Entry #4

166 2 0
                                    

Regrets~

Second year high school...

June 2011
Field trip natin buong highschool. Nakasama kita sa bus. Andun kayo sa pinakadulo kasama tropa mo. Ako naman medyo pangatlo bago sa dulo.  Di pa tayo magkakilala nun. Pero kilala mo kaklase ko. Tropa mo pa nga ee. Kumanta ka pa sa bus nun. Sayang di ko masyado napakinggan. Di bale, nung pauwi na, nabanggit ako ng kaklase ko sayo. Sabi niya, "Kapatid yan ni ......" Kilala kuya ko dahil din sa basketball. Sabi mo, "Oh? Talaga?" Tapos nagpakilala ka at nakipagfriends. Binigay mo pa sakin number mo.

Di nagtagal, naging close din tayo.

July 2011
Sinimulan mo akong ligawan. Maraming natuwa. Masaya ang karamihan. Sabi pa nila bagay daw tayo. Masaya rin ako nang mga panahon na yun. Sobra. Naging maayos naman tayong dalawa. Smooth lang ang lahat.

Hanggang sa...

September 2011
Isang araw, may nakipagkaibigan sakin na first year. (Pangalanan nating A). Kaibigan ka daw niya. So go ako. Edi friends. Marami siya sinasabi sakin. Pero ito isa sa di ko makalimutan, You two came from the same school DAW noong elementary, SABI NIYA. Di ko alam kung totoo kasi wala akong nakitang kahit isang picture niya na nakasuot ng uniform niyo noong elementary. Ibang uniform nakikita ko. So a part of me, hindi na naniniwala. Nagdoubt na ko. Sabi ko sa sarili ko, ano kayang gusto nito. Pero binalewala ko lang. Nagkakatext kami. At isang araw bigla niya tinext sa'kin na nililigawan mo daw siya. Di ko alam ano mararamdaman ko. Masasaktan ba ako o ano. Dahil unti-unti na rin akong nahuhulog sayo. Sinabi ko ito sa mga kaibigan ko, at nagkaroon ng away (not physically but verbally). Hindi ako ang lumalaban para sa sarili ko kasi ayoko makipag-away. Mga kaibigan ko ang sumasagot. Sinabi ko ito sayo at  ang sabi mo wag na ako makipagkaibigan sa kaniya. Sinunod kita. Naging okay naman. Kasi alam kong di totoo yung sa kaniya. Marami na din nagsasabi na kaklase niya na ganun nga siya. Mahilig gumawa ng kwento. Edi binalewala ko na.

That same month, sinagot kita. Naging tayo. At masaya ako nun. Masaya tayo. Maraming masaya para sa atin. Bagay daw talaga tayo. Ang ganda ng relasyon natin. Yung tipong hinihiling kong di na matapos. Ang saya natin. Wala tayong malalang tampuhan o away. Lahat nagiging okay agad. Kasi mahal natin isa't isa. Magkasama sa uwian at minsan pag break. Pinagdadala mo pa ko ng gamit. At kung anu-ano pang sweet things. Masaya ako nun.

November 2011
Marami na kong naririnig na kung anu-ano. May sinasamahan ka daw lagi. Ka-batch natin. (Pangalanan nating B). Close siya sa girlfriend ng kapatid mo kasi magkaklase sila. Pero close din naman kami ng girlfriend ng kapatid mo. Hanggang sa sobra na naririnig ko. Na gusto mo daw si B. Na lagi daw kayo magkasama. Ansakit diba? Kasi tayo? Kasi may relasyon tayo. Tinanong kita. Sabi mo crush mo lang siya, ako mahal mo. Sabi ko ayoko, dapat ako lang. Di nagtagal, di ka na sumasama sa kaniya. Masaya na ulit tayo. Walang problema. Nagkakatampuhan pero naaayos rin agad.

January 2012
Dumaan ang pasko, ang bagong taon, pinakilala mo na rin ako sa parents at mga lola mo. Ang saya kasi gusto nila ako.
Ngayon intrams na. Most awaited din to sa school kasi talaga namang masaya. We're both basketball players. Ansaya diba? Kasi pareho tayo. Tapos isang araw, magkatext tayo kakagaling lang sa school. Sabi mo,"okay lang ba na magkacrush ako na iba? Crush lang naman" Nakakaloko diba? Di ko alam sasabihin ko kaya di ako nagreply. Dumaan ang mga araw balewala na yun.

February 2012
Buwan ng mga puso :"> Feb. 14 may activity tayo sa school. Andami kong nakikitang bouquet of flowers, teddy bears, chocolates at kung anu-ano pa. You gave me a rose and chocolates. :) While the activities going on, isa -isang lumalapit sayo ang mga kaklase ko at binibigyan ka ng heart shaped paper na may mga nakasulat. Nakita ko kinikilig mga kaklase mo, ikaw nagtataka at the same time masaya. Nang maubos ang hearts lumapit ako sayo holding a box that contains my gift. Ansaya mo kasi antagal mo nang gusto yun na mangaling sakin. Masaya akong napasaya kita. Natapos ang araw na masaya tayo.

Pinoy WATTPAD DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon