GOTCHA

12 2 0
                                    

"Cody! finally nahanap mo pa ako. Akala ko tuluyan mo nang pinagpalit ang mga ala-ala natin sa iba. You know how much I love you babe. Ikaw lang ang buhay ko, I'll go crazy kapag napunta ka sa iba. Please come see me babe. Ayusin natin ang problema natin. I love you so much." , Elio replied

Binasa ko ng paulit-ulit ang message ni Elio.

Bakit ang sakit ?

Bakit para akong nasasaktan?

Dito ko napagtanto na mahal na mahal ni Elio si Cody.

Cody is real.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya kailangang magsinungaling sa akin?

Hindi ko alam kung magrereply ba ako , masyado akong nasaktan sa mga nabasa ko.

Pero gago?

Bat naman ako nasasaktan?

Dahil sa wala akong maisip na isasagot kay Elio sa mga oras na iyon, ni log-out ko ang dummy account.

I was overthinking kung ano ba ang nararamdaman ko para kay Elio.

Gulong-gulo ako kung ano ba ang nangyayari sa akin.

On the other hand, nakatanggap ako ng wave mula sa dating app.

The guy in the profile seems nice kaya naman nag reply ako passionately.

I used the dating app para makatakas ng panandalian sa mga problemang nasa isip ko.

The guy is inviting me to his place. He owned a unit sa The One Torre De Santo Tomas building in front of UST.

Since malapit lang naman sa dorm ko , I decided to go and see him.

Palapit palang ako sa place niya , mabigat na ang nararamdaman ko.

Para bang may malaking pagsabog na magaganap.

The guy said na dumiretso na ako sa room 412.

Mabait naman ang security personnel kaya mabilis akong nakapasok.

"Take the elevator to 4th floor and knock at the door nalang, you know my room number."

Nag ring ang phone ko

Tumatawag si Patty , classmate ko.

"Hello, Andrei nasan ka? You need to come here sa Starbucks sa baba ng TheOne. Dito malapit sa USTE, kailangan natin tapusin ang powerpoint presentation natin deadline na today."

What a coincidence na saktong nasa parehong lugar ako ng mga oras na iyon.

I asked the guy to wait for me at tatapusin lang namin ang project .

After the project I run to his place.

Ewan ko ba kung bakit parang excited ako na meet ang guy na yon.

Pagbukas niya ng pinto, napamura ako ng malakas

WHAT

THE

FUCK???

Hindi kayo maniniwala sa nakita ko.

It was the guy in the picture na nakita ko sa room ni Elio.

I apologized to him dahil nagmura ako.

He asked me to come in .

"Bakit parang gulat na gulat ka ? Do we know each other ba? " , the guy said

"I hate to say this but yes I know you pero ako hindi mo ako kilala and I know someone na sobrang interesado sayo."

"You mean Elio, right?"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi

"Ha? Kilala mo siya? Si Elio?"

"We were together for 2 years. Mahal na mahal ko siya. Kahit na sa NU siya nag-aaral at sa FEU ako hindi naging hadlang iyon for me to show how much I love him."

"You don't need to tell me the entire story, Cody?"

"Yes, I am Cody . No, I think I deserved naman na maikwento ang side ko."

"Sige makikinig ako."

"As what I have said, mahal na mahal ko si Elio. Kahit na wala na nga akong time na mag-aral minsan para lang makipagkita sa kanya okay lang. Ibinigay ko sa kaniya ang pagmamahal na lubos pa sa pagmamahal ko sa aking sarili. Masyado akong nabulag nang pag-aakala ko na ganun din ang pagmamahal niya sa akin. Pero hindi pala, Elio took everything from me. Hindi ko naman alam na magagawa niya sa akin iyon."

Cody was crying and I can feel his pain. His heart is aching.

"Would you mind if I ask you kung ano ang ginawa ni Elio?"

"Day of our 13th monthsary I was in the middle of preparation sana para sa simple surprise para sa kaniya. Ginamit ko ang dorm ng isa sa mga kaibigan ko para hindi naman halata kung sa dorm ko gagawin ang surprise. Pero mag a alasdose na ng umaga wala pa rin siya. Doon na ako naghinala, pumunta ako sa Condo ko I was hoping na baka nandito siya at may surprise din , pero wala siya. I went to his place next kasi naisip ko na baka doon nga siya . Pero putang ina hindi ko naman inakala na ibang surprise pala ang maabutan ko. "

"Anong nangyari? Ano ang naabutan mo?"

"Cody cheated on me sa araw mismo ng monthsary namin. I saw him in the middle of something kasama ng ibang lalaki. Ang sakit sakit para sa akin. Gusto ko nalang mamatay noong mga oras na iyon. Ang baboy niya, I will never forgive him."

Hindi ko na inalam pa ang ibang mga kwento. Pero mas naniniwala ako sa version ng mga kwento ni Cody.

Awang-awa ako kay Cody sa  sakit na nararamdamn niya dahil sa ginawa ni Elio.

Napatanong ako sa sarili ko

Anong problema ni Elio?

Cody is handsome, rich and smart. Bukod pa roon ay na mahal na mahal siya ng tao.

Paano nagawang magsinungaling ni Elio sa akin?

Paano niya nagawang magloko kay Cody?

Their story made me realized that there are people that will really set aside the gold they owned for the sake of  chasing new stuff, new taste.

 

My Place or Your Place? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon