Chapter 3-Fiance

1 0 0
                                    

ALYANA POV




Nasa hapag kainan kaming lahat.


Busy silang lahat sa pagkain habang nagku- kwentuhan ng about sa family business.


Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na si Zaine Whiteford ang fiance ko. Matagal ko na palang kilala ang fiance ko pero wala akong kaalam- alam dun.

Tinitingnan ko sya habang sya naman ay busy sa pagkain nya. Hanggang sa matapos syang kumain ay wala akong ibang ginawa kundi ang pasulyap-sulyap sakanya.


"Yana".tawag sakin ng mama ko.

"yes po?".sagot ko.


"tutal naman tapos na kayong kumain ni Zaine bakit hindi mo sya isama sa hardin natin".sabi nito ng nakangiti.


"Opo".sagot ko at saka sumulyap ulit kay Zaine na ngayon ay nakatingin na rin pala sakin.


"Tara sumunod ka sakin".pagyaya ko sakanya sabay tayo na sa upuan ko.



Nagpaalam kaming dalawa at sabay na nagpunta sa hardin namin sa gilid ng bahay namin. Meron ditong mga lamesa at upuan at sa di kalayuan ay may duyan na pang dalawang tao.


Naupo ako sa duyan. Ganun din ang ginawa nya. Tumingin lang ako sa mga halaman ng mama ko. Mahilig sya sa mga bulaklak at halaman. Napaka sarap ng simoy ng hangin ngayong gabi at tahimik.



"Matagal mo na bang alam?".basag ko sa katahimikan naming dalawa.

Nagkatinginan kaming dalawa.


"Oo".matagal nyang sagot sabay iwas ng tingin.


"Ahh!".sabi ko nalang.


Awkward naman kasi ng feeling. Alam mo yung classmate mo since 1st year ay sya palang magiging future husband mo?


"Bakit di mo man lang sinabi sakin?".tanong ko sakanya.


"Bakit? Interesado ka bang malaman kung sino ang fiance mo?".tanong nito.


Napaisip ako sa sinabi nya. Ano ang ibig nyang sabihin?


"Ano ang ibig mong sabihin?".tanong ko sakanya.



"Alam naman nating dalawa na may boyfriend ka na".sabi nito.


Napakunot lang ako ng noo. Hindi ako sumagot.


Hindi ko alam kung paano nya nalaman na may boyfriend na ako. Pero dahil sya si Zaine lahat ng gusto nya ay makukuha nya. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na alam nya ang tungkol sa bagay na iyon.



Sabihin na nating may point ang sinabi nya. Curious ako dati noong di ko pa nakikilala si Nathan pero mula ng maging kami ni Nathan nawala na sa isip ko ang bagay na ito.


Hindi ko lang alam kung alam din ng mga magulang ko ang tungkol kay Nathan.


Maya-maya pa ay tinawag na sya ng Mama nya. Sumunod naman sya pero bago sya lumayo sakin ay may tanong syang iniwan.


"Wala ka bang balak ipaglaban ang pagmamahalan nyo ng boyfriend mo?".tanong nito sakin.



Ilang araw na ang nakakalipas mula ng malaman ko na fiance ko pala si Zaine.


Wala namang bago bukod sa minsan ay napapatingin ako sakanya.



Hindi naman kami close kaya di kami nag-uusap masyado bukod sa kailangan lang talaga. After school naman busy kami sa kanya- kanyang club activities kaya wala kaming pagkakataon na mag-usap ng kaming dalawa lang.



Nasa canteen kaming dalawa ngayon ni Clarin. Maingay dito at maraming tao. Di nalang namin pinansin ni Clarin hanggang sa pumasok ang grupo nila Zaine. Mas lalong umingay dahil sa sila ang pinag-uusapan.


"Ang gwapo talaga nila".yan ang maririnig mo sa mga nasa paligid. Puro mga papuri at paghanga ang maririnig mo sakanila.


"Alie".napatingin ako kay Clarin.



"Ano yun?".tanong ko sakanya.


"Alam mo may napapansin ako sayo".sabi nito na may pagtataka sa mukha.



"Ano na naman yun?".madalas ginagawa yan ni Clarin. Ang pagmasdan ang mga galaw ko pati na rin ang mga nasa paligid ko.



"Palagi mong tinitingnan si Zaine. Anong meron? Mula ng naka partner mo sya wala ka ng ibang ginawa kundi ang sulyapan sya".sabi nya hanggang sa napangiti.



"kung wala ka lang boyfriend iisipin ko na may gusto ka kay Zaine".sabi nito sabay ngiti ng malawak.



Napailing nalang ako sakanya. Sinubuan ko rin sya ng avocado na nasa tinidor ko.



"Ayan kainin mo ng matahimik ka".sabi ko nalang sabay kain ulit.



Pero alam ko na ang nasa takbo ng utak nya.



Wala syang ibang gagawin sa dorm kundi ang kulitin ako.



Gaya ng ginagawa nya ngayon.



Nasa dorm na kasi kaming dalawa ngayon. Natapos na namin ang mga club activities namin kaya nagpapahinga na kami ngayon.




Tapos na rin kaming mag dinner at mag shower kaya wala na kaming ibang ginawa kundi ang magkulitan.




"So ano nga? Bakit mo tinitingnan palagi si Zaine?".tanong nya.


"sinabi ko na diba. Wala nga".sagot ko sabay iwas ng tingin.


"Alam ko naman na ang pinaka gwapo saatin ay si Zaine at marami ng babae ang napaiyak nun. Wag mo sabihing may gusto ka talaga sakanya? Paano na si boyfie mo?".tanong nito.


Napailing nalang ako sakanya.


"Alam mo matulog na tayo at maaga pa tayo bukas".sabi ko nalang sabay patay ng ilaw kaya wala na syang magawa kundi ang matulog na nga.



Ako naman hanggang ngayon napapaisip ako sa kung ano ang gagawin ko.


Paano ko sasabihin kay Nathan na may fiance ako.


Dapat ko ba syang ipaglaban?



Kilala ko ang mga magulang ko pagdating sa bagay na ito. Hindi papayag ang mga magulang ko na magkaroon ako ng ugnayan sa iba.


Ano naman ang nararamdaman ni Zaine tungkol sa bagay na ito?



Marami pang tanong sa isip ko na di ko alam kung ano ang magandang sagot.




Hanggang sa nakatulog ako.

Before You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon