FINDING CODY

15 2 0
                                    

Simula noong mas napalapit kami ni Elio never niya na nabanggit ang plano about kay Cody.

Kapag sinusubukan ko siyang tanungin patungkol doon panay naman ang pag change topic niya.

But of course I am not stupid to ignore the fact that there is something wrong.

May mali eh!

Nasaan si Cody?

Bakit feeling ko nahanap ko na siya?

To answer my questions , I started my little mission.

A secret investigation of finding Cody.

Nagsimula akong maghanap gamit ang mga information na binigay sa akin ni Elio.

Wait,

tang ina hindi ba at sinabi ni Elio na sa University of the East nag-aaral si Cody?

I think I just had the best plan to find him.

Last night I hooked up with another guy from UE and hindi siya basta basta dahil he works as student assistant sa school admin nila.

"Carlo, can we meet ASAP?", I message him

Mabilis na nag reply si Carlo and we met at the McDonald's near Recto.

I only have 30 minutes before my next class. But I don't care because this is urgent.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I asked him a favor.

"Carlo, I know na hindi pa natin ganun kakilala ang isa't-isa but if you can help me with this I promise you na babawi ako"

"Ano ba ang maitutulong ko sa iyo?"

"I remember you told me na nagtatrabaho ka as student assistant sa school niyo and I wonder kung may access ka ba na malaman lahat ng students na nag-aaral sa UE", I asked him na puno ako ng hiya

Carlo is such a nice guy. Hindi niya na ako tinanong pa kung para saan ang lahat.

I gave him all details regarding Cody at umalis na siya.

Kahit positive ako na matutulungan ako ni Carlo hindi ako tumigil.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero naalala ko na nasa akin pa ang susi ng condo ni Elio.

You wouldn't believe what I did next....

I checked my next class and classmates kami ni Elio sa  subject na iyon.

Hindi ako pumasok

I took it as  the chance para makapasok sa Condo ni Elio ng hindi niya nalalaman.

Kabado ako para sa gagawin ko but ito lang ang isa sa mga naiisip ko na paraan para mapatunayan ang existence ni Cody.

Agad akong pumasok sa room ni Elio.

I found this small box na mukhang pinagtataguan niya ng mga importante na gamit niya.

Oh my God!

I saw a picture of a guy na bago sa paningin ko.

I don't have an idea kung sino ang lalaking iyon.

I took a picture of it kasi naisip ko na baka magamit ko pa ito sa imbestigasyon ko.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko , nagulat ako nang biglang may nag door bell.

Shit! Si Elio na ba 'yon?, kabadong tanong ko sa aking sarili

Mabilis ko na inayos ang mga gamit na ginalaw ko.

Nagmamadali ako na pumunta sa pinto para silipin kung si Elio na nga ba iyon

Hindi ko alam ang aking gagawin pero pasalamat ako dahil ibang tao ang nasa pinto.

Gago na iyon nagkamali lang daw ng room na kinatok.

I left Elio's place with no trace

Bukod sa picture wala na akong nakita na iba pang bagay na makakatulong sa akin.

The night of the same day , I received a call from Carlo.

Sinabi niya sa akin na nagawa niya na ang request ko.

I was excited to hear from Carlo na nahanap niya na si Cody but I was shocked of what he said

"Andrei, are you sure ba with the details of the guy na hinahanap mo?"

"Oo naman sigurado ako, may problema ba Carlo?"

"Ah...ehhh... wala kasing Cody na enrolled sa system ng school or kahit alumnus , wala rin eh!"

"Ha? Paano nangyari iyon ? Sure ako na sa UE nag-aaral ang taong hinahanap ko."

"I'm sorry Andrei wala talaga eh"

Natapos ang araw na iyon na mas lalong nadagdagan ang  hinala ko kay Elio.

Sino ka ba Elio?

Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?

My Place or Your Place? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon