Kabanata 4

4 0 0
                                    

❛ Your smiles softens me, your words makes my heart warm, your presence gives me peace, am I unconsciously starting to feel that strange thing called love?❜





Ilang buwan na ang nakalipas at sa susunod na linggo na ang recognition day namin. Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ng aking mga magulang para matanong sana kung may pupuntahan sila sa susunod na linggo. Gusto ko kase sana na sila naman ang kasama ko sa pag-akyat sa entablado ngayon.



Kumatok ako ng tatlong beses sa kanilang pinto bago pumasok. Binuksan ko ito at nakita ang mga magulang na masayang nag-uusap.


"Mommy, Daddy, may pupuntahan po ba kayo next week?" mahiya-hiyang ika ko sa kanila. 


"Bakit?" tanong nila pabalik habang unti-unting nawala ang ngiti sa kanilang labi


"Ano po kase... Rec-"di pa man tapos ang sinasabi ko ngunit pinutol na ni Daddy ang aking sinasabi.


"May pupuntahan kami ng Daddy mo next week. Inbitahan mo na lang ang MommyLa mo para siya na lang ang kasama mong kumuha nung award mo." sabi niya at biglang bumigat ang aking damdamin pero pinilit ko parin na ngumiti sa kanilang harapan


"Sige po. Paumanhin po sa istorbo." sabi ko at naglakad na pabalik sa aking kwarto.


Kukunin ko na lang yung certificate at medal ko next week, kahit di na lang ako umakyak sa entablado. Kahiya naman pag palagi kong ini-istorbo sina MommyLa at DaddyLo. Baka madami din silang ginagawa sa hacienda.


❐❐❐


Ang saya-saya ng mga kaklase ko habang umaakyat sa entablado at kinukuha ang kanilang mga nakuhang sertipiko at medalya kasama ang kanilang mga magulang. Picture sila dito, picture sila dun. Ang sasaya nilah abang kasama ang kanilang mga magulang, sana ganun din ako.


"Francesca Eleanor R. Santiago, with honors" sambit nung emcee sa pangalan ko pero walang ako o magulang ko man lang na nagpakita. Kapansin-pansin na wala ako kase lilima lang naman ang pinapa-akyat nila sa stage, pero nagpatuloy na lang sila na parang wala lang yun. Alangan naman na hintayin nila na magpakita ako bago magpatuloy.


Bakit nga ba ulit andito ako kung di ko din naman plano umakyat dun? Ah manonood lang pala ako para medyo alam ko kung pano magmahal ang mga magulang baka sakaling maramdaman ko din ito subalit bigat sa aking dibdib lang ang nararamdaman. I envy those students who are not awarded as honor students but still complimented by their parents, like... can you please adopt me? Can you please let me feel that?


Natapos na ang recognition at nakita ako ang aming guro. Tinanong niya kung bakit daw di ako napunta sa entablado kanina at sinabi ko na lang na na late ako at tapos na nilang taaging ang pangalan ko kaninang dumating ako. Kinuha ko na ang aking sertipiko at medalya sa kanya. Aalis na sana ako kaso nakita ako ni Ebby, nag-iisang kaibigan kong babae.

His Confession Drove Her AwayWhere stories live. Discover now