Chapter 6
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha na nagmula sa bahagyang nakabukas na kurtina ng glass wall.
Naglakbay ang aking paningin patungo sa wall clock at nanlaki ang aking chinitang mga mata ng mapagtanto ko kung anong oras na, alas dose!
Nagmadali kong tinungo ang banyo at mabilis na naligo. Lintik! May shooting ako ngayon tapos hindi ako ginising ni Lyra, 10am ang call time tapos anong oras na ngayon, alas dose!
Sinuot ko nalang ang kauna-unahang damit na nahablot ko sa aking walk in closet, hindi na ako nag-abalang magmake up pa dahil tanghali na ako.
Nagmamadali akong bumaba nang matapos na sa pag-aayos. Sabay namang napatingin sa akin si Lyra at Rafael dahil sa biglaan kong pagsulpot.
"Late na ako sa shooting bakit hindi nyo ako ginising?" tanong ko nang makarating ako sa dulo ng hagdanan.
"Let's go!" Naiirita kong sigaw sa kanila nang natili lang silang nakatayo sa pwesto nila.
"You won't do any shootings...for now"
"And why is that, Rafael?"
Hindi nya ako nasagot nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"WHAT!?" sigaw ni Rafael sa kausap nya, agad syang naglakad at binuhay ang TV.
"Zenia Sandoval harassed Stacey Yap because of Harold Cruz"
Agad namang pinatay ni Rafael ang TV matapos makompirma ang ibinalita ng kanyang kausap.
Natulala ako dahil sa nabasa at unti-unting bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kagabi, yung pagsabunot sa akin ni Stacey, yung pagtuhod ko sa tyan nya at yung dugong umagos sa binti nya!
I thought it was just a dream, but it wasn't!
Lumapit sa akin si Rafael, he held my shoulders "You stay here. 'Wag ka munang lalabas"
"I didn't do it... intentionally. She hurt me first, it was self defense"
He nodded "I know. Kwenento na sa akin ni Lyra ang nangyari. For now dito ka muna,'wag kang lalabas and don't even try to sneak out"
Rafael left as soon as he assured me that everything's will be alright.
Days passed by na umikot na lang ang mundo ko sa loob nitong aking condo.
Bored na bored na ako at alam kong hindi lang ako pati na rin si Lyra.Sa umaga, pagwowork out lang ang inaatupag ko hanggang sa mapagod ako. Sa hapon naman pagne-Netflix lang ang ginagawa namin ni Lyra hanggang sa makatulog kami pareho. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari dahil pinagbawalan ako ni Rafael na gumamit ng phone at lalong lalo na ang magbukas ng social media, I complied but now I'm so tempted,I have been so outdated!Kinuha ko ang cellphone ni Lyra na naiwan nyang nakapatong sa sofa nang nagmadali syang magpunta sa CR para maglabas ng sama ng loob. Mabilis ko namang nabuksan ang kanyang cellphone dahil wala naman itong password, agad akong nagsearch sa internet at tumambad sa akin ang mga naglipanang pictures yung pagtulak ko kay Stacey nung nagkasagutan kami sa set at may picture pa na magkahalikan kami ni Harold, ito yung lasing syang pumunta dito sa condo!
Binasa ko ang mga comments at halos maiyak ako sa aking mga nabasa.
'Walang kadelekadesa mang-aagaw ng may boyfriend ng may boyfriend'
'Cheap. Sulutera pano't walang pinag-aralan'
'Kulang sa aruga palibhasa't walang magulang. Laking ampunan!'
Nanggagalaiti ako ng mabasa ko ang pinakahuli, I kept my personal informations private. Walang nakakaalam na wala akong pamilya at lumaki lang ako sa ampunan dahil ayaw kong kaawaan, pero hindi ko alam na magagamit pala nila iyon para kutsain ang pagkatao ko.
All they know about me is that I am the bitch behind those kontrabida roles. They didn't know what I've been through just to get where I am right now.
They didn't know how hard life was for me. Yung gigising ka sa umaga at maghihintay hanggang maghapon kung meron bang aampon sayo. Yung papasok ka sa school pero wala kang kaibigan kasi nakatira ka sa bahay ampunan, bagay na kahiya-hiya sa iba. Kung hindi pagtatawanan pagtitripan. Was it being an orphan is embarrassing? Kasalanan ko bang lumaki ako sa ampunan at walang magulang? Who wouldn't like to have a parents, if I only had a choice.
I sighed and stand up. Inabot ko kay Lyra ang phone nya ng makasalubong ko sya bago umakyat sa aking kwarto.
I felt kind of relived the next day nang ibalita sakin ni Rafael na hindi nalaglag ang baby ni Stacey.
"Good thing na hindi namatay ang anak ni Stacey but your issues aren't subsiding yet" he said as he sipped on his coffee.
"Mr. Wang" we both looked at Lyra
"Nagtawag yung sa front desk, may parcel ka raw sa baba"I sipped on my tea
"Huh? Wala naman akong inorder"
"Sa shopee daw, paakyat na"
I bit my lower lip
Hindi nagtagal ay maynagdoorbell, inutusan ni Rafael si Lyra na buksan ang pinto ngunit hindi sya nito sinunod.
"Ikaw na masisira nail polish ko"
"Napaka tamad mo!Hindi kita siswelduhan" si Rafael saka naglakad papunta sa pinto.
"Hindi naman ikaw ang nagpapasweldo sa akin, si Zenia naman"
Parehas kaming napatakip sa tainga ng galit na sumigaw si Rafael "LYRA! IKAW BA MAY ORDER NITO?!"
"Huh?ng alin?"
"Ito oh" sabay turo sa box "Ten fucking thousand worth of wiggles!"
Agad naman akong tumakbo sa pinto "Oh yan na pala yung order ko"
"Diba po kayo si Zenia Sandoval?" singit nung deliver boy
Naglabas agad si Rafael ng pera at binigay sa delivery boy "Hindi sya yun" sagot nito saka sinarado ang pinto.
"What the fuck Zenia?"
"What?" I asked habang binubuksan ang kahon.
"Ten thousand pesos worth ng marshmallows sa shopee at saka bakit sakin nakaaddress?"
Napangiti nalang ako, pano ba naman kasi kahapong umaga nandito sya pinakialam ko yung phone nya kasi wala akong magamit dahil kinuha nya sakin yung phone ko.
Tapos nagbrowse ako sa mga apps nya at nakita ko yung shopee, yun pala yung app na pwede kang mag-online shopping nakikita ko kasi kay Lyra, hindi naman ako marunong kaya pinindot pindot ko nalang kung ano yung makita ko.
"Mr. Wang!" tawag ulit ni Lyra na nasa Sala.
"May parcel ka raw ulit sa baba"
Masama akong tiningnan ni Rafael "Tell me how much did you spent?"
"Ah...I forgot check it on your phone"
Kinuha naman nya ang cellphone nya at nanlalaki ang matang tumingin mula sa akin "YOU SPENT FOURTHY THOUSAND PESOS!"
"Oh. I thought it's just thirty nine thousand"
"Kung anu-ano pa pinagbibili mo!" He said as he scrolled on his phone.
"At ano to? Ba't may isang bundle ng toilet paper?Wala ka sa America, uso tabo at tubig"napahilot sya sa kanyang noo.
"Malay ko ba dyan pinindot ko lang naman kung ano yung makita ko, tapos kinlick ko yung check out" I said as I bit on my marshmallows.
"Hindi mo pa ginamit yung free shipping!"
"Mr. Wang" sigaw ulit ni Lyra.
"What now?"
"May limang parcel ka raw sa baba"
Masamang tingin muna ang ginawad sakin ni Rafael bago sya lumabas at nagtungo sa lobby.

YOU ARE READING
Behind The Kontra Bida Role
Genel KurguBehind those fierced eyes there's a beauty inside. Behind the flashes of cameras there's a lonely soul. Behind her kontrabida role there's an angel within.