SBH 1

218 8 2
                                    

Sunny P.O.V

"Sunny!"

"Sunny!"

Tinig ng aking step-mother na si Selena. Gamit ang kaniyang paa, pilit na inaalog ang aking likod dahilan para maalimpungatan ako mula sa malalim na pag tulog.

"Selena?" Sambit ko habang ginugusot ang aking namuyat na mga mata.

"Sunny! Bangon na at asikasuhin mo na ang mga manlalaro ng majong sa basement!" Aniya sa pigil na pag taas ng boses.

"Susunod na Selena." Magalang kong sagot saka marahan na naupo sa papag na aking hinihigaan.

Sa aking kaliwa, unang kumaway ang matingkad na liwanag na hatid ni Haring Araw, mula sa bintana. Napangiti muli ako ng masilayan ang kagandahan ng araw. Ito ang nag papaalala sa akin kung bakit kahit paano ay dapat mag pasalamat ako sa mga natatanggap ko.

"Kay buti." Sambit niya saka ako tinalikuran.

Agad din ako bumalikwas upang iligpit ang aking pinag higaan. Dito sa Atic ako namamalagi. Dito ako natutulog at madalas na gumuguhit. Para sa akin, ito ang pinaka payapa at ligtas na lugar sa lahat.

Ang bahay na ito ay panahon pa ng kastila. Ayon sa salaysay ni Papa, wala pa man nauupong presidente ay nakatayo na ang bahay na ito. Pamana pa ito sa kaniya ng kaniyang mga ninuno. Bagamat may kalumaan at nababalot ng kung anu-anong katatakutan, hindi ko magawang maniwala sa sabi-sabi o kuro-kuro ng mga sugarol sa tuwing paparito. Gawa sa kahoy at bakal lamang ang bahay.

Sa unang palapag, doon ay nag sisilbing bahay-aliwan ito ng mga ulupong na pulis na kumukuha ng babaeng parausan sa mababang halaga. Ang upa sa bawat silid ay bayad-kotong para sa negosyo ng aking ama at madrasta na halang ang mga bituka.

Sa ikalawang palapag, doon naman nagaganap ang transaksiyon sa pag tutulak ng droga. Kung saan si Papa mismo ang namamalakad sa pagpapatakbo ng paglalako ng droga sa mga chinese at bigating sindikato na nasa ilalim ng pamumuno ng corrupt na pulis at ulupong sa gobyerno.

Bawat palapag ay may limang malalawak na silid. Sa ikatlong palapag, doon naman matatagpuan ang silid ni Silva na aking step sister. Ang kuwarto ni Papa at Selena. Ang tatlong bakanteng silid ay pawang bodega at tambakan ng mga patapon at kalakal na hindi na maaari pa pakinabangan. Ngunit kung minsan, drug-den kapag walang mapuwestuhan.

Sunod ay madali akong dumako sa basement. Kung saan naroon ang mga manlalaro ng majong, para alamin kung may nais ba silang ipag utos.

"Sunny!" Tawag ni Manang ara na may kasama pang pag senyas na lapitan ko siya.

"Ipagtimpla mo naman kami ng kape . . ." Malambing na pakiusap niya.

"Iyon lang po ba?" May ngiti kong tanong.

"Sigarilyo lang." Naka ngiting usal ng isa pang manlalarong biyuda na si manang berta.

"Kayo po aling rosa at manay dory?" Magiliw kong tanong.

"Kape lang." Ani aling rosa ng 'di nag aalis ng tingin sa harap ng mesa.

"Kape lang din sunny. Salamat." Malambing na sabi ni manay dory.

"Sige po!" Masigla kong sambit saka gumawi sa kusina na matatagpuan sa unang palapag.

"There's a song that'sinside of my soul..."

Sinasabayan ko ng pag awit ang pag titimpla ng kape. Muli ko na naman narinig ang tugtog na madalas ko mapakinggan mula sa malakas na radyo ng kapit-bahay naming bihira ko lang makita dahil madalas nakasara ang pinto at bintana ng kanilang bahay.

Saving The Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon