CHAPTER 7

84 3 0
                                    

JOSHUA'S POV

"Sit down" utos sa amin ni Master

"Ano ang pinunta niyo dito?" Tanong niya! Maawtoridad ang tono nang boses niya pero may mapanlokong tingin sa amin!

"For your Information the Top 1 is now Complete" pagpapatuloy niya na ikinagulat naming apat tsaka ngumiti sa amin nang mapanlokong ngiti!

"Bumalik na po yung lider nila?" Tanong ni Tristan kaya bumaling ang atensyon ni Master sa kanya

"Akala ko ba nakikinig ka? Kaya nga sabi ni Master na kompleto na sila" wika ko sa kanya kaya napangisi ang dalawa pa naming kasama

"Kinaklaro ko lang naman" singhal niya sa mismong mukha ko!

"That's Enough" sambit ni Master kaya tumigil na si Tristan!

"Let's Go to the Training Room, nandun na din ang iba pang Gangs" pagpapatuloy niya kaya tumayo na kami, bago kami lumabas ay isinuot namin ang mga black mask namin na may Symbol nang aming Gang na naka printa!

"Nandun na din kaya ang mga Top 1?" Tanong na naman ni Tristan, hindi talaga sya nauubusan nang salita kada minuto!

"Ewan namin" sagot naman ni Dylan

Sandaling katahimikan tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap nang pinto nang Training Room, wala kang maririnig na Ingay dahil Sound Proof ito!

Si Master ang nagbukas nang pinto, pagkabukas niya tumigil ang mga nagte training tsaka sila nag bow!

Naglakad kami papunta sa dulo,kung nasaan ang aming mga upuan! Inilibot ko ang mga mata ko para hanapin ang mga Top 1 pero wala pa sila!

Sinenyasan ni Master ang dalawang maid na lumapit sa kanya kaya lumapit naman ang mga ito!

"Papuntahin mo si Queen dito with her Gang" utos ni Master sa kanilang dalawa kaya umalis na sila

Queen ba ang Codename nang lider nila pero parang may iba pa akong narinig eh, ano kaya ang codename nang ka gang mates nila?

"Huy Josh parang ang lalim nang iniisip mo ah, ano yan share mo naman sa amin" wika ni Tristan sa akin pero hindi ko sya sinagot

"Hayaan mo yan pinagpapantasyahan niya lang yung babaeng nakita niya sa Mall kahapon" saad naman ni Dylan na may mapanlokong tingin

"Ano nga ba pangalan ulit  dre?! Lyka? Mika?" Kunot-noong tanong ni Tristan! Sabay ngisi tsaka tumingin nang nakakaloko!

"Tumahimik ka nga kung ayaw mong putulin ko yang dila mo" banta ko sa kanya kaya tumigil na siya!

"Ang tagal naman ata nung Queen na yun" usal ni Dylan kaya tumingin si Zav at Master sa kanya, mukhang natakot naman siya kaya tumigil na siya!

Paglipas nang Ilang minuto bumukas ang pinto kaya pansamantalang tumigil ang mga nagtetraining kanina, tumayo din si Master tsaka sila nag bow kaya dali-dali din kaming tumayo at nagbow

Tumigil sya at luminga-linga hanggang sa mapako ang paningin niya sa amin pumasok na din ang mga ka gang mates niya napatingin ako sa sumunod na pumasok kay Queen, parang Familiar sya sa akin!

"Come here Queen" utos ni Master kaya agad siyang lumapit at umupo sa tabi ni Master, tsaka lumapit na din ang mga ka Gang Mates nya!

"Alright everyone is here" saad ni Master

"I just want you to know that Queen is the one who Rule the Gangster World" pagpapatuloy niya kaya napatingin kami kay Queen ang Ganda nang mga mata niya nakakalunod nang Ganda, pero walang emosyon o anumang reaksiyon ang makikita mo!

Soft Hearted Girl, Turned Into NumbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon