"Sana kapag puwede na, puwede pa"

8 1 0
                                    

Katabi kita habang nakatitig sa mga bitwin,
Sila ang nag silbing saksi sa atin,
Sa bawat gabi na kasama kita,
Nakikinig sa kuwento mo na madalas ay drama,
Ang kaya ko nalang gawin ay makinig saiyo,
Dahil hindi karin naman sumusunod sa aking mga payo,
Masyado kang nag paka tanga sakaniya,
Puwede namang ako nalang diba?

Tumigil ang mundo,
Noong niyakap moko,
Sabay sabing "salamat" dahil lagi akong nasa tabi mo,
Bakit hindi mo nalang kase ako hayaan,
Na ikaw ay aking alagaan,
Sabay sabi sakin na, ang maibibigay kolang ay pagkakaibigan.

Nangangamba ka na baka masayang ang pinagsamahan,
Yoon naman ay aking naiintindihan,
Ngunit sa isang banda,
Nais kolang naman ay makasama ka sa pagtanda,
Maghihintay ako sa panahong itinakda,
Kahit ngayon ako ay "pansamantala",
Sana kapag puwede na, puwede pa.

SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon