LAST 72 HOURS

2 0 0
                                    

Minabuti namin na umuwi ni Elio para makapag pahinga.

The next day bumalik kami para  bisitahin si Cody.
Pagdating namin sa hospital naabutan namin si Jaye at ang Mommy niya na umiiyak.

Kahit na marami pa kaming tanong ni Elio , isinantabi namin iyon.

"Tita, is everything okay?" , I asked

"72 hours..." , ang sabi ni Tita habang patuloy ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Sa aking narinig , biglang bumilis ang tibok ng aking puso . Ramdam ko ang kaba at bigat sa aking dibdib .

"Ha? Ano po ang 72 hours? You mean 3 days pa po ba bago makakalabas si Cody?, tanong ni Elio

Dahil hindi na makapagsalita si Tita si Jaye ang sumagot kay Elio, "Cody has only 3 days left to live".

"Ano?", sabay naming tanong ni Elio

"Anong pinagsasabi mo Jaye? Cody is healthy at hindi magandang biro yan Jaye!", dugtong ni Elio

"Sa tingin mo Elio kakayanin kong patayin sa isang kwento ang kapatid ko?", wika ni Jaye

Nandilim ang paningin ko sa aking mga narinig.

Inamin ni Jaye that she is Cody's sister.

Inamin niya rin that she was faking her illness the whole time na nakilala namin siya.

Nasagot ng paunti-unti ang mga tanong namin.

Hindi napigilan ni Elio na umiyak sa nalaman niya.

Alam ko na kahit gaano kalaki ang galit ni Elio kay Cody ay hindi pa rin mamawala ang pagmamahal nito.

Personally, sa maikling panahon na magkakilala kami ni Cody ako ay sobrang nalungkot.

Naalala ko pa noong mga oras na sobrang obsessed si Elio na mahanap namin si Cody. At noong nahanap ko na si Cody akala ko kakayanin ko na saktan siya.

Ang totoo pinaramdam niya na kaya niya rin akong mahalin sa kabila ng masama naming balak ni Elio.

Sobra ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko.

Pinatawag kami ng Doctor ni Cody at sinabi nito na malala na ang kondisyon ni Cody at mas mabuti na iuuwi na lamang para sa bahay tuluyang magpahinga.

Nag desisyon ang pamilya nina Jaye na iuwi nalang si Cody.

Hindi namin maiwasan na umiyak pero pinipilit namin itong hindi ipakita sa harap ni Cody.

Sa mga oras na ito, I started to realized kung gaano kahalaga ang mga kaibigan pagdating sa mga crisis sa buhay.

I am thankful na kahit hindi maganda ang pinagmulan ng pagkakaibigan namin nina Jaye at Cody nagawa namin na kalimutan iyon at bigyang pansin ang pagpapahalaga sa isa't-isa.

Pagdating sa bahay nila Cody. He began talking to us . Sobra ang kaniyang pasasalamat at sinumulan niya na rin na ikwento ang katotohanan.

"Andrei, Elio gusto ko malaman niyo ang katotohanan dahil hindi niyo deserve ang pagtaguan ng sekreto. Elio gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita. Hindi kita iniwan o niloko . Ang lahat ng nangyari ay mga palabas lamang. It is not true that I cheated on you..." , umiiyak na kwento ni Cody

Minabuti ko na hindi magsalita dahil sa umpisa pa lang naman ay kwento nilang dalawa ito.

"Cody, anong pinagsasabi mo na palabas ang lahat?", tanong ni Elio

"Yong mga lalaking nakikita mo na kasama ko , lahat sila binayaran ko para magpanggap na boyfriend ko. Lahat ng mga pagkakataon na naaabutan mo kami sa condo ay mga planado . I even fake signing up to that gay dating app para lang mapatunayan na nagloloko ako.

"Pero bakit kinailangan mo na gawin iyon Cody ? Nagmukha akong tanga at desperado."

"Elio kasi kailangan! I have no option but to push you away. Ayoko na malaman mo na may sakit ako. Mas ayoko malaman mo na ang boyfriend mo ay ilang buwan nalang ang itatagal sa mundo. Mas mabuti na ako ang nakipaghiwalay kaysa iwan mo ako sa oras na malaman mo ang sakit ko." , humahagolhol sa iyak na sabi ni Cody.

"Cody...napaka selfish mo. Sa tingin mo ganun kababaw ang pagmamahal ko sa iyo? Walang sakit o anumang kalagayan sa mundo ang makapagpipigil nang pagmamahal ko sa iyo. Pero mas pinili mo sundin ang sa tingin mo na tama. Hindi mo naisip ang mararamdaman ko!"

"I'm sorry Elio...patawarin mo ako. Mahal na mahal kita kaya mas gugustuhin ko na sumaya ka kapiling ng iba."

"Putang ina Cody! Anong rason yan? Masyado kang makasarili. Alam mo kahit wala ka na sa tabi ko itutuloy ko pa rin yong mga pangarap natin. Kahit wala ka na sa tabi ko, itutuloy ko pa rin ang plano natin mag-aral sa iisang med school. Pero wala! Mas pinili mo iwan ako. Cody bakit? Bakit?."

"Wala akong choice Elio. Ilang buwan tayong hindi nagkasama dahil kinailangan ko na magpagamot. Sa mga oras na iyon naisip ko na hindi mo deserve ang maghintay sa isang katulad ko. Masakit malaman na iiwan ko sa mundong ito ang taong mahal ko kaya mas mainam na iwan na lang siya habang nabubuhay pa ako."

Hindi ako makapagsalita dahil alam ko na sobrang sakit para sa kanilang dalawa ang mga pangyayari.

Pero hindi ko rin maiwasan ang masaktan . The fact na mahal ko na si Elio at ganun din si Cody masakit isipin na isa lamang akong panakip butas sa lahat ng ito.

"Andrei, patawarin mo rin sana ako. Kung hindi ko iniwan si Elio hindi sana siya desperado na hanapin ako at hindi ka na nadamay pa. At huwag kang mag-alala alam ko ang pagmamahalan na nabuo sa inyong dalawa."

"Cody, huwag kang ganyan." , umiiyak kung sagot

"Ayos lang Andrei...dahil kung papipiliin man ako ng tao na magmamahal kay Elio, I want it to be you. Alam ko na maibibigay mo ang pagmamahal na higit pa sa pagmamahal ko. Alam ko na mabibigyan mo  siya ng mas matagal na kasiyahan. Kasi ako? Wala eh palyado ang katawan. Araw nalang ang hinihintay  ko!"

"Walang mamamatay Cody , walang aalis. Lahat tayo magiging masaya. Okay?"

My Place or Your Place? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon