Chapter 3

8 1 0
                                    

Chapter 3

"Cut!" Sigaw ni direk pagkatapos ng malakas na sampal na iginawad ko sa mukha ni Stacey.

"Ang sakit!" reklamo ni Stacey, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dumiretso sa dressing room.

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto nang marahas nyang hablutin ang braso ko "Namemersonal ka ba?!"

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema ng babaeng to, ginawa ko lang naman kung ano ang inutos sa akin ni Direk.

"Ano ba?"

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa akin ngunit mas lalo nya itong hinigpitan. Nag-init ang dugo ko nang maramdaman ko ang pagdiin ng kuko nya sa balat ko, kaya naman marahas ko syang itinulak at halos matumba kung hindi lamang nakakuha ng suporta sa pader.

"How dare you!" sigaw nya sa akin at aktong susugurin ako kung hindi lamang sya napigilan.

"Don't you dare" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, hawak nya ang kamay ni Stacey at masama ang tingin dito.

"What a scene" naghalukipkip ako at bored silang pinanuod.

"Zenia, you ok?" tanong ni Harold nang bumaling ito sa akin, pinagtaasan ko naman sya ng kilay.

Bakit nandito ang lalaking ito?wala naman syang shooting ngayon. Nakakaimbyerna! ansakit nilang dalawa sa mata.

Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Stacey "Now I get it kung bakit ang harsh mo lagi sa akin on and off cam"

Tiningnan ko sya, inagaw nya ang braso nya kay Harold at humalukipkip.

"You're still bitter" aniya habang nakangisi "What a bitter ex"

Nagkuyom ang kamao ko. Yes, Harold is my ex. He was my first boyfriend, sekreto lamang ang relasyon namin noon dahil nag-uumpisa na syang magkaroon ng pangalan habang ako naman ay nag-uumpisa pa lang sa pagmomodel.

We were smooth and happy, I thought everything's fine not until one night nakipagkita sya sa akin,that night he ended our relationship he broke up with me.

Kinabukasan may lumabas agad na balita na nalilink sya sa isang artista which is Stacey, naging talk of the nation sila dahil daw kuno sa chemistry na meron sila hanggang sa naging love team sila and now they're together.

"Yes I'm the ex, but I'm not bitter" dinaan ko nalang sa pekeng tawa ang galit ko kay Stacey "You're the girlfriend now, so stop making scenes.  You're acting like an insecure girlfriend"

"You ugly bitch" sigaw nito sa akin habang umuusok sa galit.

"You're pertaining to yourself, bitch" sabi ko saka pumasok sa loob ng dressing room at padarag na sinarado ang pinto.

Harold, the person who promised that I will be his first and only leading lady, the person who promised his love will only be for me but also turns out the person who broke his promises. He chose his career over our three years relationship, he chose Stacey over me, si Stacey na nagpapakama para lamang makuha ang titolong Best Actress. What a cheap slut!

Wala akong kinakausap hanggang makarating ako sa condo. Buti na lamang minsan may pakiramdam din itong si Lyra at nanahimik lang dahil kung hindi siguradong sa kanya ko maibabaling ang galit ko.

"ZEN— ahmmm" masama ang tingin ko ng mapabaling ako kay Rafael na bigla nalang pumasok ng condo ko na ngayon ay takip takip na ni Lyra ang bibig.

Kakasabi ko lang na ayaw ko ng maingay!

"Wag kang maingay Mr.Wang, badtrip yan" bulong ni Lyra

Behind The Kontra Bida RoleWhere stories live. Discover now