Chapter 2
"Grabe niyanig mo na naman ang buong twitter world, Zenia" sabi ni Lyra habang nakaupo sa paanan ng kama ko at busy sa pagscroll sa kanyang twitter.
"Ingrata" bulong nya na narinig ko namang nang hinablot ko sa kamay nya ang kanyang cellphone.
"Trending na naman yung episode nyo kahapon oh"
Nagscroll ako sa twitter, ang daming pumuri sa acting ko. Well, I'm the Queen ano pa nga ba ang inaasahan nila.
Natawa nalang ako sa pagscroll dahil ginawang memes ang hitsura ni Stacey na punong-puno ng harina. May memes pa nga akong nakita na nilagay ang mukha nya sa crispy fry at meron ding nilagay sya sa bucket ng Jollibee. Aside from those, syempre hindi mawawala ang mga hate comments those were surely from Stacey's fans. These ugly ducklings hindi ba nila alam ang salitang professionalism? Duh I was only doing what was written on the script. Kontrabida ang role ko so, don't expect me to act like a goody goody.
Napagod na ako magbasa ng mga hate comments kaya bago ko pa mabasag ang cellphone ni Lyra inihagis ko na ito pabalik sa kanya.
"Huy bagong bili ko lang 'to,grabe ka!" reklamo nya
Hindi ko nalang sya pinansin at diretsong pumasok sa walk in closet ko. Tumambad sa akin ang iba't ibang damit, sapatos,bags, relos and accessories. These were all from different expensive brands, name it and I tell you I have those.
Dumiretso ako sa mga nakahanger na jackets at hoodies. Nang makapili ay nagbihis na ako. I changed into plain black hoodie partnered with my white shorts and a sneakers.
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin, I grabbed my ballcap and put it on my head. Lastly, to complete my disguise sinuot ko ang aking aviators.Yes this is how I disguise myself kapag gusto kong lumabas, I usually sneaked out at libre lang naman akong nakakalabas pag wala ang manager kong si Rafael.
Lumabas na ako ng walk in closet, gulat namang napatingin sa akin si Lyra.
"Tatakas ka na naman"
"Kung takas ang gagawin ko sana tumalon na ako sa bintana nitong 46th floor"
"Hindi ka pwedeng umalis bilin ni Boy Bawang" she said at hinarang ang kanyang paa sa pintuan.
"At sino bang maysabing aalis ako mag-isa?Magbihis ka maypupuntahan tayo"
She hurriedly went to her room. Yes, she has her own room here in my condo. I didn't actually gave her any room she just picked one and considered it as her room...ang kapal ng mukha.
"Antagal mo! Ano ba, bahala ka dyan" sigaw ko at saka nauna nang bumaba ng hagdanan. Nagmadali naman syang bumaba at sumunod sa akin.
"Malilintikan na naman ako nito ni Boy Bawang,e!"
"Chill. Hindi lang ikaw, dalawa tayo" I assured her, not that I'm scared with Rafael ayaw ko lang na sermonan na naman nya ng pagkahaba-baba si Lyra, masyadong maingay masakit sa tainga.
Inutusan ko muna si Lyra na mamili ng mga pagkain, nagpaiwan nalang ako dito sa kotse dahil linggo ngayon at siguradong maraming tao sa loob mall, ayaw ko namang dumugin at pagnangyari 'yon ay paniguradong makakarating kay Rafael ang balita at pagbabawalan na naman ako non na lumabas.Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Lyra habang tulak tulak ng isang security guard ang isang cart na pinamili nya.
Two straight hours na ako ang nagmamaneho at itong magaling kong PA mahimbing ang tulog dito sa passenger seat. Minsan nakakapagtaka narin kung sino ba talaga ang amo sa aming dalawa, kung kausapin nya ako ay parang kung sino lang ako, pag-inuutusan ko sya madalas kailangan ko pang magalit para sundin nya ako at ngayon pinagdadrive ko pa ang bruhang ito,napakagaling! Isinama ko sya para may magdadrive sa akin at ang magaling kong PA na 'to ay hanggang ngayon pala ay hindi parin naipapasa ang driving lesson na inapply ko para sa kanya kaya hanggang ngayon ay hindi parin makakuha ng lisensya.
Pinaharurot ko ang kotse saka mabilis na tinapakan ang break ng makapagpark na ako, kita ko ang halos pagtalsik ng magaling kong PA buti na lamang ay naka seatbelt sya kung hindi ay siguradong tumalsik na sya sa wind shield,sayang.
"Andito na tayo" masaya kong bati
"LECHE KA PAPATAYIN MO AKO SA NERBYOS!" singhal nya sa akin ng makabawi sa pagkakagulat.
Tinulak ko ang medyo kinakalawang na gate, naglakad ako papasok habang inililibot ang paningin sa paligid. Kagaya ng dati,ganun parin ang lugar na ito walang pinagbago. Sinalubong ako ng nakangiting matandang babae, si Nanay Lourdes ang tagalinis ng bahay ampunan.
"Zenia, mabuti naman at napadalaw ka"salubong ng matanda sa akin bago ako niyakap ng mahigpit
"Ngayon lang po hindi busy"
"Halika, pumasok tayo sa loob siguradong matutuwa si Madame pagnakita ka"
Nagtawag muna si Nanay Lourdes ng mga tutulong kay Lyra sa pagbuhuhat ng mga pagkain bago nya ako iginiyang pumasok sa loob.
"Zenia!" gulat ang ekspresyon ni Madame Sylvia nang makita ang pagpasok ko sa loob ng kanyang opisina. Siya ang may ari ng bahay ampunan na ito, hindi nabiyayaan ng anak kaya napagdisesyunan nilang mag-asawa na magtayo ng bahay ampunan para sa mga batang kinalimutan na ng mundo.
"Madame" ngumiti ako bago niyakap si Madame Sylvia
"Kumusta ka?antangkad at mas lalo ka pang gumanda ngayon"
"Mabuti naman po ako, pasensya na po at ngayon nalang ulit ako nakadalaw busy po ako sa shooting at marami rin po akong endorsements na pinagkakaabalahan"
Lumabas kami ng opisina at naglibot-libot sa loob sa bahay ampunan. May mga batang nakakilala sa akin kaya paminsan-minsan kaming tumitigil sa paglalakad para eentertain ang mga bata.
"Andami nang napalaki at naalagaan ko sa bahay ampunang ito, pero ikaw lang ang bumabalik-balik at hindi nakakalimot"
Ngumiti ako,banayad na nililipad ng hangin ang aking buhok habang pinapanuod ang unti-unting paglubog ng araw sa silangan.
"Wala po akong ibang lugar na babalikan. Wala akong ibang mapupuntahan"
Nagpaalam na kami dahil dumidilim narin at medyo mahaba-haba rin ang byahe. Nilingon ko ang bahay ampunan kung saan ako lumaki. Mapait akong ngumiti. I have no family to called, I have no home to go to. I have nowhere to go, this orphanage was the only place I'm familiar with. I'm all alone.

YOU ARE READING
Behind The Kontra Bida Role
Fiction généraleBehind those fierced eyes there's a beauty inside. Behind the flashes of cameras there's a lonely soul. Behind her kontrabida role there's an angel within.