Kabanata 2

6 0 0
                                    

❛ And all the leeches disguised as humans will show their real form when they want something from you.❜

Naglalakad na ako papunta sa aking silid ng bigla akong inakbay ng mga tropa-tropa ko. Kadamihan sa mga tropa ko ay lalaki, wala akong masyadong kaibigan na babae sa klase namin dahil masyado silang ma-issue, maarte at mahilig makipag-away.

Maaga pa naman kaya di pa masyado madami ang nasa loob ng campus namin. Di ko pala kasabay sa pagpasok si Ate dahil mas pinili ko na makihiwalay na lang ako ng hatid at sundo papunta sa skwela. Nahihiya lang naman akong pumasok kasama siya. Magkapatid kami na parang hindi dahil sa pagkakaiba naman sa isa't-isa. Kilala siya bilang matino na estudyante samantalang ako'y kilala bilang pasaway na estudyante.

Unti-unti nang dumami ang nagsipasokang estudyante at nagsimula na kami sa amin klase. Gaya ng dati, nakatulog nanaman ako sa ilang mga klase namin, maliban sa math kase yun lang naman ang di ko nai-intindihan. First period namin ay math kaya umagang-umaga pa lang, sumasakit na ang ulo ko na parang last period na. Kahit gaano pa ako kaseryoso sa pakikinig at kahit gaano kagising ang aking utak, 'di ko parin makuha kung paano nila sinasagot yung mga math problems. Akala ko ba numero lang ang nasa math, ba't may nadamay na mga letra? Ang dali lang ng math nung elementary kami eh, puro numbero tapos nung nag high school na kami bigla na lang nakisali yung mga letra. Pakihanap daw si 'x' .

Science ang last period namin. Medyo matanda na ang guro namin sa science. Nagiging history class minsan ang aming klase kase nagkwekwento siya tungkol sa mga nangyari sa kanyang buhay, buti sana kung konektado yun sa tinatalakay namin pero hindi naman.

Biglang napansin ko ang mahinang pagtunog ng tyan ko dahil sa gutom. Tumingin ako sa labas at napansin na nagsisilabasan na ang ilang mga estudyante. Tinaas ko ang kamay ko at sa di-inaasahan ay nagtanong ako, "Ma'am, what is an instantaneous speed?"

"It is the speed of an object at a particular moment in time. Fourth Gradi-" sagot naman nung guro namin pero pinutol ko lang ang sinasabi niya.

"Ma'am so it's like this? Recording the speed of the other section running because it's already ummm..." sumolyap ako sa relo ko bago itinuloy ang sinasabi ko "11:55, exactly 10 minutes after they walk past the door of their classroom. Is it like that?" nakangisi kong sabi sa aming guro. Nilabas niya ang kanyang cellphone at kinita ang oras.

"Ay over time na pala ako, sorry students. Miss Santiago, I appreciate your way of saying "Ma'am time na." Maybe I should tell this to your adviser, right?" naka ngiti siya pero ramdam mo ang galit sa loob niya.

"Maybe, maybe not." sabi ko habang hinihintay na sabihin niya na...

"Class dismissed. You may have your lunch." sabi ni ma'am at nagsitayo na silang lahat pero naka upo parin ako. Hinihintay ko na maka-alis na silang lahat kase alam ko na magsisiksikan at magsisitulakan nanaman sila sa may pinto.

Tinignan ko sa may pinto at nakita ang ilang mga babae na kaklase ko na may pinapalibutan. May tumitili may tila mahihimatay din. Tumayo na ako sa upuan ko. Nilagpasan ko na lang sila pero mas lumakas hiyawan nila ng naramdaman ko na may kamay na humablot sa braso ko. Tinignan ko ang may ari ng kamay at...

"Kuya Nics? Why are you here?" tanong ko pero hinila niya lang ako. Hinayaan ko na lang na hilain niya ako kase wala na din akong lakas kase gutom na din ako. Alam ko naman na matinong tao to kaya, why not? Pwedeng buhati narin niya ako para di na ako maglakad.

His Confession Drove Her AwayWhere stories live. Discover now