Kabanata 3

5 0 0
                                    

❛ One single happy memory can corrode hundreds and thousands of horrible ones.❜




Masaya akong nagkasakay sa aming sasakyan ngayon. Papunta kami sa Hacienda Ezmeralda. Napayagan kase akong umalis sa bahay kasama si Kuya Nics.



❐❐❐


An hour ago


"Ate sige na ah. Bisitahin lang naman natin sina MommyLa at DaddyLo eh. Saglit lang tayo dun, promise." kanina ko pa kinukulit Si Ate Rhea na sumama sakin sa pagbisita sa hacienda pero kanina pa niya ako di pinapansin.


"Gaano katagal yang saglit mo? Isang araw?" sa wakas at nagsalita na din siya. Tumingin siya sakin pero binalik din agad ang kanyang tingin sa kanyang libro.


"Lah ang tagal naman masyado." naka ngusong sabi ko sakanya.


"Kilala kita Chesca, kapatid kita, at alam ko na matagal yang saglit na sinasabi mo. Nung huling pumunta nga tayo sa hacienda hirap mo kayang iuwi nun. Kulang na lang umakyat ka sa puno ng niyog para di ka namin mahila pauwi eh." yung mga salita na binitawan niya ay parang libro na isa-isang naipalo sa batok ko. Tama naman siya, ayoko nun umuwi kase mas masaya ako kina DaddyLo at MommyLa eh. Kung pwede lang sanang dun na lang ako manirahan.


"Sige na ah. Di ako papayagan nila Mommy pag mag-isa lang ako. Please ate. Promise I will not pull pranks on you na, samahan mo lang ako sa hacienda." pagmamakaawa ko sa kanya kaso di niya na ako pinansin.


"Ako na lang sasama sayo, Chesca." tumingin ako sa likuran ko at nakita si Kuya Nics na nakangiti habang may hawak na isang baso ng juice.


"Talaga?" para akong plaka na biglang nabuhayan dahil sa ulan.


"I'll tell them na gusto kong pumunta dun sa hacienda kasama ka." sabi pa niya.


"Hulog ka talaga ng langit kuya. Di gaya ng iba dyan na galing impyerno." sabi ko habang pabirong sumulyap kay ate pero parang wala lang sa kanya yung sinabi ko.


End of Flashback



❐❐❐


"Dito na lang po kami bababa. Tatawag na lang po kami pag magpapasundo na kami. Maraming salamat po." galak na utos ko kay manong driver.


Lumabas na kami sa sasakyan at tumayo sa harap ng napakalaking bahay na may napaka-eleganteng bakod na gawa sa bricks at napaka gandang gate na gawa sa bakal.


"Bago tayo pumunta sa hacienda, punta muna tayo kina MommyLa at DaddyLo, kung ok lang yun sayo." tumingin ako sa kanya at ngumiti lang siya sa aking bilang pagsang-ayon.


Pumasok na kami sa loob at isang malawak na hardin ang una bumati sa amin. Kaya di ko pinapasok yung sasakyan ay para maglakad kami papunta sa mansion nila MommyLa. Mas ma-apreciar namin ng husto ang ganda ng mga halaman. May ilang mga katulong na bumati sa amin at binati din namin sila pabalik. Tutulong pa sana si Kuya Nics kanina pero pinigilan na siya ng mga katulong at sinabing magpatuloy na lang kami sa paglalakad papunta sa mansion dahil hinihintay na daw kami nila MommyLa kaya naman nagpatuloy na lang kami.

His Confession Drove Her AwayWhere stories live. Discover now