MASKARA

2 0 0
                                    

Hindi naman kasi talaga lahat nang nakikita natin sa tao ay ang totoong sila,
Marami ang mapagpanggap,
Marami ang nagtatago
sa hindi masabing dahilan.

"Badtrip naman oh bakit wala pa dito sa video call si Jaye. Akala ko ba babawi siya!" , pasigaw ko na sinabi.

"Antayin lang natin baka naman kumain pa or napag-utusan" , ang sabi ni Elio

"Ha? Ayon maaasahan sa gawaing bahay? ewan ko nalang!"

"Oh ayan na pala si Jaye "

"Hi guys! Sorry late ako ha I have to wait for the pizza delivery guy kasi eh alam niyo na ayoko naman na maghintay si manong sa labas ng matagal kaya I waited for him nalang."

Medyo masama ang loob ko kay Jaye ng mga
oras na iyon dahil sa pinag-antay niya kami ng matagal. Pero sa kabilang banda, na curious ako sa nakita ko. Walang buhok si Jaye .

"Jaye ? Pwede magtanong?"

"Oo naman Andrei , ano ba iyon?"

"What's wrong with your hair?"

I was about to rephrase my question para hindi magtunog nakaka offend . Pero hindi ko na nagawa iyon. Jaye left the video call . Leaving not even a word .

Naguilty ako sa part na pinansin ko pa ang aking nakita.

The next day Jaye was not present. I was trying to call her but she is not picking up the phone.

I tried to send her messages too but still no response.

Hindi ko na naisip ang tungkol sa project namin kahit na in 3 days nalang deadline na . I was more concern of how is she. Nasaktan ba siya sa sinabi ko or nahihiya siya o baka naman may tinatago lang.

Elio told me na hayaan muna namin si Jaye.
Tinapos naming dalawa ang mga natitirang task para sa project.

The next day, wala pa rin si Jaye.

Dito na alarma na ako. Kinakabahan na ako kung ano ba ang nangyari sa kanya. Wala naman akong kilala na taong pwede ko malapitan at mapagtanongan about her.

Pero naalala ko noong first time namin magkita she gave me her calling card.

Hinanap ko ang card, hoping na baka nakalagay doon ang address nila.

Swerte ko dahil may nakalagay na address doon. Agad ko na hinanap sa google map ang bahay nila to seek for directions. Elio offered me a ride, sasamahan niya nalang daw ako kaysa mag commute pa.

We arrived sa nakalagay na address . It is a big place, a mansion I mean.

Pinindot namin ang door bell , pero walang lumalabas para harapin kami.
Sa pangatlong beses saka lamang may lumabas, isa ata sa mga kasambahay nila Jaye.

"Hi, goodmorning po I am Andrei and this is my friend Elio. Hinahanap po namin si Jaye, Jaye Lim po."

"Opo bahay po nila ito, sino po sila?"

"Ah mga classmate po kami ni Jaye. Mga kaibigan po. Maari po ba namin siyang makausap?"

Pinatuloy kami sa loob ng bahay nila Jaye. Pero hindi siya ang humarap sa amin. It was her Mom who talked to us.

Ang sabi ni Tita, Jaye is at the hospital.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Jaye is enjoying the last few weeks of her life.

Jaye is suffering from malignant bone tumor, isang uri ng bone cancer.

According to Tita, malala na ang sakit ni Jaye. At sinabi na ng Doctor na she only have few weeks to live.

Hindi ko ganoon kakilala si Jaye. Pero hindi ko napigilan ang lumuha.

Nalaman ko rin na madalas daw magbago ang mood ni Jaye kaya hinahayaan nalang nila na gawin niya ang gusto niya.

Hindi na raw dapat mag enroll si Jaye this semester pero pinilit niya pa rin. Kasi ang sabi niya raw "If I were to die , I'd like to see myself dying with at least a school friend".

Tuloy-tuloy lang ang luha ko at sobrang na guilty ako sa hindi magandang pakikitungo ko kay Jaye.

My Place or Your Place? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon