Kabanata 1

10 0 0
                                    

❛ It was like reading a book for the first time and knowing it will be my favorite.❜

"Chesca, how can you not answer a simple math problem?" Bulyaw niya sa akin. Ilang oras na akong naka upo sa harapan niya, nahihirapan sa mga math problems na pinapasolba niya. Nagpaturo kase ako sa kanya dahil di ko ito naintindihan noong tinuro samin nung aming guro.

"Kasalanan ko pa ba na di ako magaling sa math? Madali lang naman yan sayo kase magaling ka sa Math eh." pabulong na sabi ko pero parang narinig niya ito dahil padabog na binaba niya ang libro na binabasa niya kanina pa.

"Yan, dyan ka magaling. Kung mas pinili mo na lang kase sana ang mag-aral kesa sa pagsasama mo kina Lolo dun sa hacienda, edi sana naintindihan mo na yan." panenermon niya sakin.

"Mag-aral man ako ng mabuti o hindi, ganun parin. Di parin ako magaling sa asignaturang matematika, malamang ayoko nga dun eh. Masyadong madaming problema, napaka komplikado pa." batok lamang ang nakuha ko sa kanya.

Ang babae na nanenermon sa akin ngayon na parang nanay ko ay ang aking kapatid, Celestia Rhea Santiago. Sanay na ako sa ugali niyang ganya. Iilan lang naman kaming nakaka-intindi sa kanya eh, iilan means kaming pamilya lamang at iilang mga kasambahay namin. Ganto man siya palagi sakin ngunit mapagmahal parin naman siya. Masakit lang siya magbato ng salita at mahilig magdabog, parang palaging may dalaw. Palagi niya akong pinoprotektahan pag pinapagalitan ako nina mommy at daddy. Siya ang paborito ng aking mga magulang, halos perpekto na kase siyang anak. Maganda siya kahit san sulok ka tumingin, ugali niya lang ang hindi. Napakatalino niya, kahit ano pang asignatura yan. Di naman kami mahirap pero di din ganun ka yaman, katamtaman lang. Maganda naman ang lahi namin, san ka pa?

"Di naman masakit eh noh." sabi ko sabay kamot sa parte na binatukan niya.

"Pag narinig ka nila mommy, naku... Patay ka sa kanila." sabi niya at yung mga kamay niya ay handa nang tirisin ang aking mga tenga.

"Wala naman si---" di ko na naituloy ang aking sinasabihin dahil may kumatok sa may pinto. Naglakad na ako papunta dun at binuksan ito. Bumungad sa akin ang aming mga magulang at isang lalake na parang ka edad lang ni ate.

"Hello kids, na istorbo ba namin kayo?" ngumiwi nalang kami ni ate sa tanong ni mommy.

 "Okay, good. This is Adrew, dito muna siya maninirahan sa bahay natin. Why? well better let that be a secret." sabi ni mommy sa amin. Tinignan ko lang siya sa mata at nabasa ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng tingin na ibinigay niya, 'Wag kang magtanong. Better behave'. Kaya nanahimik na lang ako.

"Take care of him for us. I still have to finish my work. Pumunta lang kami dito para ipakilala si Nicus. Bye kids." Paalam ni Daddy. Pero bago sila umalis tumingin muna sila sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila kahit na totoo lang nasasakal na ako sa paraang pagtingin nila sakin.

"Andronicus Flynn Felizardo, Andrew for short." nakangiti niyang sabi sa amin.

"Rhea." maikling sabi ni ate. 

Nasabi ko na ba na 'di siya mahilig sa mga lalake? Well if not, now you know. Di ko alam pero bigla na lang siyang nawalan ng interest sa mga lalake. I mean yung lalake na nasa totoong buhay. Sabay naman kaming tumitili sa mga Fictional Characters na nakikita namin sa anime, pero pag tunay na lalake na ay parang wala lang sakanya. Baka na umay na siya oh di kaya palihim na sinaktan na ng isang lalake.

His Confession Drove Her AwayWhere stories live. Discover now