Sunny POVMatapos ang nakakapagod na pag linis sa silid ni Silva, agad ko naman inasikaso ang mga manlalaro ng majong sa basement. Bago ilampaso ng mabusisi ang hagdan na mayroong kuwarentang baitang. Dahil sa labis na kapaguran, hindi ko na nakuha pang labanan ang pag bagsak ng aking mga mata at katawan na nais ng mamahinga.
"Susmaryosep!" Hiyaw ni Selena na siyang dahilan ng agaran kong pag bangon.
Pabagsak at mabigat ang bawat niyang hakbang ng tuntunin ako sa tuktok ng hagdan sa ikatlong palapag. Maagap kong pinunasan ang laway sa aking labi saka diretsyong tumindig.
"Sunny naman! Kanina pa kita tinatawag! Halos mamaos ako samantalang ikaw, ang sarap ng buhay mo?" Galit niyang sabi habang nag ngingitngit ang ngipin sa galit.
Inaantok pa ako pero pilit kong nilalakihan ang aking mata para labanan ang puyat.
Yumuko lamang ako at hindi na umimik pa. Hinanda ko na rin ang aking katawan dahil tulad ng dati, hindi malabo na muli na naman niya akong saktan.
"Alam mo ba kung anong ginawa mong salot ka?! Alam mo?!" Bulyaw niya sa akin sabay sabunot sa aking patilya habang kinakaladkad ako pababa ng hagdan.
"Selena! Bitiwan mo 'ko! Maawa ka!" Pakiusap ko habang tumatangis.
"Kaawaan? Ikaw na tanga?" Turan niya habang patuloy sa pag kaladkad sa akin.
Halos mamatay na ako sa sakit dahil sa mainit kong balat na kumikiskis sa hagdan. Hindi na ako nakalakad pa ng maayos at animoy tuta ako na sapilitang hinihila patungo sa kung saan man.
"Selena nasasaktan ako!"
"Maawa ka!" Pag mamakaawa ko habang yakap ang kaniyang binti.
"Bitiwan mo ang binti ko!" Hiyaw niya saka ako sinipa sa balikat ng buong lakas dahilan para tuluyan akong mawalan ng balanse at bumagsak sa unang palapag.
"Papa!"
"Papa tulungan mo 'ko!"
Animoy nandidiri siya ng tignan ang kaniyang binti. Agad niya iyon pinunasan ng mahabang bistida saka ako muling inatake na para bang tigre na nais akong lapain ng buhay.
Sampal, sabunot, tadyak, suntok, mga pangkaraniwang bagay na natatamo ko sa araw-araw. Wala ng pag sidlan ang takot ko habang umiiyak at walang katapusan na nag mamakaawang tigilan na niya ang pananakit sa akin.
"Dahil sa kapabayaan mo, nabanlian si Silva! Dahil sa katangahan mo!" Ungol niya habang sabunot ako.
Iginawi niya ang aking ulo sa direksiyon ng kaawa-awang si Silva na humihikbi habang ginagamot ni Papa ang kaniyang namumulang braso. Nakalimutan ko ilagay sa termos ang sobrang mainit na tubig matapos ko ipag timpla ang mga manunugal kanina. Kung sana lang naging responsable ako, hindi ito mangyayari.
"Patawad Silva . . ." Pakiusap ko habang nakaluhod sa harap nila ni Papa.
"Wa--wala kang kasalanan." Nangingiwi na sabi ni Silva saka ako mabilis na niyakap.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Tulad ng dati, siya lang ang aking kakampi na masasandalan. Wala ng iba pa.
"Silva!" Tawag ni Selena at puwersahan na hinatak ang anak palayo sa akin.
"Silva! Siya ang dahilan kung bakit ka nabanlian! Dapat sa kaniya, ipatikim ang ginawa sa iyo! Para naman mag tanda siya!" Turan ni Selena na siyang nag pangatog sa aking tuhod.
"Papa!" Tawag ko sa aking ama upang humingi ng saklolo.
Pero tulad ng dati, mistulang bingi, pipi, at bulag ang aking ama sa tuwing matitikman ko ang galit ng kaniyang mahal na asawa. Kalmado lamang si Papa nang maupo sa sofa. Binuklat ang babasahin na bulletin habang naka dekuwatro. Samantalang ako naman ay kulang na lang ay mahimatay sa labis na takot na baka ibitin na naman niya ako patiwarik o di kaya patakbuhin ng naka hubo sa labas, o gutumin ng tatlong araw?
BINABASA MO ANG
Saving The Billionaire's Heart
RomantizmSabi sa awitin, "TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU." Tulad na lamang ng kuwento ng buhay ni Sunny. Isang inosenteng dalaga na biktima ng pang aabuso ng ama at pag mamaltrato ng madrastang kinakasama nito. Ang kaniyang tunay na Ina ay inabandona siya dahil...