Simula

19 0 0
                                    

Maraming mga masalimuot na mga ala-ala ang nagsibalikan sa aking memorya. Mga ala-ala na hawak ng nakaraan. Mga ala-ala na matagal ko nang iniwan dito sa bahay na aking muling babalikan ngayon. 

Ang lapit nung pinto ngunit nagdadalawang isip parin ako kung ako ba'y papasok o hindi. 

Ngunit sa huli'y binuksan ko ang pinto. Ang pinto papasok sa isang lumang bahay. Ang bahay na dati kong pinaglalaruan. Bahay na minsan ko nang pinagtaguhan ng madaming sikreto. Bahay na naglalaman ng maraming masasaya at mapapait na ala-ala ng aking nakaraan.

Patuloy ang pagtahak ko sa pamilyar na daan. Daan patungo sa isang silid na palagi kong pinupuntahan, silid aklatan. Sinuri ko ang buong kwarto hanggang sa isang mapait na ngiti ang naimprinta sa aking mukha. 

Pinagmasdan ko ang malaking upuan sa gilid ng kwarto. Naalala ko nung bata ako'y dun ako laging nagpupunta, di para magbasa kundi magtago at matulog dun. Wala naman masyadong nagpupunta doon kase nga may kanya-kanyang opisina naman sila sa bawat kwarto.

Ako'y umalis na sa silid at muli nanamang naglakad upang pumunta sa ibang silid. 

Tumayo ako sa tapat ng isang malaking pinto. Pinto papasok sa dating kwarto ng aking mga magulang. Itinulak ko ito at nakita ko ang isang napaka laking litrato nila nung sila ay ikinasal. Di ko maipagtatanggi na tunay ang kanilang sinasabi sa'kin nung ako'y bata pa. Sino ba naman ang di mabibihag sa ganda ng aking ina? Isama mo pa ang napakaganda niyang buhay dahil haciendero ang kanyang ama. 

Nadapo naman ang tingin ko sa litrato ng aking ama at dun ko lang napagtanto na sadyang gwapo nga siya noon. Bagamat di siya galing sa isang mayaman na pamilya noong kanyang hiningi ang kamay ng aking ina, maipagmamalaki naman niya ang kanyang utak. Madami pa siyang naipapanalong mga patimpalak dahil sa angking talino nito. Madami ang nag-aalok ng trabaho sa kanya sapagkat magaling siya sa lahat ng bagay, ngunit sa huli mas pinili parin niya ang maging isang politiko at ginabayan naman siya nang aking ina sa nais nito.

"So you're also here."isang pamilyar na boses ang nakakuha ng aking atensyon. Tinigna ko ang pinagmulan nito at naaninag ko ang mukha ng isang lalake na parang pamilyar kaso di ko maturo ang aking mga daliri kung sino ba talaga siya.

"Sorry? Who are you?" tanong ko habang patuloy ang pagtingin ko sa kanya, mula paa hanggang ulo. Hanggang sa nagkatitigan ang aming mga mata at biglang lumakas ang tibok ng aking puso.

"Nah nevermind. Kilala na kita." bigla kong sambit ng sana'y sasagotin niya ang tanong na kumawala sa aking bibig.

"Akala ko nakalimot ka na." malambot na sabi niya. Gaya parin siya ng dati. Malambot ang kanyang pagsasalita at malambing ang kanyang tinig. Maamo parin ang kanyang mga mata gaya ng dati.

"4 years. I've been away for 4 yeas. It's been long since the day I last saw you. Di na din ako nakatawag nun kase busy-busy naman tayong lahat. Kung kelan ako free, dun naman kayo busy. Kung kelan kayo free, dun naman ako busy." pero di naman talaga ako busy nun eh. Sadyang ayaw ko lang muna makipag-usap sa kung sino man ang nandito kase ayoko. Nasaktan ako ng sobra noon, kaya nga pumayag ako na umalis dito sa Pinas.

"Ba't ka pala dito dumeretso? Bakit hindi sa bahay na tinitirhan nila ngayon. Dun parin naninirahan si Ate mo, ayaw makihiwalay kina mommy at daddy eh." tumawa siya kaunte at kinamot ang kanyang batok na para bang nahihiya dahil sa mga kapatid ko.

"Congratulations pala. After 4 years, finally ikakasal na kayo." masayang bati ko sa kanya. Pero masaya nga ba talaga ako? Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakita ko ang palihim na ngiti at pamumula ng kanyang tenga. Bakit ganto na lang ang nararamdaman ko?

"Thank you." sambit niya at sinuri ang kanyang telepono. "Oh magpakita ka na din kina mommy at daddy mamaya ah. Miss ka na nila. Mauna na ako kase andun na daw ang wedding organizer. Maya ulit" paalam niya at naglakad na paalis sa kwarto. Tanging tingin ko na lang ang sumunod sa kanya. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto na nagpapahiwatig na umalis na talaga siya.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa muling makita ang isang kwarto, ang kwarto ko. Pumasok ako dito at nakitang wala paring nagbago. Gaya parin ito ng dati bago ko iniwan. Tinigna ko ang kabinet ko at bumungad sa akin ang koleksyon ko ng mga damit at alahas. Mahilig akong manamit nung labing-limang taong gulang palang ako. May kanya kanyang gamit ako sa kada okasyon at may kanya-kanyang terno ng alahas naman para sa kanya-kanyang damit na aking isu-suot. Kinuha ko ang isang maliit na kahon na paglalagyan ng alahas. Binuksan ko ito at nakita ang isang kwentas na matagal ko nang pagmamay-ari pero di ko maalala kung kelan ko ito nakuha. Sabi ng aking lola ay binigay daw ito ng isang kaibigan ko nung anim na taong gulang pa lang ako. Simple lang yung kwentas pero parang may kulang sa kwentas. Pilit kong ina-alala ang tungkol dito pero wala talaga akong maalala. Ito'y parang snowflake at may mga diamante na nakalagay na siyang mas lalong nagbigay ganda sa kwentas. Ibinalik ko na ito sa dating lalagyan at naglakad papuntas sa aking dating lamesa.

Nasa taas parin ng aking lamesa ang lumang typewriter na dati'y binigay sa akin ng aking pinakamamahal na lola. Nagandahan kase ako noon kaya ibinigay niya ito sa akin. Nakita ko ang mga lalagyan ko ng mga libro malapit sa mesa. Inabot ko ang isang folder na naglalaman ng mga dati kong sinusulat noon gamit ang typewriter ko. Luma na din ito pero di parin naman nata-tanggal ang mga nakasulat.

Pumunta ako sa aking kama at humiga habang patuloy na tinitignan ang folder. Binuksan ko ito at nakita ang sinulat ko noon. "Unspoken" pagbabasa ko sa pamagat na nilagay ko. Naglalaman ito ng mga tula na dati'y nagpapakita ng nangyayari sa aking araw at ito'y purong tumutokoy sa isang lalake. Lalake na gustong-gusto ko pero kapatid lang ang turing niya sakin. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa aking mga isinulat at isang ngiti ang kumawala sa aking labi at sinabayan ng pagpatak ng aking luha dahil sa muling pagka-alala sa aking nakaraan.

❐❐❐

AUTHOR:  The following Chapters will contain flashbacks showing what happened before she study abroad. Hope you'll read this story till the end of her journey. 

Happy reading!

This is the picture of the necklace. Credits kay Pinterest.

 Credits kay Pinterest

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
His Confession Drove Her AwayWhere stories live. Discover now