Entry #5

125 2 0
                                    

A little too not over you.. 

Lagi niyang pinaparamdam sa akin na gusto niya ako. Hindi ko siya gusto. Nung una. Hanggang sa dumating sa point na nahulog na rin ako sa kanya. Let's start with, naging groupmates kami. Madaming nangyari. Nagkaroon ng project at pinapili siya kung sino ang gusto niyang partner. Pinili niya ako. Lagi kaming magkapartner kasi pag hindi siya ang may gusto, gusto naman nila. Gusto rin ng classmates namin, siguro lagi nilang napapansin yung pang-aasar niya sa akin. Lagi niya akong tinititigan and that made me hate him to death. He keeps on calling me endearments like love, mahal, babe. And that made me hate him even more. I hated him. But,  I fell for him. No matter how much I told myself that it's just nothing, that it's hate I'm feeling, hindi na talaga maiwasan. I'm happy kapag nakikita ko siya. I'm happy kapag kinukulit niya ako. I'm happy kapag kinakausap niya ako. I'm happy kapag magkasama kami. With just his mere presence, masaya ako. Is it hate, still? Parang hindi na. Ayoko. Pinipilit kong wag tuluyang magkagusto sa kanya kasi malandi siya, sobrang malandi siya.. pero anong magagawa ko? As much as I wanted to deny myself what I'm feeling, wala eh. Sarili ko lang rin ang niloloko ko. I'm an invisible girl, very invisible. Pero siya lang yung nakakita sa akin nung mga panahong shadow lang ako para sa ibang tao. I loved high school life because of him. He made me feel special. I am respected sa school. Ako yung tipong estudyante na tahimik at puro aral kaya hindi nila ako masyadong nalalapitan. Pero siya, ang lakas ng loob niyang lapitan ako basta basta, tititigan, lolokohin, patatawanin. That made me feel special. Kasi hindi siya natakot na lapitan ako, hindi niya naisip kung anong magiging reaction ko. Kung magagalit ba ako sa kanya or what. Tumatak siya sa akin ng sobra kasi siya lang talaga yung naglakas loob na kilalanin ako. 

Gusto ko siya, oo. Nagustuhan ko siya. At ramdam ko ring nagustuhan niya ako. Hindi niya directly sinasabi, walang kahit ano. Bigla na lang siyang iimik minsan ng "miss na miss na kita eh" kasi halos 1 week siyang nawala. Nalaman ko na lang sa kaibigan ko one time na crush niya ako. Katext niya daw at tinanong kung sino ang crush niya, ako ang sinabi niya. Madaming may gusto sa kanya kaya swerte ako kasi ako rin yung gusto niya. I remember one time seeing his ID, with my name beside his, inside the ID holder. I don't know why. Nagulat ako at pati mga kaklase kong nakita ang ID niya ay niloloko na rin kami. Kumalat na yung something sa aming dalawa. Parang ginawa na kaming loveteam ng klase. Ramdam ko rin namang nagkagusto siya sa akin kahit papano, kahit hindi niya directly sinabi, kahit saglit lang ramdam ko yung concern niya sa akin na hindi niya ginagawa at pinapakita sa iba. At one point, oo nagkagusto siya sa akin. Hindi nga lang kasing tagal ng inaakala kong itatagal nung nararamdaman niya. Ako itong tanga na naniwala, nagkaroon ng something pero walang nangyari, hanggang dun lang, puro pakiramdaman. Unsaid feelings. It was all left unsaid. I remember one time sa gitna ng hallway sa paligid ng batchmates namin sinigaw niya yung pangalan ko, saying na bakit hindi ko siya pinapansin, asar yung mukha niya pero hindi galit. Napatingin sila. Syempre sino ba namang tanga ang bigla na lang sisigaw well in fact pede naman niyang sabihin sa akin directly at lapitan ako. Gumawa pa siya ng eksena. What the fuck, pinapansin ko siya. Tuwing dumadaan ako sa hallway at nakakasalubong ko siya at nag hehello siya sa akin sumasagot ako ng hello din. Anong pagpansin pa ba ang gusto niya? Yung malanding type na kagaya ng ginagawa niya? Aba tangina hindi ako ganun kaya nga lumalayo ako sa kanya kasi ayaw ko na. Ayaw ko na yung panlalandi niya sa akin knowing na kahit kanino, kaya niyang gawin yun. Somewhat nabago yung personality ko nung nakilala ko siya pero hindi pa rin yun dadating sa point na makikipaglaro din ako sa kanya. Waste of time, ayaw ko ng ganon. Sabi nila hindi lang dapat puro salita, dapat ipakita rin. Eh paano naman dito? Puro pakita, wala namang sinasabi, wala namang salita. Nakakaconfuse, syempre. Kaya dapat balanse rin, yung sasabihin sayo ng isang tao at ipapakita niya rin sayo kung gaano ka kahalaga. 

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, one time bigla na lang siyang pumasok sa classroom namin. Hindi ko na siya kaklase this time.. Bago siya pumasok sa room nakita ko na siya sa pinto, nagkatinginan pa kami saglit. Blank. Poker face. Empty. Walang mabasa sa expression ng mukha niya. Pumasok siya sa classroom at pumunta sa kabilang dulo na katapat na katapat ko at lumuhod sa harap ng kaibigan ko. What the fuck? She used to be my best friend. We're still friends though but not close friends either, tamang kabatian kapag nakakasama at nakakasalubong, formal friends, kumbaga. Pero hindi na kagaya nung elementary since marami ng nagbago at nangyari. Hindi ako galit sa kanya, we're in good terms, iba lang talaga nung elementary at high school. Alam kong crush din niya yung lalaking crush ko, kasi tuwing naglulunch kami at niloloko nila ako sa kanya, nagagalit siya. Nagseselos siya. At inamin rin naman niya. So there you go. Kayo na lang, at least sa kanya sincere ka. At least sa kanya nasabi mo yung nararamdaman mo. Sa harap ng buong klase ka pa talaga lumuhod at katapat na katapat ko pa. Good timing ka ring mag confess ng feelings ano? Harap harapan talaga. Lumuhod siya sa tapat niya at sinabing "I love you" sinabi mo pang hindi ka tatayo hangga't hindi siya nasagot. Alam mo yung feeling na alam ng mga kaklase mo yung naging something sa inyo the past year tapos magugulat na lang sila ibang tao pala ang mahal? Nahihiya ako para sa sarili ko, tama rin ang naging desisyon kong wag umamin sayo kasi alam kong dadating din sa point na ganyan. Na ang lahat ng yun ay puro landi lang. Pinaglaruan mo ako pero hayaan na, at least katotohanan na rin mismo ang nagsabi sa aking tama na. 

Teen

StuckInLove

Jan. 23, 2015

1:30PM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinoy WATTPAD DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon