Chapter 5
I still couldn't get over about what happened the other night.I told Rafael not to make things big though,it is a big deal to me I didn't want to make things worse. What happened that night didn't put me to sleep and made me anxious. I always feel like someone's gonna barge in and will do bad things to me.
Good thing the teleserye is about to end, we only have few shootings left. I can't wait for it to finish, ayaw ko ng makita pa sila si Stacey lalong-lalo na si Harold.
I distance myself much farther from Harold. But there are times na nahuhuli ko syang nakatitig sa akin o paminsan naman ay nagtatangkang lumapit, Rafael is always around kaya hindi sya tuluyang nakakalapit sa akin.
Soon as we finished the last shoot the director called it a day. Rafael was out to answer a phone call.
"Zenia"
I almost panicked when I heard his voice. I looked for Rafael but he's nowhere.
"Spare me some time" he pleaded
"Don't you still get it? Tapos na tayo matagal na. So, please stop doing this shit"
"You call this shit? Loving you this much is just a shit for you, huh Zenia?"he raised his voice
"Yes! So stop and leave me alone!"
"We both have names now, you won't hinder my career anymore. Pwede na tayo—"
I slapped him hard.Ano bang akala nya sakin parang bagay lang na iiwan at babalikan nalang pag may pakinabang na? Ako pa? Ako pa ang nakakahadlang sa career nya noon? When in fact I was always the one supporting him since day one.
"I shouldn't have loved someone like you. Shame on me" then I turned my back.
Someone grabbed my arm "Zenia, what's going on here?" si Rafael na masama ang tingin kay Harold.
"I'll make you mine again, tandaan mo yan" binigyan nya muna ng matalim na tingin si Rafael bago naglakad paalis.
I felt cold. Nakaramdam ako ng takot sa sinabi ni Harold what if....what if?
I sighed.
"Don't think to much, hindi ka na nya ulit masasaktan"
Inihatid lang ako ni Rafael sa building ng condo kung saan ako nakatira. Pinauna ko ng umuwi si Lyra kanina dahil may meeting pa kaming pinuntahan ni Rafael.
I was walking on the hallway when someone forcedly grabbed my arms.
"What the!?"
Nanlilisik ang mata ni Stacey
"Ano ha?masaya kana?!"
Kumunot ang noo ko "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Wala na kami ni Harold!"
"Nandito ka ba para ichika sakin ang break up nyo?" I crossed my arms " I have no time to listen with your nonsense shits"
"Wala na kami ni Harold pero ginugulo mo parin ako!" sigaw nya sakin
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Oh! Stop playing innocent!" she pointed her finger on me "Ikaw! Ikaw lang ang taong gustong sirain ako. Stop blackmailing me with that fucking video!"
Tinabig ko ang daliri nyang nakaturo sakin.
"Bago ako bumagsak tandaan mong uunahin muna kita!"
Sinugod nya ako at sinabunutan, sinubukan kong tanggalin ang mga kamay nyang nakakapit sa buhok ko ngunit masyado itong mahigpit. Nanakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot nya, nahila ko ang sleeves ng damit nya kaya nasira ito.
"Tangina masakit!" reklamo ko.
Sobrang sakit na ng anit ko at pakiramdam ko'y humahapdi na dahil sa pagkakasabunot ng may sa tukong babaeng ito. Nahihirapan akong gantihan sya dahil naka pony ang buhok nya kaya naman tinuhod ko ang kanyang sikmura kasabay nito ay ang pagbukas ng elavator at paglabas ng mga taong lulan nito.
Nakasalampak sa sahig si Stacey habang namimilipit na hawak ang kanyan tyan, she's... she's bleeding! May dumating na mga security at may nagtawag ng ambulansya.
"My... my baby!" she screamed while crying in tears, pinagtulungan syang buhatin pasakay sa ambulansya.
I felt cold. I don't know what to do, I didn't know she's pregnant. Andaming kumukuha ng videos at pictures, parang kahit saan ako lumingon may nakatutok na camera.
Pilit silang pinapatigil ng mga security at inilalayo sa akin.Sinubukan kong tumakbo ngunit bumangga lamang ako sa kung sino, hahakbang na sana ako paatras nang hablutin nito ang kamay ko at ilagay ang kanyang suit sa aking ulo upang matakluban ang aking mukha.
Tiningala ko sya at nagtama muna ang aming paningin bago nya muling hinila pababa sa aking mukha ang kanyang suit.
Nakahawak ang kanyang kaliwang kamay sa aking ulo habang ang kabila naman ay nasa aking balikat nang igiya nya ako sa loob ng elevator.
Nang makapasok sa loob ng elevator nag-uunahang tumulo ang aking mga luha. Natatakot ako, paano kung napatay ko ang sanggol? I saw blood running down her legs, if I only knew she was pregnant sana hindi nalang ako lumaban.
"We're here" I came back to my senses nang magsalita sya.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng unit ko, tinanggal ko ang kanyang suit na nakatakip sa aking ulo at inabot sa kanya at tinanggap naman nya ito.
Nanatili akong nakatungo, hindi ko magawang magtaas ng paningin I'm a mess right now.
"Here" he handed me his handkerchief. Tinitigan ko lamang 'yon kaya naman kinuha nya ang aking kamay at pinatong dun ang panyo.
"You have scratches on your neck,, punasan mo dumudugo"
Sinunod ko sya at pinunasan ang aking leeg, totoo ngang may dugo. I'm too numb to even feel my wounds, walang-wala ang mga maliliit na sugat na ito kumpara sa dugong nakita kong umagos sa binti ni Stacey.
Sabay kaming napatingin ni Ranzid nang biglang magbukas ang pinto ng aking unit. Nagpapanic na lumabas si Lyra at dahil sa pagmamadali ay bumangga pa ito sa dibdib ni Ranzid.
"S-sorry" sabi nya sabay baling sa akin"Oh my God! Zenia!"
"Ipasok mo na sya sa loob nang makapagpahinga na"
Nagtaas ako ng tingin sa kanya "Salamat" tumango lamang sya bago namin sya iwan sa labas at pumasok sa loob ng aking condo.
"OH MY GOD! THAT'S RANZID LIMCAOCO!"sigaw ni Lyra, hindi ko nalang sya inintindi at dumiretso na sa aking kwarto.
"Zenia, ano pala ang nangyari?Nagmamadali akong lumabas kanina nang makita ko sa live video sa facebook ang mukha mo kanina"
I told her what happened. She was so shocked.
"Hindi ko naman sinasadya"at muli na namang tumulo ang aking mga luha.
Lumapit sya sa akin at hinagod ang aking buhok "Alam ko"
Siguro'y dahil sa pagod naramdaman ko nalang ang pagbigat ng aking mga talukap hanggang sa nakatulog ako.
YOU ARE READING
Behind The Kontra Bida Role
General FictionBehind those fierced eyes there's a beauty inside. Behind the flashes of cameras there's a lonely soul. Behind her kontrabida role there's an angel within.