B E L I E V E
(My reply to Entry #2 since comment box only allows 2000 words, this one's for you: brokensoul)
You know what dear? I can see myself in you. Ganyang ganyan ako.
I have the perfect happy family, anyone could ask for. Hindi kami kahirapan, hindi rin naman mayaman. Neutral. Sapat lang. Masayahin, exactly just like you. The thing is, naramdaman ko ang nararamdaman mo at naexperience ko ang naeexperience mo nung pumasok ako sa college life ko. Wag mong masyadong isipin. You're 13. You should be enjoying your high school life because know what? I regret not being able to enjoy it that much. Hanggang ngayon na college na ako, winiwish ko pa rin na sana Highschool na lang ako forever. Na sana kaya kong balikan. Kasi kahit petiks lang noong high school, kahit hindi ka masyadong magseryoso, papasa ka, unlike pag college na wala ka na halos na tulog, seryosong seryoso ka na, bagsak ka pa rin. And it’s just the start. Grade 7? During my first year of high school ganyan ako, hirap na hirap. Loner. Iisa ang kaibigan pero you’ll get used to it. Kasi naexperience ko lang ang tunay na kasayahan na dala ng highschool pagdating ng mid-school year ng pagka grade 8 ko at mas lalong naenjoy ko ang pagka highschool ko noong 3rd year high school na ako (grade 9). Ako yung tipo ng tao na "tahimik" lang. Hindi ako nabubully but not too friendly either, yung tipong hindi masyadong nakakausap at napapansin. I was always invisible. Hindi nilalapitan. Hindi kinakausap, pag may kailangan lang sila. But it doesn't matter to me as long as I am respected. I have friends, but most of the time, a friend. Kakaunti, pero tunay. And you don't need to be the best all the time, you just have to do your best and be yourself. Hindi ibig sabihin na hindi mo na-achieve eh hindi mo na ginawa yung best mo. Maybe it's just not meant to be yours. And because of those failures we encounter, kaya tayo nagririse at natututo. It's part of life, ang malaglag paminsan minsan para matuto tayong tulungan ang sarili nating bumangon. It's so sad to think na 13 ka pa lang pero ganyang bigat na agad yung nararamdaman mo. Ganyan kabigat na agad yung pinagdadaanan mo. Let’s speak reality, if we compare it to college life? MAS MABIGAT. MAS MAHIRAP. MAS NAKAKAPRESSURE. MAS NAKAKASTRESS. MAS NAKAKADEPRESS. Lahat na siguro ng MAS. Hindi kita tinatakot, but it’s the truth and it is part of life. Walang madali and matagal pa naman yoon kaya mas mapeprepare mo pa ang sarili mo. Kaya all I can say is, ienjoy mo lang, YOLO, sabi nga nila. You Only Live Once. Pero it doesn't mean na pababayaan mo na yung priorities mo. Syempre you should still know your limitations. Enjoy and learn at the same time. Hindi sinabing bawal magsaya at mag-enjoy because of school stuff. Don’t pressure yourself too much.
Because for me? High school has always been the best. And your friends? I don't know really, kasi hindi ko naman sila kilala pero I once had a friend who wants to kill herself just like me.
I always pray that 'mamatay na lang sana ako'. Pero naiisip ko rin na paano na ang pamilya ko? Mga kaibigan ko? Diba, maraming nagmamahal sa atin at maraming maaaring magbago pag nawala tayo.
Lagi kong sinasabi sa kanya na "it was never the answer", (kahit minsan sinasabi ko rin yan, na sana mamatay na lang ako). Halos ganong payo lang din ang naiibigay ko sa kanya, kagaya ng payo na ibinigay nila sa'yo kasi mahirap din, syempre. Hindi nila alam yung nararamdaman at pinagdadaanan mo kaya hindi rin nila alam kung ano ba talaga yung tamang ipapayo sa iyo.
Hayaan mo yung mga taong nagsasabing mahina ka. Let them see the opposite. Patunayan mong mali sila sa sinasabi nila. SUCCESS is the best revenge. Gawin mong challenge ang pang-iinsulto nila. Pero hindi mo naman talaga kailangang magpakitang gilas sa kanila. Dun ka na lang sa mga kaibigan mong tanggap ka at kayang palakasin ang loob mo. Dun sa mga taong mapagkakatiwalaan mo, dun sa kung kanino magaan ang loob mo.
Ganyan din ako late last year, sobrang iyak. I don't want my parents to be disappointed kaya mga kaibigan ko ang nilapitan ko. And thankful ako kasi pinalakas nila yung loob ko kaya nabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Hindi sila nagbigay ng sagot na makakapagpatanggal sa kahinaang nararamdaman ko o sa problema ko pero nakinig sila sa akin at anjan sila para sa akin, with just the mere thought, gumaan at nabawasan yung sakit at hirap na nararamdaman ko.
Ibaling mo ang atensyon mo sa mga interest na magpapalimot sayo sa mga problema mo. Hindi madali, oo, pero sarili mo lang din ang pinakang makakatulong sa’yo.
And gaya nga ng sabi nila, walang BUHAY na perfect. Kasi ako, sa buhay ko ngayon, ang nagpapaiyak na lang talaga sa akin ay SCHOOL PROBLEMS. Sa pamilya ko, masaya ako. Ganun rin sa mga kaibigan ko. Halos perfect na, kung hindi lang dahil sa bigat na binibigay ng pag-aaral. School lang talaga, pero kayang kaya natin yan! Pag tumungtong ka ng college, 75% is gold already. Pero syempre diba? Strive harder. Pero kung sa akin kasi, basta pasado ako, masaya na ako. Kasi alam ko namang sobrang hirap ng pinagdadaanan ko at ginagawa ko naman talaga yung best ko so tinatanggap ko na lang kung ano yung naging bunga ng pinaghirapan ko.
Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa. Kahit ako ganyan rin, kahit mga kaibigan ko ganyan rin. Just ignore them and be with those persons who appreciate you. We're both blessed that we have happy family and school lang ang problem natin. Yung sobrang pabaya lang ang hindi nakakatapos ng high school. Hindi porke mahina ka eh laglag ka na. Ang iniisip ko na lang parati ay: "yung kaibigan ko nga eh, sobrang hirap ng buhay. Ang daming problema sa pamilya, halos nagbabagsakan din ang grades sa school, kalimitang nabubully rin. Walang kaibigan noong highschool at bilang na bilang ang kaibigan ngayon. Pero she keeps going with the flow kaya nga siya, kung kaya niyang masurvive ang bawat araw na mas mabigat ang problemang dinadala, ako pa kaya na school problems lang? Syempre kaya ko rin!" Yan ang itinatatak ko sa isip ko. Na maswerte pa ako kumpara sa ibang kaibigan ko. Kumpara sa ibang tao.
Most importantly, PRAYER. I almost failed sa isang subject last sem. Let me tell you my story, I'm taking this specific course right now. Hindi ko siya gusto. And sobrang nahihirapan ako mainly because, hindi siya in line sa interest ko. And we're only given 3 tries in this particular activity, ALL of my classmates, pasado na. In 1 try, in 2 tries na accomplish nila yung activity. Ako 1 last try na lang, bagsak sa 1st and 2nd try, ilang araw din akong umiyak because of it. Nahihiya ako para sa sarili ko kasi isa ako sa sinasabi nilang "matalino" sa klase kasi kalimitan, isa ako sa highest. Kakaunti ang mga napasa pero kasali ako dun. Minsan highest sa exam etc., then doon sa isang activity na yun umabot ako sa point na "now or never" / "one big shot" / "one last chance" kasi after that 3rd try at hindi ko pa nagawa, bagsak na ako sa subject ko kahit pasado naman ako sa quizzes and exams. Kung ano-anong naiisip ko. Then I confronted my friends at pinalakas nila ang loob ko. I PRAYED. I ALWAYS PRAY, and know what? During my 3rd and last try? Nagawa ko na. Bagsak pa rin sa specific activity na yun pero at least, hindi agad bagsak sa subject, sa activity lang. And tomorrow we will have this another activity/task. Actually second try na ulit ako kasi I failed again the first try, ang sa akin na lang ay, try and try until I succeed because no matter what, God won't leave me and that's for sure. Old phrase, pero malaman at meaninful. GOD is indeed good. Talk to Him. Hindi lang gagaan ang loob mo, tutulungan ka pa Niya sa kailangan mo. Smile dear. Hindi ka nag-iisa. Sana maramdaman mo yung gusto kong iparamdam sa'yo sa mensahe kong ito. Life's good and pretty. Let's always reside on the positive side. It's 2015, let's learn to let go of the negativities, and we'll soon achieve what we deserve. I hope next time pag na-achieve mo na ang gusto mong i-achieve or if you get the happiness you deserve, you’ll share again. :)
Teen
happypill
Jan. 07, 2015
6:00 PM