Chapter 1-Classmates

1 0 0
                                    

ALYANA POV


Napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, tinatanaw ang magandang tanawin mula rito sa Music Room.

Ako nalang ang natitira dito at wala akong balak na mag practice ngayon.

Ako nga pala si Alyana Devans, 17 years old, Senior High School. Mahilig akong mag piano kaya sumali ako sa Music Club. At ito na ang huling taon ko bilang isang student dito sa Whiteford Academy.

Napabuntong hininga ulit ako at saka ko napag desisyunan na iligpit na ang mga gamit ko. Sinuot ko ang airpods ko at saka lumabas na.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may natanaw ako na isang lalaki at babae sa dulo ng pasilyo malapit sa hagdanan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Wala naman akong balak pansinin ang mga ito at nag tuloy-tuloy lang hanggang sa malapit na ako sakanila.

Napalingon ang dalawa sakin ng mapansin ako. Nabigla ako ng biglang tumakbo ang babae. Mukhang paiyak na ito.

Nagkibit balikat lang ako at nagtuloy lang hanggang sa malagpasan ko ang lalaki.

Nagulat ako at napalingon sa taong nanghatak sa braso. Medyo masakit ang pagkakahawak nya. May sinasabi sya kaya tinanggal ko ang isa kong airpods.

"Bitawan mo ako".sabi ko.

Binitawan naman nya ako.

"Ano ba ang sinasabi mo?".tanong ko sakanya. Napataas na rin ang isa kong kilay.

"Wala".maikling sagot nito saka namulsa at sabay lakad papalayo sakin.

Sinundan ko nalang sya ng tingin.

Kung tinatanong nyo kung sino ang lalaking nanghatak sakin. Sya lang naman si Zaine Whiteford. Classmate ko sya. Badboy image at sikat talaga sya sa school dahil bukod sa anak sya ng may-ari ng school. Sya din ang top 1 overall sa batch namin at member din sya ng basketball team. Notorious playboy sya kaya maraming nagkakandarapa at umiiyak na babae sakanya. Napaka gwapo kasi nito at sa pagkaka-alam ko palagi syang kinukuhang model sa mga sikat na magazine.

Naglakad nalang ako pabalik sa Dorm namin dito sa school.


K I N A B U K A S A N

Pumasok na ako ng room namin. Medyo maingay sila ngayon.

As usual di ko nalang sila pinansin. Tinanggal ko na rin ang airpods ko.

Lumapit sakin si Clarin Xie. President ng classroom namin at president ng student council. Mukha itong Korean at masayahin kaya sya ang kinuhang president dahil friendly ito at mabait naman talaga. Dinaan nya sa charm nya ang pagpapatupad ng mga rules and regulations ng school. Sumusunod naman sakanya ang mga student kahit papaano.

"Alie pwede ba kitang makausap".nakangiting tanong nya sakin.

Alie ang tawag nya sakin mula 1st year high school kaming dalawa bukod sa magkaibigan kami ay mag ka roommate pa kaming dalawa. Dalawa lang kami sa room namin.

"Ano yun?".tanong ko.

"Pwede ka ba naming kunin na model? Wala kasi si Ella kaya ikaw nalang sana? Sige na please? ".sabi nya habang nag puppy eyes pa.

Naalala ko si Ella Osthre. Isang Model at palaging sumasali sa mga pageant. Sya yung kausap kahapon ni Zaine sa hallway.

Napatingin tuloy ako sa pumasok. Ang grupo nila Zaine.

Before You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon