"Takas"
Sunny P.O.V
"Labas na sunny."
Mahinang sambit ni Teacher Kendra habang kinakatok ako sa pinag kublian kong aparador. Kung saan tahimik akong nakikinig at nakasilip sa maliit na butas upang sumabay sa pag turo niya kay Silvana.
Nang masiguro ko na wala ng yabag ang babalik pa mula sa labas ng silid ay agad akong lumabas saka pinunasan ang pawis na pawis kong mukha.
"Oh ito! Kumain ka muna para naman may lakas ka." Naka ngiti niyang sabi sabay abot ng sandwich. Merienda na para dapat sa kaniya.
"Salamat po teacher kendra." Mabilis kong sagot at walang pag aalinlangan na kinagatan ang sandwich na isang subuan lang sa akin.
Ang malambing na hagikgik ni Teacher kendra habang ginugulo ang aking buhok, isang bagay na mamimis ko sa tuwina.
"Sunny, dalaga ka na. Kaya naman binilhan kita ng bra at mga kaunting kagamitan pansarili . . ." Saad niya habang isa-isa sinusuri ang niloloob ng hawak na paper bag.
Bigla naman akong nabilaukan matapos iyon marinig. Sapilitan kong nilunok ang solido kong nginunguya saka inabot ang nasabing kagamitan na para lamang sa akin.
"Aba . . ." Sambit ko na may kasama ng pagka mangha habang tinititigan ang makulay na gamit na bago lamang sa aking paningin.
"Oh bueno, mauna na ako sa iyo." Aniya saka binitbit ang bag at lesson plan sa ibabaw ng mesa.
"Salamat po talaga teacher kendra! Gagamitin ko po ito agad!" May luha kong sabi sa garalgal na himig. Animoy may malaking naka bara sa aking lalamunan at hirap akong mag salita ng tuwid dala ng labis na pag buhos ng matinding emosyon na hindi ko mawari kung ano nga ba ang dahilan.
Ngumiti lamang siya sa akin habang ako naman ay mabilis na pumanhik sa aking silid sa atic.
"Kumusta Luna?" Maligaya kong bati sa aking alagang kuting.
Malapad ang aking ngiti at nag mamadali na humarap sa salamin. Agad kong inilabas ang kulay dilaw na bistida saka iyon pinatong sa aking harap.
"Luna!" 'di ko makapaniwalang sambit at sa unang pagkakataon, makakasabay na rin ako sa modernong pananamit.
"Anong masasabi mo luna? Ang ganda hindi ba?" Ani ko at tila bumabagal ang takbo ng paligid.
Hindi ako makapag hintay na masuot ito at makita kung gaano kaganda ang kalalabasan.
Maya-maya pa ay may narinig akong yabag. Yabag na sa pakuwari ko ay parating sa aking silid si Selena.
"Meow . . ." Huni ng muning na sumulyap sa bukas na pinto at agad rin nag balik ng tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pag aalala sa kaniya lalo na ng magpaikot-ikot ito sa ibabaw ng papag.
"Halika!" Pag amo ko saka siya pinatong sa aking palad at ipinasok sa antigong jar na mayroon ng kaunting basag.
"Sunny!" Pasigaw niyang bungad pag pasok sa aking silid.
Inilibot muna niya ang paningin sa paligid baka muling nag salita.
"Dalawang oras na kitang hinahanap." Aniya saka nilapitan ang paper bag na naglalaman ng pinamigay ni teacher kendra.
BINABASA MO ANG
Saving The Billionaire's Heart
RomanceSabi sa awitin, "TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU." Tulad na lamang ng kuwento ng buhay ni Sunny. Isang inosenteng dalaga na biktima ng pang aabuso ng ama at pag mamaltrato ng madrastang kinakasama nito. Ang kaniyang tunay na Ina ay inabandona siya dahil...