama....." at tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Diana.

"Diana, yan ang wag na wag mong gagawin!" singhal ni Lucille sa anak. "Kung talagang mahal mo si Margaux, gagawin mo ang lahat para lang makasama mo siya! Kasi ganun ang mga ina! They're willing to do everything for their children!"

MCLAINE ACADEMY SERIES 1: Margaux - The Wicked Heiress (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon