Chapter 4- Decision

1 0 0
                                    

ALYANA POV




"Ms. Devans".lumingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko ang  Coach ng Basketball team na papalapit sakin.


"Pwede mo bang sabihin kay Saine na sya na muna ang in charge sa team ngayon kailangan ko kasing pumunta sa clinic dahil masama talaga ang pakiramdam ko".sabi nito habang hawak ang tiyan nya.


"Sige po".sagot ko sakanya. Ngumiti naman sya.


"Salamat".nakangiti nyang sabi sabay takbo papalayo sakin.

Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa Basketball court. Malaki at malawak ito.


Madalas ang mga players lang ng Basketball Team ang nandito. Dahil para sakanila ito. Medyo may kalayuan nga lang sa mga building ng school.



Ang katapat nito ay soccer field. Bawat clubs may kanya-kanyang lugar kaya masasabing napakalaki talaga ng Campus na ito. Yun nga lang syempre ang mga kahalo ng mga high school ay ang mga college student kaya may mga schedule sila. Kaya may mga ibang students na maraming club na sinasalihan.


Pumasok na ako sa loob. Mula sa malayo ay matatanaw mo na naglalaro na sila.


Lumapit ako kay Saine na nakatayo lang habang pinagmamasdan ang mga ka team nya.


"Saine".tawag ko sakanya. Lumingon naman sya.


"Pinapasabi ni coach na ikaw nalang daw ang bahala sa team nyo dahil pupunta sya sa clinic".sabi ko sakanya. Tumango naman ito.


"Sige salamat. Naabala ka pa".sabi nito. Napailing naman ako sabay ngiti sakanya.


"Hindi ayos lang naman".sabi ko.


"Anong ayos lang?".napalingon ako sa nagsabi nun at nagulat dahil malapit lang pala si Zaine sakin. Medyo nakayuko ito sakin.


Matangkad kasi silang lahat. Ako naman sakto lang ang height pero sila pang Basketball player talaga ang mga height nila.


"W-wala".sagot ko. Nagkatinginan lang kaming dalawa.




"Zaine maayos na ba yung pinapagawa sayo ni Coach?".tanong ni Saine sakanya kaya sakanya kami napatingin.


"Hindi pa. Kukunin ko lang yung bag ko dito".sabi nito sabay pumunta na sa kung saan man naroon ang bag nya.


Ako naman ay nag paalam na kay Saine. Ang Team Captain ng Basketball Team namin.


Nasa labas na ako ng biglang may humatak sakin sa braso ko. Medyo malakas ito kaya napasubsob ako sa dibdib ng kung sino man taong ito.


Napatingala ako sakanya sabay taas ng kilay.


"Anong kailangan mo?".tanong ko sakanya.


"Gusto ko lang malaman kung may sagot ka na ba sa tanong ko".sabi nito. Pumiglas naman ako dahil masakit na talaga.


"Bitiwan mo ako. Masakit kaya".sabi ko sakanya. Binitiwan naman nya ako.



"Sorry".sabi nito. Tiningnan ko naman sya ng masama.


"Tungkol dun sa tanong mo. Oo. Ipaglalaban ko sya".sagot ko sakanya.


Nagkatitigan naman kaming dalawa hanggang sa mapa smirk sya.



"Talaga? Sige tingnan natin kung hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahal mo sakanya".sabi nito sabay alis sa harapan ko.


Sinundan ko naman sya ng tingin.


Kinagabihan busy sa pag-gawa ng assignment si Clarin kaya lumabas pumunta muna ako sa veranda ng room namin. Tapos ko na kasi yung sakin.

Tinawagan ko si Nathan pero di pa nito sinasagot. Nakatatlong miss call ako bago nito sinagot.


"Hi".bati ko sakanya. "Busy ka?".tanong ko.


"Hello pasensya ka na di ko nasagot ang tawag mo hon dahil sa nandito sa condo ko ang mga kaibigan ko".paliwanag nito.



Hindi naman maingay ang background nya. Kaya napakunot ang noo ko.


"Nasaan ka ngayon?".tanong ko sakanya.



"Nasa kusina ako ngayon naghahanda ng pagkain namin".sabi nito.



"Nath matagal pa ba yan?".narinig kong tanong ng babae sa kabilang linya.



"Patapos na".sagot nito sa nagtanong. "Sige na hon. Tawagan kita mamaya pagmay pagkakataon hah! Sige bye".sabi nito sabay baba ng tawag ko.



Napakunot naman ang noo ko sakanya at medyo nainis.



Minsan na nga lang kami mag-usap ganun pa. Mas pinahalagahan na nya ngayon ang mga kaibigan nya kaysa sa sandaling tawag ko sakanya.



Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang inis ko sakanya.



Sa totoo lang di ko alam kung ano na ang nangyayari saamin ngayon. Di naman kami ganito dati.




Dati may time pa kami sa isa't isa. Kahit busy kami nagagawan namin ng paraan na magkausap kaming dalawa.



Pero ngayon... nagbago na. Madalas dalawang beses sa isang linggo kami mag-usap. Kung hindi ko pa sya pupuntahan sa condo nya di pa kami magkikita.



Alam kong busy kami pareho at wala naman ang dapat na ikabahala sakanya dahil may tiwala ako sakanya pero wala nga ba?



Di ko ba dapat ikabahala ang bihira na naming pag-uusap?



Napatingin ako sa baba at nakita ko si Zaine na may kausap na babae sa di kalayuan.



Napairap nalang ako sakanya.




Kilala ng lahat na si Zaine na number 1 playboy sa campus. Marami na ang napaiyak nito. Ni minsan wala itong na seryoso. Isang linggo lang nali- link sakanya ang mga babae.




Hindi ko alam pero mas lalo akong nainis sa nakikita ko kaya wala na akong choice kundi ang matulog nalang.

Before You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon