Chapter 2-Boyfriend

1 0 0
                                    

ALYANA POV





W E E K E N D



Saturday ngayon kaya walang klase at uwian ng mga student sa kanya-kanya nilang bahay.


Nauna na akong umuwi kay Clarin dahil sa pupuntahan ko pa sa condominium ang boyfriend ko na si Nathan Kieths.

Bago ako pumunta ay bumili na muna ako ng cake at ice cream para saaming dalawa.


Mahilig ako sa cake, sya naman ay sa ice cream.


Di na ako nagpapasundo dahil bihira lang  akong umuwi sa bahay.


Madalas grab or taxi ako papunta sa condo. Pag pauwi depende sakin kung sa bahay o balik ako sa dorm ko.


Magkaiba kami ng school na pinapasukan ni Nathan. Sikat din ito at karibal ng school namin. Ito ang Minstha Academy.


Sya ang President ng Student council dun. Top 1 din sya overall at sya din ang pinaka gwapo sa school nila, sikat at mayaman. Bata palang sya napaka rami na ng achievement nya.


Naalala ko noong unang araw na nagkakilala kaming dalawa.


Nagpunta sya sa school namin noong 1st year high school kami dahil sa basketball game.


Naiwan sya ng team mates nya kaya mag-isa syang naglakad lakad. Hanggang sa mabangga nya ako.


Ako naman busy sa cellphone dahil naghahanap ako ng music na gusto kong pakinggan kaya di ko sya napansin.



Nalaglag ang cellphone ko kaya nabasag ang screen nito.


Humingi naman sya ng paumanhin at nangakong papalitan ang cellphone ko kaya mula noon palagi na kaming nagkikita tuwing weekend lang.


Ilang years na kami ngayon pero lately napapansin ko na di na sya masyadong nagte-text o tumatawag.


Last week masyado akong busy at noong nakaraang week naman sya naman ang busy kaya di na kami masyadong nagkakausap at nagkikita.


Miss na miss ko na sya kaya excited na akong makita sya.


Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa naiisip ko sya hanggang sa makarating ako sa unit nya.


Mahilig ako sa surprise visit. Di ko madalas sinasabi sakanya kung pupunta ako o hindi.



Alam ko rin ang password ng unit nya kaya malaya akong makapag labas pasok. Kilala na rin ako ng mga receptionist and guards. 1st class naman kasi itong condominium nya kaya mahigpit sila pagdating sa security.



Pagdating ko sa unit nya tiningnan ko ang paligid. Walang tao sa sala kaya pinuntahan ko sya sa kusina. Nakita ko syang nagluluto. Suot nya ang binili naming apron na color pink. Natatawa ako tuwing nakikita ko syang ganyan.


Hindi ko mapigilan. Lumapit na ako sakanya at saka sya niyakap. Hindi naman sya nagulat.


"Hon".sabi nya.


"ituloy mo lang yan".sabi ko habang nakayakap pa rin sakanya.


"tamang-tama ang dating mo. Luto na itong adobo na paborito mo".sabi nya sabay kalas ng braso ko sakanya at sabay harap sakin para halikan ng mabilis.


"na miss kita".sabi nya.



"na miss din kita".nakangiti kong sabi sakanya.

Inayos nya ang hapagkainan. Tumulong na rin ako sakanya.


"Ang sarap naman nyang dala mong dessert. Favorite ko".sabi nya ng makita nya ang dala ko.



"Syempre naman Hon kain na tayo at gutom na ako".sabi ko sakanya. Tumango naman sya.


Maghapon kaming walang ginawa kundi ang kumain, manood ng movie sa sala nya at mag kwentuhan.



Ng mag hapon na hinatid nya na ako sa bahay.


Syempre hanggang sa labas lang kami ng exclusive subdivision gate dahil sa hindi ko pa sya napapakilala sa pamilya ko.


Bata palang kasi ako ay may fiance na daw ako. Hindi ko pa sya nakikita pero makikilala ko na sya pag ka 18 years old ko. Minsan ko lang marinig yun dahil sa busy ang mga magulang ko at bihira lang namin mapag-usapan yun.



Nag open ako ng topic na yun sa tatay ko pero mahigpit ang bilin nya sakin na hindi nya tatanggapin ang sinumang lalaki bukod sa fiance ko kaya ayun hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya ang about kay Nathan. Pinagalitan ako ng sobra ng tatay ko nun at isang buwan ako may bantay na body guards. Kaya di na ako mag tangka na sabihin sakanya. 1st year din ako nun.



Dahil sa nasanay na ang mga guards ng subdivision sakin, ang ginagawa nila ay isinasabay nalang nila ako sa motor nila habang nagro-roving.



Malayo kasi ang bahay namin at lahat ng bahay dito ay malalaki ang sakop. Masasabi mo kasing mansion type ang mga bahay dito kaya mga 30- 45mins. na paglalakad ang mangyayari.


Doon naman ako palaging binababa sa playground malapit sa bahay para hindi halata masyado.



Pagkarating ko sa bahay. Nagulat ako dahil nakabukas pa ang gate ng bahay namin. Nasa tapat din ng bahay namin ang limousine. Isa itong palatandaan na nandito ang mga magulang ko. Bihira ko lang sila dito makita.



Sanay na akong wala sila,  mas nagugulat pa nga ako pag dumarating sila.


"Yana nandyan ka na pala".nakangiting bungad sakin ng nanay ko pagkapasok ko ng bahay.


"Hello Mom".sabi ko sabay yakap sakanya at halik sa pisngi. Ganun din ang ginawa ko sa tatay ko.



"Dad".tumango lang ito.


"Maghanda ka anak dito magdi-dinner ang family ng fiance mo at sawakas makikilala mo na rin ang fiance mo".nakangiting sabi nito.



Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Bigla akong kinabahan at di ko alam ang nararamdaman at iisipin ko.

Before You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon